Chapter Twenty-Two
The Selection
ILANG minuto pa lang na nakakaalis sina Queen Diamond, Eli, Zee at Elijah pero hindi na mapakali ang asawa ng mga lalaki. Idinaan na lang nina Debbie, Yñez at Sari sa pagbabantay ng mga anak nila ang kabang nararamdaman. Maaga ring nagsipanhik sa kanya-kanyang mga silid ang iba pa pero sigurado si Ethan na wala pang nakakatulog sa mga ito dahil nga sa pag-aalala.
"Paco? Paco?" tinig iyon ng caretaker na si Nieves habang hinahanap ang bunsong anak na si Paco. Nilapitan ni Emma ang ginang.
"May problema po?"
"Hindi ko kasi makita ang anak kong si Paco. Inutusan ko lang siyang magligpit ng mga basura pero hindi na bumalik," nag-aalalang sabi ng ginang. "Hinahanap na rin siya ng asawa kong si Rosendo. Hindi naman siya umaalis dito nang walang paalam."
"Tutulungan na rin namin kayong maghanap."
"Gracias."
Sinabihan ni Emma si Evan sa nangyari at ito na ang nagsaliksik sa paligid para mahanap ang bata. Ilang minuto ang nagdaan ay dumating ang hinahanap nila. Sa sobrang pag-aalala ng ginang ay napagalitan nito ang anak.
"Sabi niyo kasi itapon ko 'yong mga basura eh," katwiran ng bata.
"Nangangatwiran ka pa talaga. Pagagalitan ka talaga ng tatay mo," kastigo ng ginang sa anak. "Bakit napunit 'yang damit mo?" usisa ni Nieves na ang tinutukoy ay ang punit na laylayan ng t-shirt ng anak. Nagkamot lang ng batok si Paco na tila ba noon lang din napansin ang punit na damit. Nagpasalamat sa kanila ang mag-ina saka pumasok na sa villa.
"Wala na bang ibang nawawala?" tanong ni Erwan.
"Ang puso ni Emmanuela, posibleng mawala," panunukso ni Evan. Napailing si Emma.
"Bakit mawawala ang puso ni Emman?" tanong ni Ethan sa mga pamangkin. Kahit alam na ng lahat na babae si Emman, mananatili ang tawag niya rito.
"Nagbibiro lang si Evan, tio."
"Nakipag-date siya, tio," sabad ni Erwan.
"Kanino?" salubong ang mga kilay niyang tanong.
"It wasn't a date that you think. It's a secret date with my grandfather and uncle."
"Meron ka pang hindi sinasabi," pambubuking ni Evan.
"Hindi kami nag-date ni Miguel. Sinamahan niya lang ako para makausap ko sina Abuelo at Tio Iñigo. 'Yon lang."
"Sino si Miguel?" usisa niya.
"Dr. Miguel Alejandro Valiente. Kaibigan siya ni Tio at 'yong kuya niya dapat ang magiging asawa ni Mama kaso nagtanan ang parents ko," paliwanag ni Emma. "Guys, wala akong balak na mag-activate ng sumpa habang narito tayo. Hindi tayo magtatagal sa Tierra del Cielo. Wala rito ang mga buhay natin."
"So bye-bye doctor ka na?" panunukso ni Evan.
"Stop teasing your cousin," saway niya rito. "Wala akong balak na pigilan kayo sakaling may magustuhan na kayo. Sana lang, gamitin niyo rin ang utak niyo sa pagpili at kung maaari, huwag 'yong tagarito."
"Basically, halos lahat ng narito ay mga kamag-anak natin pwera 'yong doktor at 'yong kapatid ng pinsan nitong si Erwan," sabi ni Evan. "Nagsumbong sa akin si Zara. Ang lagkit daw ng tingin ni Marisol kay Erwan tapos kinikilig rin daw itong isa."
"Hindi ah," tanggi ni Erwan pero napansin niyang namula ang mga pisngi nito. "Hindi ko pwedeng magustuhan si Marisol. Magagalit si Vito."
"Ikaw Evan, sino naman ang nakita mo?" tanong niya sa pamangkin.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 9: Queen Diamond
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. This is the first part of the story of the mysterious Contreras matriarch. Witness her hu...