Mga Larong Kalye

1.2K 19 3
                                    

Sa kalye, may mga laro na paborito ng nakararami

At may mga sadyang pinagpala at may sadyang nalulugi

May mga tapat maglaro at mayroon din naming mandaraya

At asahan na ang iyakan kapag may mga nadarapa

Langit-Lupa

Nakakapagod ang takbuhan kapag ikaw ang lagging taya

Lalo't di sila umaalis sa langit at parati ka lang sa lupa

Pero maglalaro ka pa rin ng matiyaga kahit na ganoon

Pero hanggang kailan ka magtitiis na itago ang pagkapikon?

Walang langit na bukaspara sa mga pusong duguan

Ang lupa na impyerno ang tangi mong mapupuntahan

Uminom ka ng tubig, sabay takbo pag muli nang handa

Kahit nasasaktan at napapagod sa habulan, ikaw pa rin ang taya

Batuhang Bola

Kailangan ng bilis ng isip at katawan

Kailangan ng kooperasyon ng kabuuan

Dapat mabilis ka mag-isip

At huwag kang mainip

Ito ay isang madugong labanan

Dito

Dito, kailangan mo talagang umiwas sa isang bagay na parating ng di inaasahan

Para di ka maging talunan

Para di ka masaktan

Kapag ang kalaban ay binato ang bola at sa tingin mo kaya mo naman itong masalo

Magkukusa kang isugal ang iyong buhay, sasaluhin mo ito, nang ang iyong malungkot na kakampi

Ay makalaro at maging masaya pa muli

Subukan natin itong ikumpara sa totoong buhay,

Kaibigan mo o kamag-anak mo

Kahit sinong mahalaga sa iyo

Ay inunulan na ng mga problema

Magkukusa kang sumugal para saluhin ang iba niyang problema

Teka lang, mas maganda kung samahan mo na lang siya harapin ang bagyo

Kahit na bahain man siya ng problema,

Hindi niya tong haharapin ng mag-isa,

Mayroon siyang kasama

Na tutulong at dadamayan siya.

Taguan

Spoken Word Poetry (Wattys 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon