LINGGO noon. Nakatakda ang araw
na 'yon para
sa date namin ng
girlfiend kong si Maji. Pero tumawag
s'ya sa 'kin at
sinabing cancel muna ang date dahil
sasamahan
ni ya daw
ang kanyang tita sa isang
importanteng lakad.
Sabi ko okay lang,
naintindihan ko. Subalit dahil wala
akong magawa
sa bahay at talagang
bored ako noon, ako na lang ang
pumunta sa mall
at nanood ng sine
mag-isa. Libang na libang ako sa
paggagala sa
mall, di ko alam na iyon
na
pala ang katapusan ng mundo.
Pagpasok ko sa entrada ng sinehan,
nagulat ako
sa nakita sa may snack
bar. Si Maji! At may kasama siya--
hindi ang
kanyang tita--kundi isang
lalaki. Nakaakbay pa ito sa kanya.
Shocked ako
pero ganunpaman, gusto
kong ipaalam sa kanya na nandoon
ako at nahuli
ko siya. Pero di man
lamang s'ya nagulat nang makita
ako. Relaxed
s'ya at nakangiti pang
sinabi sa 'kin: "Tapos na ang lahat sa
atin." "Ha?"
Di na 'ko
nakapagsalita.
Gusto kong magalit sa kanya. Gusto
kong sapakin
ang lalaki. Gusto kong
umiyak.
Pero kinimkim ko ang lahat ng aking
naramdaman
a t sinabing "Wala akong
magagawa...ba sta kung saan ka
masaya.."
Tuma likod ako agad at pumasok sa
loob ng
sinehan. Doon ko ibinuhos
ang lahat ng pinigilan kong lumabas
sa aking mga
mata. Komedi ang palabas at
nagtatawanan ang
mga tao sa paligid
ko ngunit ako nama'y abala sa
pagdadrama sa
aking kinauupuan.
