CHARMS: search for the charm stones
CHAPTER 1:
“Chichi!! Gumising kana nga, male-late kana sa unang araw mo sa 4th year!!! ”
Minulat ko na ang mga mata ko dahil sa sigaw na iyon ni Tita Mito.. ay oo nga pala ngayon ang first day of school. Agad akong bumangon at naghanda na para pumasok. Lumabas na ako sa kwarto at bumaba na papuntang dining area ay nakita ko naman si Tita Mito na naghahanda ng babaunin ko for lunch.
“Good morning Tita Mito, si kuya?” tanong ko habang papalapit ako kay Tita Mito.
“Hindi ka pa ba jan magmamadali Chi? Late kana sa school mo.” Sabi sa akin ni kuya habang nag-aayos ng kanyang sapatos. “Aalis na po ako.”
“Hintay kuya, sabay na tayo.”
Agad kong kinuha ang lunch k okay Tita Mito at sinundan na si kuya sa labas ng bahay.
“Aalis na rin po ako!!!”
Kinuha ko na ang skate ko at si kuya naman ay ang bike niya. Si kuya nga pala ay college student na, malapit lang ang paaralan niya sa paaralan ko. Tahimik lang siya at talagang maasahan mo talaga kapag kailangan mo. Ay oo nga pala ang pangalan niya ay Celfrion. Pareho pareho kaming C ang initial ng name namin, anak nga pala siya ni Tita Mito, nag- iisang anak to be exact. Wala nga pala siyang ama, hindi namin alam kung buhay pa ba yun o patay na, basta ang alam ko lumaki siyang walang ama.
Kung gusto niyong malaman ang tungkol sa aking mga magulang ay ganoon din ang kagustuhan kong malaman. Ang totoo niyan eh napulot lang ako nina Tita at sabi niya sa akin ay di ko daw matandaan at alam kung ano ang nakaraan ko at maging ang pangalan ko. Sabi nga ni Tita ang tangi ko lang daw nun sinasabi eh “chi” kaya naisipan niya na yun na lang ang ipangalan sa akin, Chichie at para parehas na rin kami ng initial ng anak niya.
“Mauna kana, may titignan lang ako dito sandal.” Utos ni kuya ng huminto ito at tinuro ang kabilang side ng kalye.
“Sige”
Ng umalis na si kuya ay bigla ko na lang naramdaman ang lungkot at kaba. Hindi kalayuan ay narinig ko na ang tunog ng bell sa aming paaralan.
“Lagot, lata na talaga ako!!!”
Agad akong nagmadali papunta sa aming paaralan at biglang may nakabangga akong isang lalaki.
Napaupo ako sa sahig at ganoon din siya.
“Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!!!” galit na wika nung lalaking nakabangga ko.
“Ikaw nga dapat ang tumingin sa dinadaanan mo, bigla-bigla kna lang jan sumusulpot sa harapan ko.”
Tumayo na ako at ganoon din siya. Hindi ko Makita ang mukha niya dahil naka sunglass siya at nakasumbrero.
“Hayun siya. Habulin niyo dali!!!”
Bigla naman siyang tumakbo at sinundan naman siya nung mga lalakingnaka-itim pero bago yun ay binantaan niya ako.
“Humanda ka sa susunod na magkita tayo.”
“As if magkikita pa tayo.” Pabulong kong wika.
Ng pupulutin ko na sana yung ilang gamit ko na nahulog ay may nakita akong bato na kumikinang sa ganda. Kulay asul ito. Pinulot ko ito kasama ng mga gamit ko. Bigla naman ako napatingin sa relo ko.