Chapter 1 - Pagpapakilala

10 0 0
                                    

Prologue

Hindi ko naman inakalang ganito ang mangyayari. Hindi ako naging teacher para lang makita yung mga studyante ko na magkaganito.

"Nagsasalita na naman siya magisa" sabi ng imbestigador.

"Sir, simple lang naman ang tanong ko, ano po ba ang nangyari noong araw na nagretreat kayo..."

Hindi nila mainitindihan ang bigat ng nararamdaman ko ngayon... Hindi ko na kaya...

"WAAAHHHHH!!! AYOKO NA!!!"

"Sir, kumalma lang kayo"

Kinuha ko ang baril...

***********************************************************************************

Unang araw, bagong simula, yan ang naging panimula nang aking araw. Ako si Greg. Kakapasa ko lang ng LET at maswerteng makapasok at makapagturo sa St. Caedwella Catholic School.

"Mr. Ramirez, Welcome to SCCS. I'm Dr. Juliana Pelegrino, the principal."

Binati ko rin siya nan magiliw.

"It is so nice that we have one of the top board passers here in our school. By the way, puntahan natinang iyong faculty."

Maganda ang loob ng eskwelahan. Malinis at walang bahid ng kung anumang gulo.

"Mr. Ramirez, meet the faculty, Faculty, siya si Mr. Ramirez, our new calculus and logic teacher dito sa high school department."

Ang laki din ng faculty, sa bagay, marami rin kasi ang teachers.

"Mr. Ramirez, this will be your cubicle near your fellow Math teachers, ang iyong immediate head ay si Ma'am Filomena De Vera, ang subject coordinator for Math and Sciences. Ikaw rin pala ang magiging adviser ng section 4 - Amity. So, i'll leave you there, kaya mo yan. Good luck and Good Bye."

Nagpasalamat ako sa kanya. Okay naman ang pwesto ko, kahit na open na open siya sa lahat.

"Kumusta pare, ikaw pala yung bagong teacher dito. Ako nga pala si Teddy, Teodoro Lanuza, your Physics Superman at your service."

Kinamayan ko siya, mukan mabait naman kaso mukhang mayabang.

"Hay nako Sir Teddy, wag mo ngang angasan yung bagong teacher. Hello po sir, ako nga pala si Rena, Renalyn San Juan, English teacher."

ANg ganda niya, pero feeling ko hindi kami bagay.

"Hey guys, Oh may bago pala." Bati ng bagong pasok.

"Hay nako Mam Julie, buti umabot ka, kala ko late ka na naman."

"Ano ka ba Rena, First Day malalate ako, of course not. OO nga pala, I'm Julieta Oroquieta, guro ng Kasaysayan at Ekonomiks."

Mabait naman silang lahat, pero may napansin akong isang babaeng tahimik at nakatitig lang sa isang picture. Hindi ko naiwasang magtanong.

"Sir Teddy, sino nga pala siya?"

"Ahhh, siya si Ma'am Delie Veloria, Filipino teacher."

"Sir, bat ganon, muka siyang malungkot."

"Hindi naman sa pangchichimis ano pero ang alam namin eh, namatay kasi yung anak nya na nagaaral dito, tapos ang may pakana eh yung mga bata daw na kaklase niya." Malungkot niyang sinabi.

"Ano ba sir Teddy, talaga bang paguusapan natin pa yan." Sabi ni Rena.

"Para kayong mga timang, Hindi na kayo nahiya kay mam Del." Sabi ng isang gurong hindi ko pa kilala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw ang susunodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon