PROLOGUE

6 1 1
                                    

Froyd's POV

"Huy! Pasa mo unggoy!" Sigaw ni Tom na malapit sa ring.

"Wag! I-three points mo na Re! Mahina yang si Trhellie Olivia Murquez! Haha!" Natatawang sigaw ni Zeff na nakabantay sakin.

"Putcha! Tom nga sabi! Nililihis molang si Unggoy eh!" Nakangiwing singhal ni Tom na naghihintay ng pasa ng bola.

"Piwwit! Ehem...INSPIRATION~" ngising sabi ni Drex na nakaupo sa bleachers kaya naman sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at nawala sa sarili.

"Hi Insan!" Bati ng magandang nilalang kay Tom na iritable parin. Si Lyndsey, ang napakagandang pinsan ni Tom.

"Hi Froyd! Hi guys!" Matamis na bati nito at umupo sa bleachers.

"King ina pasa mo nalang kung di mo is-shoot!" Sigaw ni Tom.

Lalong lumawak ang ngiti ko ng muli akong sulyapan at ngitian ni Lyndsey.

"Ay puta wala na! HAHA!" Malakas na tawa ni Drex na nagpabalik sakin sa realidad.

Kinakabahang drinibble ko ang bola saka ishinoot. Napangiwi nalang ako ng tumunog ang buzzer at di pumasok ang bola.

"Tara dito GAGO!" Napaatras ako ng makita ang galit na mukha ni Tom habang hawak ang pumalyang bola.

"Putcha! Wala kasi sa sarili. Sige pilayin mo yan Trhellie! HAHAHA!" Kantyaw ni Drex na sinamaan ko ng tingin kaya naman napataas ng dalawang kamay ang huli.

"A-aray!" Sapo ko sa mukha na tinamaan ni Tom ng bola.

"Tara dito kulang pa yan! Huta pang-isaw din yung 200 Unggoy ka talaga!" Galit na sabi nito at tumakbo papalapit sa akin. Agad kong hinila si Zeff at ipinangharang sakin.

"Oh? Ano yun Froyd?" Takhang tanong niya.

"E-eh ikaw na bahala kay Amazo-este Tom, napapahiya ako kay Lyndsey eh" bulong ko dito habang natatakot padin sa papalapit na si Tom.

"Hoy Zeffrey Tambalco alis dyan!" Sigaw ni Tom na mas ikinaatras ko.

"P-pre ikaw na bahala kay Tom. Mahal mo naman yan eh. Ty!" Sabi ko sabay tapik sa balikat niya at tulak papalapit kay Tom.

Papalapit palang sana kay Lyndsey ay agad na narindi ang tenga ko sa isa pang amazonang babae.

"Kuyaaaaaaaaa!" Nakatakip sa tengang nilingon ko siya at may masamang tingin na ikinataas niya lang ng kilay.

"Anong oras na ab-" agad kong tinakpan ang bunganga niya na tila nakalunok ng speaker bago pa man malundo ang court sa ingay ng bunganga niya.

"Oo na! Uuwi na tayo Frhayne" Inis na sabi ko at hinila siya paalis.

"Wag mokong hilahin Kuya! Kadiri! Ang baho mo!" Asik niya na rinig ng lahat at ikinatawa ng tropa.

"Lagot ka sakin Frhayalynne!" Madiin kong sabi sa kanya na ikinairap niya lang.

------------

Masaya at makulit na tropa o barkada.

Kilala sa tawag na BROTHUG.

Solid kung ihahambing sa Matters sa Science.

Infinite kung sa Mathematics.

Walang anuman ang makakatibag.

Mawawasak nga ba ng di maunawaang nararamdaman?

"F-froyd-a-ako nal-" agad ang pag-iling ng binata na mas ikinahikbi ni Tom.

"I-im sorry. Alam mo namang si Lyndsey ang-"

"Na ginagamit kalang?! Ang tanga mo Froyd-" nagulat ang dalaga ng biglaan siyang sampalin ng binati. Unti-unting lumandas muli ang mga luha sa kanyang pisngi kasabay ng pag-atras niya.

"S-sorry Tom-H-hindi ko sinasad-" di pa man natatapos sa sasabihin ang binati ay agad tumakbo paalis si Tom.

Palayo sa taong nagbibigay saya sa kanya na ngayo'y sinaktan siya.

"Gago ka Froyd! Ang laki mong gago!" Singhal ni Zeff mula sa likod at agad siyang sinuntok pagkaharap.

"Diba yun din naman ang gusto mo Zeff?! Diba?! Dahil tang inang ikaw ang nauna?!" Di mapigilang sigaw ni Froyd.

"Tang ina. Diba ikaw na pinili?! Kaya nga nagparaya ako! Kaya nga pinili kong lumayo sa kanya!" Sigaw ni Zeff at natigil ang dalawa saka napatingin sa isang babaeng humihikbi.

"A-ano bang meron kay Trhel...B-bakit siya nalang lagi?!" Sigaw nito na may halong galit at poot sa boses.

"Lyndsey, labas ka dito." Tila hinihinahon ang sariling sabi ni Zeff.

"Ano?! Na sabi niya ok lang na magkagusto ako sayo Zeff kasi si Froyd ang gusto niya at magkaibigan lang kayo? Pero ano?! Naging kayo! Nung biglaan nalang siyang umiwas kay Froyd! Ngayon mo sabihing labas ako sa usapan!" Mahabang litanya ni Lyndsey.

"So totoo nga?-totoong tang inang panakip lang ako?!" Sigaw sa kanya ni Froyd na ikinahikbi niya.

"Oo! Pero minahal kita Froyd-M-mahal na kita..pero ano?! Nung nasasaktan ako mag-isa lang akong nakakaalam kase yung pinsan ko ang may gawa na akala ko kakampi ko! Tapos siya ngayon ang nasasaktan ako ang may kasalanan?! Ganon ba?!" Humahagulgol na sabi ni Lyndsey saka nagmadaling umalis na natabing pa ang kakarating lang na si Drex.

"Gago ka talaga Froyd!" Singhal ni Zeff sabay sapak sa kanya.

"Sige pa! Tang ina mo! Kasalanan ko naman lahat diba?!" Sigaw ni Froyd at tila naghahamon pa ng suntok habang lumalapit kay Zeff.

"Tama na mga pre!" Pumagitnang sabi ni Drex at binalingan ng masamang tingin ni Froyd.

"Isa kapang gago ka! Pati kapatid ko?!" Galit na asik ni Froyd saka sinapak si Drex.

"P-pre. Maniwala ka-di ko sadya. A-akala ko kase-" muli siyang sinapak ni Froyd na ikinatumba niya sa lupa.

"Gago! Na akala mo nabaling mo sa kanya ang tang inang feelings mo?! Na nawala na yang sparks mo kay Lyndsey. Na nagparaya ka sakin?!-Gago! Ginawa mong experiment ang kapatid ko!" Sigaw ni Froyd at akmang susuntukin muli si Drex ngunit may kamay na pumigil sa kamao niya.

"Tama na. Di lahat kasalanan ni Drex, may kasal-" agad niyang hinawi ang kamay ni Zeff at napangisi.

"Ganun ba?! Sige. Tutal mag-bestfriend kayo-pwes magsama kayo!" Singhal niya sa dalawa na may kasamang pagtawa.

"Wala akong kaibigang gaya niyo. " mapakla niyang sabi bago iwan ang dalawa.

Nilisan ang tambayang nakasaksi ng kanilang barkadahan na sa isang iglap ay nawasak lang.

How to unlock the lock in their Love Chain?
How can their hearts find it's true love?
Can their broken hearts let go of the pain and bring back the old times?
Can they bring back the BROTHUG?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love ChainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon