Taguan

5 0 0
                                    


"Isa,dalawa,tatlo! Magtago na kayo."

Tumakbo na ako. Iniwanan na ang lugar at baka maabutan pa. Nagkahiwalay kami ng kasama ko.

Madilim na gabi ang sumalubong sa akin sa gubat. Palagi na akong naririto, ngunit kakaiba parin. Umakyat ako ng puno at doon nagtago.

"Mga bata, nasan na kayo?" Pasigaw na sinabi niya. Niyakap ko ang puno para hindi ako makita. Tumingin ako sa liwanag na aking naaninag. Si kuya may dalang lampara at kutsilyo.

Sobrang dumi na ng damit na ilang araw ko nang suot. Ilang araw na rin kami sa warehouse, hindi kumakain. Pinalo ng latigo sa likod na hanggang ngayon masakit parin. Hindi na rin ako nauwi sa bahay.

Naglaro lang kami ng taguan nauwi na sa ibang tahanan.

Nagkagalos-galos na ang paa, masakit na rin ang binti, at hingal na hingal na ako.

Naliligaw na ako dito sa gubat.

Tumingin ako sa liwanag na aking nahagilap.

Tila isang magandang pinta ang aking nakita sa kalangitan. Isang araw na pasikat ang nagdala sa akin ng pag-asa.

Sa aking likod nasilayan si itay, inay at ate nakangiti. Kumakaway na tila bumabati at nagpapaalam. Sila'y naglaho kasabay ng pag ihip ng hangin. Gaya ko na unting-unting nahulog sa bangin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TaguanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon