Ang Luuvaro

373 5 2
                                    

"Sa Rayos.Dahil sa Luuvaro kaya nasunog ang aming bayan."Mapait na sabi ng bata.

"Anong Luuvaro?!"Muli ay tanong ni Duval.

"Sa matagal mong pagkakakulong Duval marami ng pangyayaring masaklap at kakaiba sa mga bayan at siyudad.Isa na nga ang Luuvaro dito."Pahayag ng Kamir."

"Dapat na kaming umalis."Pahayag ng isang gigahantes.

"Huwag muna kayong umalis dapat ninyong malaman na di kayo ligtas sa mga Luuvaro at mga kawal ng Reyna."Sabi ng isang tinig ng babae.

"Kirina!Kamusta ka?"Sabik na sabi ni Duval.Ng malingunan ang nagsalita.

"Mabuti ako Duval.Masaya ako at naisama ka nila sa pagtakas.Mas madali na nating mapapabagsak ang reyna ng matapos na ang kasamaan niya."

"Ito na ang tamang panahon para mapagplanuhan.Kailangan nating magsama sama.At tama si Kirina di kayo ligtas sa Luuvaro."Sabat ng Kamir.

"Pero mas madali kayong matutunton ng Reyna kung andito kami.Malaki kami at mahihirapan magtago dito."Sabi ng Gigahantes.

"Mukhang nanghihina pa kayo."Nakangiting sabi ni Feyrron.

"Tignan ninyong mabuti mga kaibigan.Isang malaking pandaraya lamang ang buong kapaligiran."

"May makapangyarihang salamankang bumabalot sa atin upang tayo ay maging ligtas.Hindi ito mapupuna ng Reyna."Paliwanag ng Kamir.

"Kung ganon makikinig kami.At saka kami magdedesisyon kung dapat ba kaming manatili dito.Sapagkat di ninyo kami alipin."Pasya ng namumuno sa Gigahantes.

"Kung ganon bakit di kayo maupo at pakinggan ang aming sasabihin.

Simulan natin sa bayan ng Torsa.Ito ang pinakamahirap na bayan dito sa Eiolandia.Walang makain,barbaridad at pinakamadumi.Kung kaya't ng dumating ang Luuvaro sa lugar nila agad nila itong tinanggap at pinalago.Hindi naakit ang mga torsa sa gandang taglay ng Luuvaro.Mas naakit ang mga Torsa sa gandang lihim nito.

Dahil ang Luuvaro ay isang bulaklak na ubod ng kamandag.Sa umaga ang bulaklak nito ay nagtataglay ng bango na maaaring gamitin ng sinuman upang gawing pabango at sabon.Ang talulot ng bulaklak nito ay may kulay puti sa umaga dilaw sa tanghali at pula sa gabi.Ang lihim nito ay lumalabas sa paghahabol ng liwanag at dilim kung saan ang buwan ay nagtatago ang kalahati sa bundok ng Shir.Ang lihim nito ay nasa mga dahon na nagiging ginto.Ginto na di taglay ng mga Torsa."Paliwanag ni Feyrron.

"Mabilis din itong dumami.At kaya nasusunog ang bawat bayan na pinagdalhan dito ay dahil ang nasa ugat nito na nagtataglay ng gaas at mabahong likido ay nagliliyab.Inisip kasi ng karamihan na putulin at patayin ang ugat nito sa pagsunog.Dahil sobrang kapal ng sanga nito."Sabi ni Kirina.

"Lubha ngang mapanganib.Ngunit di kami kayang tupukin ng apoy."Sabi ng isang babaeng gigahantes.

"Tama kayo,hindi kayo maaaring mamatay sa apoy.Ngunit may isa pa kaming ipinagtataka!"

"Ang bayan ng Torsa ay di pa natutupok sa apoy.Ngunit wala ng mamamayan.Ngunit walang palatandaan na iniwan ang bayan o nasalakay ng Torsa.Ngunit isa lang ang tiyak ko,di mapapasok ng sinuman ang Torsa.Nagkalat dun ang Luuvaro at ang mga Horboss ay nasa paligid lamang.Para bang ginawa itong kuta."Mahabang paliwanag ni Feyrron.

"Ang ibig ninyo bang sabihin ay ginawang kuta ang Torsa?"Tanong ni Duval.

"Maaaring ganun ngunit di kami tiyak ang hirap kasing lumapit sa bayan.May mga gigahantes din kasing humaharang sa daanan at naniningil ng sampung sako ng ginto."Sabi ni Kirina na mataman na nakatingin sa mga gigahantes habang sinasabi yun.

Ang Babae sa salaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon