Chapter 58: Colors of Reality

51 1 2
                                    



            Sa sobrang dami ng mga tao tila hindi ako makahinga mag kahalong kaba at lungkot ang aking nadarama. Napatitig kami sa mata ng isat isa oo, hindi ko alam kung paano ngyaring magkamukhang magkamuka kami sino ka ba talaga Khyle Rivers? 


          Nagulat nalamang ako ng matapos siyang koronahan ay bigla siyang kumaripas ng takbo gumuhit ang pagtatakha sa mukha ng lahat ng mga tao. 

 "Maaari ng tumuloy sa loob ng palasyo ang lahat."anunsyo ng mahal na Reyna. Agad ko naman hinabol ng tingin si khyle alam kong nakita niya ko, kaya ba siya kumaripas ng takbo dahil alam niyang nasaksihan ko ang pagiging impostor niya? 


 "Khyle san ka pupunta?" Hinawakan ni Setong ang aking kamay. 

 "Ah mamaya na ko magpapaliwanag, jan lang kayo babalikan ko kayo" sagot ko at kaagad na tumakbo upang abutan si Khyle. 


          Nakakaramdam na ko ng pagod tila sa rooftop ang tungo ni Khyle. Ano bang nangyayare sa nilalang na yun bigla nalang siyang tumakbo...hingal na hingal na ko tila hindi ko na kaya teka ang puso ko...sumisikip ang hininga ko....

"Khyle!" Nagulat ako pag lingon ko nakita ko si Setong tila sinundan niya ko.

 "Bakit ka narito? Ang mga bata?"  

"May minnie playground sa hardin iniwan ko muna sila doon"

 "Hindi mo dapat sila iniwan ang daming tao baka mawala sila o maligaw sa lawak ng palasyo"

 "Sinundan kita Khyle, hindi ko alam pero kakaiba ang kinikilos mo"

 "Kailangan makita ko ang bagong hari, kailangan ko siyang sundan" pagkakataon ko na to upang maayos ang lahat. 


 "Khyle! Namumutla ka na umuwi na tayo maari mo naman siyang makausap sa mga susunod pang araw"  

"Setong..." hindi nako nakapag salita tila nakaramdam nanaman ako ng pagkahilo. 


O__O!!!

 "KHYLE!!!!" Napasuka ako ng dugo kitang kita ko ang bakas ng pag aaalala sa muka ni Setong.


 SETONG'S POV: hindi ko alam kung anong binabalak ni Khyle kaya naman sinundan ko na siya at hindi ko akalain na sa oras na to ay susumpungin siya ng sakit niya wala pa naman kaming dalang gamot nako naman bakit ngayon pa! Nataranta ko ng sumuka na siya ng dugo hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.


"Khyle, halika na umwi na tayo"

 "Hindi Setong.." sagot ni Khyle 

 "Ano ba khyle wag ka ngang makulit"

 "Setong kailangan kailangan makausap ko..."

 "Khyle ano ba!!" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

 "umuwi na tayo kailangan mong makainom ng gamot" dagdag ko. 

 "Pakiusap Setong hayaan mo nalang ako"

 "Pero.."


 "Hindi ako si Khyle" isang malamig na tinig ang aking narinig. 


 O__O tila natigilan ako sa kanyang sinabi.... 

 "A-Anong sinabi mo?" 

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon