Planned

3 0 0
                                    

PTTALP- planned

♥♡♥♡♥♡♥♡♥

"Anong kalokohan ang ginawa mo at na detention ka kahapun ha Lian." Pasigaw na tanong ni mader huhu. Nakatungo lang ako kasi wala akong lakas nang loob na sumagot aba baka masapak pa ako nang wala sa oras ng nanay ko. Kung hindi niyo alam napakasadista po ni mader kaya nga under si pader eh walang-wala ang pagiging padre de pamilya niya. Don't get me wrong kaya ko nasabi na under po si pader kasi po ayaw niya lang talagang patulan si mader alam niyo na mahal niya daw kasi eeewwwww.

"SUMAGOT KA!!!" Napatalon ako sa gulat nang sigawan na naman ako ni mader. Napakamot ako sa ulo nang wala akong maisip na palusot.

"Ahhh----- Ehhh------- Ihhh------- Ohhh------ Uhh" Dahan-dahan kong sagot ni hindi ko man lang madugtongan huhuhu nakakatakot si mader ang sama niyang makatingin eh kaya wala akong masagot.

"Ginagago mo ba ako ha Lian, hindi kita tinatanong tungkol sa abcd na yan tinatanong kita kung bakit ka na detention kahapon." Halos magsilabasan na ang ugat sa leeg ni mader sa pagsigaw sakin ako naman ay nagdesisyon na sabihin na lamang ang totoo. Wala na akong magagawa eh baka itakwil niya ako bigla dahil sa katigasan nang ulo ko teka paano ko sisimulan.

"Ma naman eh, t-tumakbo kasi ako papuntang classroom namin kasi late na ako h-hindi ko naman alam na magagalit si panot--- esti si Mr. Perez pagkarating ko, wala akong kasalanan ma I'm innocent, I'm not guilty." 'and i hate drugs' dugtong ko pero sa isip ko lang yan ah baka mag evolve si mader pag narinig niya yon sakin.

"Kahit na!! Paano kang nalate eh alas sais palang nakaalis ka na nang bahay ni hindi ka man lang kumain nang agahan saan ka ba nagsususuot at napunta ka sa detention" Tanong ni mader, well kahit papaano bumaba din ang tono ng boses ni mader hindi nakakatakot tulad kanina but still galit parin pakinggan.

"Eh kasi ma may tinatakbuhan kasi akong alien na tinubuan nang mukha, nakakatakot po siya at siya ang salarin kung bakit ako nalate at nadetention." Sumbong ko kay mader syempre hindi ko sinabi yung pangalan no baka masuka lang ako at mapagkamalan pa akong buntis ng nanay ko.

ha anong konek??

ah basta !! walang tanong-tanong yun na yun period no erase. Hayy napabuntong-hininga ako,nababaliw na ako pati sarili ko kinakausap ko na.

"Ewan ko sayong bata ka kung ano-ano nalang pinagsasabi mo, yan na nga ba sinasabi ko eh hindi ka kasi kumakain nang agahan araw-araw kaya napaparanoid ka na diyos ko hindi ko alam ang gagawin ko sayo matanda ka na kaya dapat alam mo na kung ano ang hindi at dapat gawin" Tumayo si mader at iniwan ako sa sala meganun walk out ang peg ni mader haay nako hindi ko siya maintindihan sabi niya 'ewan ko sayong bata ka' tapos sasabihin niyang 'matanda ka na kaya dapat alam mo na kung ano ang hindi at dapat gawin'  nakakalito diba sasabihan kang bata tapos matanda ano ba talaga haaaaaaaayyy.

Pagkatayo ko ay saktong pagdating ni pader na kakapasok pa lang sa loob nang bahay. Napatingin naman siya sakin at ngumiti.

"oh baby, how are you? come here give me a hug." awww sweet ni pader lumapit ako sa kanya at binigyan siya nang mapagmahal na yakap. Bumitaw din naman ako agad.

"Dad, I thought your coming home late today." Takang tanong ko kay pader.

"Me too baby, our clients are very nice akala ko mapapatagal ako sa pagpapaperma ng mga papeles pero mabilis lang naman pala silang kausap about my proposals." Masayang sagot ni pader ahuh alam ko na kung bakit, pero gusto ko iconfirm.

"Why dad, babae ba ang kliyente mo o lalaki." Pagkumpirma ko.

"Hmmm they were both girls." sabi na eh kaya naman pala mabilis napa oo tsk. Hindi kasi mapagkakaila ang ka gwapohan ni pader lalo na't makisig parin ang pangangatawan nito kahit nasa mid 40's na. Tsaka sinong di mapapa oo eh magaling sa business talk si pader hindi siya magiging CEO nang kumpanya namin kung hindi siya matalino no.

Gulat kayo no OPO mayaman po kami hindi lang halata lalo na't tawag ko sa kanila eh mader at pader wala lang gusto ko lang tsaka sa isip ko lang naman yun sinasabi hindi naman ako hambog tulad nang iba diyan. I'm humble you know mwahahaha

Pagkatapos namin mag-usap ni pader ay umakyat na siya sa kwarto nila mader habang ako naman ay nag-iisip kung paano makakaganti sa isang alien na tinubuan ng mukha ha !! akala niya makakalimutan ko yung ginawa niya puwes nagkakamali siya. 4th year high school na ako ngayon, sa loob nang apat na taon ko sa high school hindi niya ako tinitigilan sa pambebwesit. Inaraw-araw niya pa nga eh parang hindi maku kumpleto ang araw niya kapag hindi niya ako naaasar.

Ano kayang pwedeng kong ipang ganti sa alien na yon.
a. Ipakulam
b. Ipasalvage
c. Ipakidnap at itapon sa ilog pasig
d. Iligaw sa bermuda triangle
e. Epa rape sa mga bakla
f. all of the above

Ang ganda ng choices ko no ano kaya kung piliin ko ang letter f. Hmmm magandang edeya yun kaso ang cliché, gusto ko yung bago.

"Oh my god Lian anong ginagawa mo sa mga halaman ko, hindi tubig yang nakalagay sa spray bottle na yan bakit yan ang ginamit mo, balak mo bang lasunin ang mga yan ha." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni mader sa hagdanan at patakbong lumapit sakin. Inagaw niya agad ang spray bottle na hawak-hawak ko ngayon lang at tiningnan agad ang mga halaman na diniligan ko. T-teka bakit hawak ko yung spray bottle tsaka bakit ako nagdidilig kani-kanina nakaupo lang naman ako ah. Napahampas ako sa noo ko nako naman sa sobrang pag-iisip ko nawala ako sa katinuan ni hindi ko man lang tinignan ang pangalan na nakasulat sa spray bottle at basta-basta ko nalang hinablot at sinaboy sa mga halaman.

"Huhu look what you've done to my precious flowers Lian namatay tuloy sila, matagal ko pa naman na iyang inalagaan." Grabe parang bulaklak lang iniiyakan na agad ni mader paano kaya kung ako ang nasa kalagayan nang bulaklak iiyakan niya din kaya ako. Hmmmp

"Ang tigas talaga nang ulo mo Lian anong pumasok sa kukoti mo at idinilig mo tong lason na to sa mga halaman ko, dahil sa ginawa mo grounded ka nang isang buwan." Napasinghap ako sa sinabi ni mader oh my gulay no way high way. Huhuhu noooo, not my allowance, not my car, my cellphone, my loptop arrrggggg. Nagpapadyak akong lumabas ng bahay at pumunta sa pool nilublob ko ang dalawang paa ko sa tubig at napapamura.

Shit ka talagang alien ka ikaw ang may kasalan nito. Well kahit papaano nabigyan ako nang edeya ni mader. Humanda ka saking alien ka. *insert evil laugh*

*****

JhelleyBaby

POISON Turns To A LOVE POTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon