Province

1 0 0
                                    

Nakasakay ako ngayon sa taxi papuntang probinsya kung saan nakatira ang kaklase kong si Malot. Nagtataka siguro kayo kung ano ang gagawin ko doon well, well, well malalaman niyo din pagkadating ko.

"Manong malayo pa ba ang Hindimakita St.?" Tanong ko kay manong driver ang tagal kasi naming dumating eh. At tsaka nagtataka ako sa pangalan ng lugar nila Malot kaya siguro matagal kami dumating kasi pangalan pa lang ng lugar mahirap talaga siguro hanapin yun. Tsk.

"Malapit na tayo ineng, mga dalawang kanto nalang at makakarating na tayo sa lugar na pupuntahan mo." Nakahinga ako nang maluwag, haay salamat naman. Medyo sumasakit na din kasi ang puwet ko sa kakaupo eh. Tumingin nalang ako sa labas at pinagmasdan ang paligid marami akong nakikitang malalaking kahoy tsaka may bundok din na matataas. Binuksan ko ang bintana at nalanghap ko agad ang simoy nang hangin hmmm napapikit ako. Preskong-presko iba talaga ang hangin sa probinsya walang polution at malinis hindi mainit at sakto lang sa pakiramdam, nakakarelax. Napamulat ako nang maramdaman kong huminto ang sasakyan.

"Ineng nandito na tayo." Saad ni manong. Kumuha ako nang isang libo sa wallet ko tsaka ibinigay kay manong.

"Salamat manong, keep the change po" Sabi ko at lumabas ng kotse. Bago pa ako makalakad eh tinawag ako ni manong driver kaya napalingon ako sa kotse, nakabukas ang bintana nito at kita ko sa loob si manong.

"Salamat dito sa bigay mo Ineng napakalaking pera nato para sa amin, mag-iingat ka sa paglalakad medyo gumagabi na din kasi." uuuyy si manong concern haha. Tumango ako kay manong at ngumiti at nagsimulang maglakad ulit haayy para akong mag ca-camping nito dala-dala ko ngayon ang malaking bag na naglalaman ng gamit na kakailanganin ko kung sakali. Kanina pa sana ako dumating kung hindi lang ako grounded naka kotse sana ako ngayon at hindi ako naglalakad. Ang saklap ng buhay ko.

Sa susunod ko na po-problemahin ang kotse at ibang mga gamit ko sa bahay may misyon ako ngayon kaya ito muna ang paglalaanan ko nang pansin. Napatingin ako sa paligid at nakakita naman na ako nang bahay sa medyo hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Naglakad nalang ulit ako buti naman may nakita na akong bahay magtatanong nalang ako kung may mauupahan ba dito at doon muna ako pansamantala.

Nang makarating ako sa bahay ay nagtaka ako kasi wala akong makitang ilaw. Hmm may nakatira kaya dito nako takot pa naman ako sa mag-isa.

"Tao po--- Tao po, may tao po ba dito." Sigaw ko sabay katok sa pintuan. Bigla naman itong bumukas hala may multo kaya dito huhu wala po sana takot ako mag-isa pero mas takot ako sa multo.

Papasok na sana ako nang may bigla akong maramdaman na parang tao sa likod ko kaya hindi ko nagalaw ang kamay kong hahawak sana sa doorknob. Oh my july huhu lord naman sinabi ko naman po na takot ako sa multo bakit tinatakot mo parin ako huhuhu.

"Anong kailangan mo dito." Napatalon ako sa gulat nang magsalita ang taong nasa likod ko lumingon ako at nakita ko ang isang matanda hindi lang siya bastang matanda nakakatakot siya huhu sobrang seryoso nang mukha niya at sa tingin niya sakin parang sinasabi niya na  hindi ako welcome.

"Ah hehe pasensya po lola, magtatanong lang po sana ako kung may malapit ba na mauupahang bahay dito." Nag-aalangan kong tanong kay lola hooo grabe hindi ako makatingin sa kanya katakot.

"Wala kang makikitang ibang bahay dito, ako lang ang nakatira sa lugar nito kaya batid kong ako ang kailangan mo." Ha! siya ba ang lola ni Malot sabi niya kasi sakin dito nakatira ang lola niya pero sabi naman ni lola siya lang ang nakatira sa lugar nato ibig sabihin siya nga ang lola ni Malot. Arhhgg ang bobo mo naman Lian ang tagal-tagal bago mo magets.

"Ay kayo po ba ang lola ni Malot? Pasensya po sa abala lola may kailangan lang po talaga ako sa inyo kaya ako naparito." Magalang na saad ko kay lola.

"Kung ganoon pumasok ka muna, wala kanang makikitang bahay na mauupahan kaya dito ka muna pansamantala." wow mabait naman pala si lola akala ko pauuwiin niya na ako eh hehe

"Ah salamat po lola uuwi din naman po ako bukas na bukas po." Sagot ko naman.

Umupo si lola sa isang silya na gawa sa kahoy ako naman ay umupo sa mahabang upuan na kaharap nang kay lola, binaba ko muna ang dala kong bag bago umupo nang maayos.

"Ngayon, sabihin mo sakin kung ano ang kailangan mo?" Deretchong tanong ni lola. Grabe si lola straight to the point masyado wala man lang bang snack dito bago mag-usap haha syempre joke lang.

"Ah eh lola nasabi po kasi sakin ni Malot na gumagawa daw po kayo nang mga poison, gusto ko po sanang humingi o kaya bumili nang isang piraso."

Nagulat si lola sa hinihingi kong pabor ngunit bigla naman itong sumeryuso agad hala nagalit ata si lola ayan na naman ang nakakatakot niyang tingin.

"Hindi madali ang hinihingi mo! Alam natin pareho na masama ang manglason sa kung sino!" Pagalit na paliwanag ni lola sakin. Napaatras ako nang upo sa sobrang gulat grabe katakot talaga si lola dagdag pa yung boses niya na sobrang buo.

"Sorry po lola, sobrang inis na inis na kasi ako sa taong yun palagi niyang inaasar ang araw ko, parang hindi mabubuo ang araw niya pag hindi niya ako napagtitripan sobrang nakakabwesit na po talaga kaya gusto ko siyang lasonin, hindi naman po yung nakakamatay yung kahit sasakit lang yung ulo o kaya katawan makaganti lang po ako kahit sa ganong paraan lang." Mahabang paliwanag ko kay lola hindi ko alam kong ano ang reaksyon ng mukha ko habang sinasabi ko lahat nang yun. Ang alam ko lang imbis na maintindihan ako ni lola eh bigla na lang siyang humagalpak nang tawa.

Nagtatakang tiningnan ko si lola. T-teka nga anong nakakatawa sa sinabi ko!! Maisip ko lang ang alien na yun nag aapoy na sa inis ang buo kong katawan.

"Hahaha alam mo hija sa lahat nang taong lumapit sakin ikaw lang ata ang pagbibigyan ko sa gusto mo" Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi ni lola.

"Talaga lola?" Bakas ang tuwa sa boses ko habang kinakausap si lola grabe hindi ako makapaniwala tsaka parang ang saya naman na ako lang sa lahat nang lumapit ky lola ang pagbibigyan niya sa hinihingi ko.

"Oo naman hija sana maging masaya ka pagkatapos, hayaan mo bukas na bukas gagawan kita ng lason para sa taong yun." Yes!! salamat naman at hindi mahirap kausap si lola. Ang saya-saya ko akala ko aabot ako ng isang linggo na makig-usap kay lola tungkol sa lason. Pero nagtataka din ako eh kani-kanina lang ayaw niya akong pagbigyan tapos biglang nagbago ang isip niya. Ah bahala na basta makukuha ko na bukas ang kailangan ko at makakaganti na din ako.

Humanda ka saking alien ka bwahhaahahhahahahah !!!!!!!

*****

Jhelleybaby

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

POISON Turns To A LOVE POTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon