Chapter Fifteen

31 1 0
                                    

FIFTEEN

Naging maayos naman ang takbo ng araw ko ngayon. Humingi na ng paumanhin si North kay Ace matapos kong maipaliwanag ang lahat. Ngunit hindi pa rin mawari ni North kung bakit ito ginawa ni Ace, kahit rin naman ako. Nagpaliwanag sa'kin si Ace, oo. Pero kulang pa rin talaga. Bumalik ang dati sa normal, ngunit hindi sa nakagawian, ayos na ang kambal ko at si Ars kay Ace pero hindi pa rin gaya ng dati.

Pinagpilitan kong mawala ang awkwardness sa pagitan na'ming lahat. Kaya naman kada-break na'min ay inaaya ko silang lahat.

Siguro nga at hindi pa rin talaga ako fully moved on, pero tanggap ko na ang lahat. Pero akala ko, magkakaroon pa ako ng oras para bumawi sa lahat. Para ayusin ang gusot na ginawa ko, ngunit nakatanggap ako ng mensahe mula sa tatay ko. 

"East, tumawag na ang lola mo. Sa end of school year mo, magkikita na kayo. Hindi ko na kasi mahintay na sabihin sa'yo sa sobrang excitement ko. Ipapaliwanag ko na lang sa'yo mamaya."

Bakit end of school year pa? Alam ko na magkakaayos rin sila Papa. Pero kinakabahan ako this time.

"Wow, ayos na pala ang pamilya mo?" Napatingin ako kay Ace na nakatingin sa phone ko. Agad kong nilagay sa bulsa ko ang phone ko. "Masyado kang busy kakatitig dyan kaya hindi mo napansin na binabasa ko na 'yan," Sambit niya. Nginitian ko siya at tumingin sa ibang lugar.

"Yep, ayos na nga." Sagot ko. Kami rin ni Ace, nagkaayos na. Napaisip tuloy ako, katapusan na ba? Natatawa na lang ako kasi sa mga palabas pag nagkaayos na ang mga tauhan ay happy ending na. Sumandal si Ace sa bench na kinauupuan ko, nasa may kalapitan lang sina Chiv at Ars.

"So, ngayon lang kayo magkikita ng grandparents mo? Malapit na ang end of sy," Komento niya. Tumango ako.

"One week," Sambit ko. One week na lang? Hindi ko malaman kung mae-excite o kakabahan ako, eh. Ito ang first meeting na'min ng grandparents ko. What if... "What if hindi nila ako magustuhan?" I asked. Actually bigla na lang lumabas sa bibig ko 'yon. It wasn't really for Ace but for me.

"That's impossible. You're such a good lady, Damsel." Napatingin ako kay Ace na kasalukuyang nakangiti sa'kin. If I am a good lady then why didn't you like me? Malamang kasi hindi ko napunan lahat ng pangangailangan niya at hindi niya nahanap ang gusto niya sa'kin. I know the reasons, bakit pa ako magbubulagbulagan?

"Hindi naman lahat nakukuntento na sa good lady," I admit. Narinig ko ang pagtawa niya.

"Masyado kang nega, basta, panigurado magugustuhan ka no'n. Just be at your best." Aniya. His words always soothes me. May one week preparation pa naman ako, I should chill.

"Thanks," Sambit ko. Tumango siya sa'kin at naunang lumapit kila Ars. Sumunod na rin ako marahil ay nakaramdam na ako ng gutom. Gabi na ngayon at naisipang bumawi ni Ace kaya nagpakain siya sa restaurant. Mamahalin pa ata. Magkatapat kami ng kambal ko samantalang magkatapat naman si Ace at Arsen.

"Have you read the message?" Pabulong na tanong sa'kin ni Chiv. Napatigil ako sa paghigop ng soup. Appetizers pa lang kasi ang nakaserve.

"Hmm, are you excited?" Tanong ko.

"We already talked about this," Napatigil ako sa pagsubo. 'Yung dalawa na'ming kasama ay nagkukulitan na.

"Really? Ano raw sabi?" Tanong ko. Medyo napatigil siya pero agad ring bumalik sa ayos.

"Wala namang ibang importante bukod sa..." Napakunot ang noo ko. Bakit hindi ba maideretso ng kambal ko?

"Saan?" Tanong ko. Umayos siya ng upo at ngumuso. Tinignan niya ako.

"Bukod sa makikipagkita nga raw kila Lola. I think good news naman 'yon," Sambit niya.

"I'm nervous," Bulong ko. Ngumiti naman siya.

"You don't have to. H'wag mo muna isipin 'yon, mag-enjoy ka muna habang hindi pa niya tayo nakikita." Aniya at tumawa.

"Sabi ni tatay mabait naman daw sila," Mahinang ani ako.

"Indeed, they are." Sambit niya at sinabayan ng pagtungo-tungo. Dumating na ang meal na'min at nag-umpisa na kami sa pagkain. Inalis ko muna sa aking isipan ang maaring mangyari matapos ang isang linggo at inenjoy ang pagkain.

"Salamat sa treat, Ace!" Masiglang bati ni Ars pagkalabas na'min sa restaurant.

"Mabuti naman at nag-enjoy kayo," Naka-ngiting sambit ni Ace.

"Of course, matagal rin tayong hindi nagkasama!" Sagot ni Ars. Napatungo ako. Ilang beses ko bang pagsisisihan 'yon?

"We have to go home," Ani Chiv. Nginitian kami ni Ace at tumango.

"Ingat kayo," Aniya.

"Salamat, pre." Ani ng kambal ko at tinapik ang balikat ni Ace. Tumango naman ako at ngumiti rin kay Ace.

"Salamat," Mahinang sambit ko.

"Always," Sagot niya. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad kasabay ang kambal ko at si Ars. Nang makalayo kami ng konti ay bumuntong hininga ng malakas si Ars.

"Nakaka-miss rin palang kasama 'yon," Naka-ngiting sambit niya. Lumingon ako sa kanya at napa-ngiti rin.

Pagka-uwi na'min ay nadatnan na'min sina Mama at Papa sa hapag kainan at nag-uusap.

"Oh, sakto pala dating niyo. Kain na at may pag-uusapan tayo," Ani Mama. Hindi pa kami nakakapagpalit ng damit ni Chiv pero mas minabuti na'ming kumain muna. Lumapit kami kina Mama at humalik sa kanilang pisngi. Agad naman akong naupo sa upuan at nagtanong.

"Tungkol po ba ito kay Lola?" Tanong ko. Hinawakan ni Papa ang kamay kong nakapatong sa table at nagpakawala ng kurba sa labi.

"Oo, anak. Tuloy na tuloy na," Masayang sambit niya. Napa-ngiti ako. HIndi ko alam kung mauuna ang kaba o kasiyahan sa'kin.

"Talaga po? Ano pong sabi niya?" Masiglang tanong ko.

"Gusto lang nila kayo makita ni North." Sagot ni Mama. Lumingon ako kay Chiv na sinuklian naman niya ng matamis na ngiti.

"Excited na ba kayo?" Tanong ni Papa at tumawa.

"Hmm, kinakabahan rin po si East." Sagot ni Chiv. Ngumuso ako habang pinagtatawanan nila akong lahat.

"Wag ka mag-alala, anak. Mabait ang Lola't Lolo mo," Ani Papa at ngumiti. Naka-ramdam ako ng ginhawa sa mga salitang binitawan ng aking Ama. Masaya kaming kumain habang nag-uusap. Kahit konti lang ang kinain na'min ni Chiv marahil ay katatapos lang rin na'min kumain bagamat hindi naman na'min ipagpapalit ang luto ng aming ilaw ng tahanan.

"East, go upstairs and change your clothes." Utos ng aking kapatid matapos na'ming kumain.

"Una na ako?" Tanong ko kahit akam ko na ang sagot. Tumayo ako at naglakad paakyat sa hagdan. Naglinis na ako ng aking katawan at nang matapos ako ay hindi pa rin umaakyat si Chiv. I wonder what took him so long. Ngunit pagkasabi ko pa lang no'n ay bumukas ang pintuan ng aming kwarto.

"Sleep now, my twin. Mag-aayos lang ako." Aniya at lumapit sa'kin saka hinalikan ang aking noo.

"What took you so long?" Kumawala sa'king bibig ang katanungang kanina ko pa naiisip.

"We just chatted a little more," Aniya.

"Without me?" Tanong ko at ngumuso. Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. "Urgh! Kaka-brush ko lang niyan!" I hissed. He chuckled and turned his back.

"Matulog ka na, pagkatapos ko susuklayin ko ulit 'yan." Sambit niya at pumasok sa cr. I smiled. Pumikit ako ngunit hinintay kong matapos ang kapatid ko para masuklayan niya ako. And he's really a man of words. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama ko at paghawi ng buhok ko. Hindi rin nagtagal ay naramdaman ko ang paglapat ng brush sa hibla ng mahaba kong buhok.

"I know you're still awake. Matulog ka na dahil ang linggong ito ay magigibg matapang para sa'yo," Rinig kong bulong niya. I wanted to ask him. But the way he brush the strands of my hair and his voice made me lose my consciousness.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon