Jazrille's POV
Pagkatapos ng klase namin, niyaya ako ni Calvin sa mall. May bibilin lang daw syang book. Pumayag naman ako dahil wala naman akong gagawin. Paglabas namin ng school, may isang babaeng bigla nalang humarang at nagpintig ang tainga ko sa narinig ko!
"Calvin! I missed you so much!" Sino naman to? Kung makayakap naman kay Calvin ha. Well, maganda naman sya pero mas maganda ako! Eto namang si Calvin, parang nagulat at nawala sa sarili niya. Sige pabayaan mo lang yang babaeng yan, makakatikim ka sakin!
"Uhm, Miss? Sino ka?" Tanong ko. Mukha kasing walang balak magsalita tong si Calvin. Nawala na ata ang dila nya.
"I am Aria, his childhood bestfriend and soon to be wife." Ngumiti pa sya. At ano daw? Did she just say wife? What the hell?! Hindi nako umimik kasi galit na ako! Masamang tingin lang ang kaya kong ibigay sa magaling kong boyfriend ngayon!
"Uhm, Calvin? Sino sya?" Sabay turo sakin. Ayusin mo ang sagot mo, gago. Magkakaalaman talaga tayo dito!
"She's Jazrille, my friend." Mahinang sabi ni Calvin pero sapat lang yun para marinig ko ang bawat salitang nagpasakit sa akin! What the fúcking fück! Saang lupalop niya nakuha yan! Punyeta! Kaibigan? Ako kaibigan niya lang?! Sobrang galit na ako dito!
"Calvin, ikaw na lang ang pumunta sa mall magisa! Diba kaibigan mo lang ako?! Jan ka sa future-to-be-wife mo ikaw magpasama, uuwi na ko." Aalis na ko ng maalala ko ang dapat kong sabihin sa kanya.
"Goodbye FRIEND." Tangina talaga! Itinanggi nya ko! Sino ba kasi yang Aria na yan? Panira ng kinabukasan! Umiinit ang ulo ko sa babaeng yun! Badtrip! At ito namang si Calvin, kaibigan lang daw ako!Sino ba kasing Aria yan! Nakakainis! Kinuha ko yun ipad ko tsaka nagsearch sa facebook ni Calvin. Hinahanap ko talaga yun facebook noong Aria na yun. Hindi pa ako nakakarami ng stalk ay mas lalong lumala ang galit na meron ako para sa kanilang dalawa!
Aba! Ang kapal talaga ng mukha nitong babaeng to no. Kung makapagpost sa wall ni Calvin. Tss! Pero bakit ngayon ko lang nakita to, eh noong nakaraang buwan pa ito. Ugh!
I viewed Aria's profile. At eto ang nakalagay,
Aria Jane Robles
Im going to the Philippines! Atlast, makikita ko na ang pinakamamahal kong si Calvin! Excited to see you Calvin Co!Badtrip talaga! Pero kailangan kong malaman ang explanation ni Calvin. Ayokong magpadala sa galit ko ngayon. Baka yung isang taon namin mawala na lang gawa noong bwisit na babaeng yun.
Tinatawagan ko si Calvin pero hindi sya sumasagot. Nakakainis, baka kasama nya yun Aria na yun! Nag-online ako sa facebook, at naiinis ako sa nababasa ko ngayon.
Calvin Co
Im really shocked that Aria Jane Robles is here. I didn't expect this, but Im happy :)So masaya sya? Ano ako dito? Papansin lang?! Hindi pa ko nakakamove on sa post ni Calvin nang magpost naman si Aria.
Aria Jane Robles
Just got homieee from SM with Calvin Co. <3 thanks for the treat Calvin! :*Tangina talaga! So magkasama nga sila? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naiiyak na ko sa sobrang inis ko sa kanilang dalawa. Grabeng kamanhidan naman ang meron si Calvin, hindi man lang makaramdam na naiinis ako sa kanya. Nagpost ako sa facebook.
Jazrille Rain Ramos
Seeing the guy I love happy with someone is bullshit. Magsama kayo!I dont want to cry, but I cant' stop my tears from falling. Katapusan na ba ng relationship namin to? Wag naman sana. After that facebook fiasco, inayos ko yun sarili ko. Bukas kakausapin ko si Calvin tungkol dito. Maging ok sana yun kalabasan. Pagkatapos kong magayos, bumaba na ko para magdinner.
BINABASA MO ANG
My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)
Teen FictionIvan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl landed on his way who was trying to forget her past love. Start: Dec. 4, 2013 End: September 6, 2014