AAKFKD 45

416 12 16
                                    

Alexandra's POV

"Xandra, Hindi ba si Zackrey yun?" Kalabit sakin ni Cassy kaya napatingin ako sa direksyon kung saan sya nakatingin.

Oo nga, Si Zackrey...

Nagulat nalng kami ng ibagsak ni Loisa ang pinag shopping namin at naglakad papunta kay Zackrey. Nakita nalng namin syang sinampal si Zackrey.

Agad-agad pinulot ni Cassy ang binagsak ni Loisa at sumunod. Wala naman akong magagawa kaya sumunod na din ako.

"Walang hiya ka Zackrey! Diba sinabi namin na wag na wag mong sasaktan ang kaibigan namin! Ano!?! Tngina mo! Swerte ka pa dahil di si Janelle ang sumampal sayo!" Sigaw ni Loisa at pinagsusuntok ang dibdib ni Zackrey

Di na ako umawat dahil alam kong konti nalng babagsak na ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak na makita ko sya.

"Mam' tama na ho!" Rinig kong sabi ng mga bodyguards na kasama ni Zackrey.

"Loisa! Tama na! Marami nang nanonood oh!" Awat sakanya ni Cassy

"Ito tatandaan mo Aguas! Hinding-hindi mo na masasaktan si Xandra!" Sabi ni Loisa

"Omg! Babe! Anong nangyari sayo?!" Pagkarinig ko nyan ay napaangat ang ulo ko sa pagkakatungo, Si Lenette ang totoo nyang mahal. Inaayos nito ang damit na nagusot ni Zackrey.

Di ko na kinaya kaya naman tumakbo nalang ako.

Tumakbo hanggang saan. Di ko na alam kung saan ako dinala ng pagtakbo ko, Basta ang alam ko lang ay ang makaiwas sa nagpapasakit sakin.

Ang sakit-sakit sobra. Ramdam ko ngang parang natuyuan na ako ng luha kakaiyak kagabi pa. Di ko na talaga alam ang gagawin ko, Di ko na alam kung kanino pa ako maglalabas ng sakit. Dahil parang hindi naman nababawasan ang sakit eh.

Takbo lang ako ng takbo nang may nakabungo ako.

Pagkita ko si Justine pala.

"Hey! Why are you crying!?!" Nagaalala nyang tanong

"Please... Justine ilayo mo muna ako sa lugar na to." Yakap ko sakanya at umiyak muli.

"Okay okay. Just please don't you ever cry again"

"I can't."

Di ko alam kung saan ako dinala ni Jus. Basta ang alam ko gustong-gusto ko lang magpakalayo kung saan di ako pwedeng masaktan.

Di ko namalayan na nakatulog pala ako at naaninag ko na parang nasa mataas kaming lugar dahil tanaw ang mga building sa malayo.

"Finally! Gising ka na din" bungad sakin ni Jus na kakabukas lang ng pinto ng kotse sa side ko.

"Nasaan tayo?"

"Ah! Nandito sa una nating pinuntahan noon"

Ang Asawa ko Fangirl ko din!?! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon