HRHG 26: Pain Turns Your Heart Colder

68.7K 1.5K 49
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

"A person with a cold heart can only show their love by being cold"

― PureDragonWolf

⚜⚜⚜

(Rissy's POV)

"Ito, maganda. I think babagay sayo." Itinaas ni Lindsey and hanger kung saan nakahanger ang pulang cutout peplum dress. 

Maganda ang tabas ng damit, but I don't like the cutout in the front sa may belly and the bare back

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maganda ang tabas ng damit, but I don't like the cutout in the front sa may belly and the bare back. It looks so revealing.

Umiling ako. "Try it!" si Cheska. Kinuha nito ang damit at binigay sa akin. "This, will look fabulous on you, and it will surely showcase your long legs and tiny waist," si Cheska. 

"I don't think I can walk around with that, tsaka medyo malaki na ang tiyan ko," pilit akong tumatanggi.

"You want to show him how much a loser he is? Then, becoming sexier and beautiful is the best option." Si Cheska na almost iningudngod sa mukha ko ang damit. "Try it, I want to see," hindi na ito ngumingiti kaya kinuha ko nalang. Kanina pa kasi kami sa mall naghahanap ng maisusuot ko. Pagkatapos ng klase namin, dumiretso kami rito. 

"Where is she going? I thought she's only going for a date with Laurent?" tanong ni Lindsey na naguguluhan. Hindi kasi namin nabigkas ang parting dadaluhan namin is a welcome party para kay Maxwell.

"They are going to a welcome party for Maxwell," si Cheska ang sumagot. 

Lumaki ang mga mata ni Lindsey. "He's here?" lumalaki ang ilong nitong tanong. 

Tumango ako. "Then, tama si Cheska. You should look at your best. Yung hindi ka niya makikilala sa ganda. Para magsisi siya sa pag-iwan sayo," si Lindsey. Dumilim narin ang aura nito pagkarinig kay Maxwell. 

Both of them hated him already.

"Alright," hindi na ako tumanggi dahil nakasimangot na ang dalawa. 

Labag man sa kalooban ko, bumalik ulit ako sa fitting room. Inalis ko ang puti kong capri pants, then and itim kong sleeveless top. Saka ko isinuot ang pulang dress. The color itself is already eye catching. And lines sa gitna and crossed sa waist, made it looks stylish, rather elegant. 

Tingnan ko ang aking sarili sa salamin, the hem just past my mid-thigh which is just perfect, my belly doesn't look big, but my breast, it looks so big, well, it got bigger and now, it was very catching, na lalong nagpaseksi sa akin.

The dress doesn't look bad at all, hindi rin ito bastusin, actually, it looks like a million dollar dress. Hot, yet classy and my skin looks healthier.

"Rissy," tawag ni Cheska. Mukhang naiinip na ito.

"We want to see it," si Lindsey.

Inalis ko ang aking tingin sa salamin at binuksan ang pintuan saka lumabas.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon