*Kaye POV*Nandito ako sa tapat ng isang Entertainment para mag Audition. Talent ko ang pag kanta simula bata pa. Mana daw kay Papa. Wala na si Papa ngayon dahil sa Sakit sa Puso, kaya tutuparin ko ang pangarap naming dalawa na maging isang Sikat na Singer.
"Miss Fernandez??" tawag ng isang assistant. Nagtaas ako ng kamay "Ikaw na ang Next. Sumunod ka sa 'kin" sabi niya.
Halaaaaaa. Ako na!!! Kaya mo yan Kaye! Para sa Papa mo yan!! Nagdasal muna ako.
Pinikit ko mata ko. "Lord. Sana po gabayan Nyo ko sa Audition kong 'to. Pakisabi po kay Papa, gagalingan ko lalo para matupad ang pangarap namin. Amen!" pagkatapos ko mag dasal dinilat ko na ang Mata ko. At nagulat ako ng may lalaking nakatingin sa akin at nakangiti o tumatawa?
Tss. Baka di naman ako yung pinagtatawanan nya. Pero infairness, ang Gwapo nya! Kamukha nya si Myungsoo ng Infinite. Hahaha (Nagf-fangirling nanaman si Author. Haha)
"Miss! Ikaw na!" may sumigaw sa Loob.
Luhh. Meron si Ate? Highblood masyado.
Pumasok na ko sa loob. May 3 judges pero may isang bakanteng upuan. Baka naman sa Staff lang yan.
"Miss Kaye Fernandez?" tanong ng isang lalake. Mukhang may edad na base sa Puting buhok. JOKE! Hahaha.
"Opo." um-Oo nalang ako. Hehe
"Bakit mo gusto maging Singer?" tanong pa niya.
"Para po sa Papa ko. Pangarap niya po kaseng maging Singer." sabi ko.
"Ah. Okay. Anong kakantahin mo?" tanong naman ng isang babae.
"Ahm. Stay po ni Daryl Ong." nakangiting sabi ko. Ang ganda kase eh!
"Okay. Umpisa na?" tanong niya uli. Tumango ako. At tumugtog na ang kanta. Pumikit ako. Narinig kong bumukas ang pinto pero di mo muna pinansin. Syempre! Feel ko yung kanta no!
"I want you to stay never go away from me,
Stay Forever.
But now, now that you're gone
All i can do is pray for you
To be here beside me again"
Dumilat ako at nakita ko ang lalake kanina na parang ako ata ang pinagtatawan. Ang gwapo nya.
"Why did you have to leave me,
When you said that love would conquer all
Why did you have to leave me
When you said that dreaming was as good as reality
And now i was move on
Try to forget all the memories of You and Me
But i can't let go of your love that has stop me
To hold on"
Nakatingin lang ako sa kanya. Ewan ko ba. Parang may magnet yung mata nya.
"I wan't you to stay
Never go away from me
Stay Forever"
Ang Gwapo ng mukha nya. Para siyang Anghel.
Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumayo.
Hinila niya ako palabas.
Di ako maka react. Naramdaman ko nalang nandito kami sa Parking Lot.
"S-sandali po. A-anong ginagawa n----" natigil ako sa pagsasalitan ng bigla niya kong hinalikan.
"M-mmhh! T-tama na!" sigaw ko sa kanya. Nung naramdaman kong hindi na mahigpit ako pagkakahawak niya sa kamay ko, saka ko siya sinampal.
Napayuko siya.
"A-anong ginagawa mo??!!" galit na tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin.
"H-hindi mo ba ko naalala?" nauutal na sabi niya.
Anong sinasabi ne'to?
"Huh? May nakaraan ba tayo at kailangan alahanin?" sarkastikong sabi ko.
"Meron!" nagulat ako sa pagsigaw niya. "Meron! Ano yung kinanta mo kanina Stay? Huh! Stay! Hindi mo ba talaga ako natatandaan? Ha?! Ako to! Ako tong lalakeng nagpaka tanga sayo ng mahabang panahon! Sabi mo babalik ka! Pero lumipas ang limang taon, wala! Walang dumating na ikaw! Ang tagal kong nag hintay! Kase sabi mo babalik ka! Pero ano na? Wala! Sana pala hindi nalang kita inantay. Akala ko kase babalik ka. Pero, wala. Siguro kung nag-aantay parin ako hanggang ngayon, patay na ko."
S-siya yun??
Papa alis na sana siya pero yumakap ako sa likod niya. Back hug. Pero wala, inalis niya.
"S-sorry." sabi ko nalang.
"Hindi na mababalik ang dati sa Sorry mo. Masaya na 'ko ngayon. May asawa na ko. May anak na din kami. Kung sana dumating ka agad, babalikan pa rin kita. Pero, wala. May naka una na sayo. May tao na alam kong di ako iiwan. Kase alam naming pareho na mahal namin ang isa't isa. S-sana maging masaya ka. Salamat sa Limang taong TAYO. Sana makahanap ka ng lalakeng para sayo talaga
Mahal kita........... bilang kaibigan nalang"
------------------------------------------------------
Hello uli! Hahahaha. Sorry ang tagal ng Update ko! Tsaka sorry din puro Hindi nagkakatuluyan. Hahahaha. Yaan n'yo. Sa iba sila na magkakatuluyan. Hahaha
Lovelots,
Asawa ni Myungsoo