[4] Graduation Day

5.2K 107 1
                                    

Jazrille's POV

Pagkatapos nung nangyari kahapon, hindi ko alam kung kakayanin kong makita sya ngayon. Buti na lang patapos na ang high school at hindi ko na sya makikita. Hindi ko parin makalimutan yun ginawa niya sakin. Maling mali na minahal ko sya ng sobra.

Eto ako ngayon, naghahanda sa pagpasok. Papasok ako, hindi porket nawala sya sakin hindi ko na iintindihin yun pagaaral ko. Hindi pwedeng madisappoint sila Mommy. Kaya hanggat kaya ko, titiisin ko. Makisama naman kasi sana yun mata ko. Baka kasi pag nakarinig lang ako ng pangalan niya, baka biglang mawala lahat ng strength na inipon ko wag lang umiyak.

Haay ang hirap! Dati sinasabi ko na kapag nagkaboyfriend ako, hinding hindi ako iiyak. Pero kapag naranasan mo na pala, hindi mo mapipigilan. Nasa gitna ako nang pagiisip kaya naman nagulat ako nang may kumatok.

"Jaz, kakain na tayo ng breakfast." Bungad na sabi ni Rae. I know she wanna ask pero hindi ako ready na sumagot sa mga tanong nya.

"Sige bababa na ako." Buti na lang nandyan sila. Kung tahimik kasi yung bahay mas lalo ko lang syang maaalala. Hindi pa alam nun mga pinsan ko ang nangyari. Hindi din naman kasi nila alam na may boyfriend pala ako. Pagkababa ko nakahanda na sila. Ako na lang pala ang hinihintay.

"Kain na tayo. Salamat at hinintay niyo ko ngayon." Tumawa ako para hindi halata na sobrang lungkot ko ngayon. Nakatitig lang sila sakin. Okay, anong meron?

"Anong meron? Maka titig naman kayo." I asked them. Kumuha ako ng pagkain at magsisimula na sanang kumain nang magtanong si Cha.

"Bakit ganyan yang mata mo?" Ano nga ba ang dapat ipaliwanag ko sa kanila? Hindi naman nila ako maiintindihan.

"May kumagat ba dyan?" Hindi na rin nakatiis si Rae at nagtanong na rin.

"Ipis ba?" Sunod naman na tanong nu Cha. I just want to have a peaceful breakfast!

"Baka lamok?" Isa pang tanong ni Chiny. Hindi ko alam kung nangaasar sila or hindi talaga nila mahalata.

"Grabeng lamok naman yan!" Sabay na sabi ni Rae at ni Cha. Gusto ko nang kumain! Hindi man lang din ako hinayaang makasagot.

"Tss. Pwede ba manahimik kayo, umiyak yan." Poker face na naman to. Pero paano niya nalaman? Parang wala lang sa kanya ang sinabi nya. Dapat talaga masanay na ako.

"Weh, Sab? Paano mo naman nasabi?" Takang tanong ni Rae. Si Rae talaga pinaka chismosa sa amin eh.

"Narinig ko siya kagabi." Kaya naman pala eh, hindi kasi sound proof yun kwarto ko.

"Kumain na lang tayo" Makaiwas man lang sa topic. After namin kumain, umalis na ako. Naiwan sila dun. Wala naman pasok yun sila. Iniintay lang nila yung college. Today is March 13 to be exact. Kakayanin kong lampasan itong araw na to. Kakayanin ko. Para sa sarili ko. Pagpasok ko sa school, all eyes on me.

Okay? What the hell is happening here? Lumakad na lang ako hanggang sa makarating sa room pero hindi ko maiwasang mainis kasi pinagbubulungan nila ko. At ang masama, eto ang naririnig ko.

"Break na daw sila ni Calvin? Ipinagpalit daw eh, boring kasi sya masyado."
"Sayang ang tagal na nila, kaso bumalik yun first love daw eh."
"Mas maganda naman yun first love no."
"HIndi daw sya minahal."

Nakakainis diba? Bubulong na lang yun naririnig ko pa! Badtrip ang aga aga. Pagpasok ko ng room, napatingin sila sakin.

"Wag niyo kong tingnan ng ganyan pwede ba!" Nagalit na ako! Hindi ko kayang maghahapon nila akong titingnan dahil lang sa nangyari sa amin! Umalis naman sila ng tingin sakin. Tss! Hindi ako umupo sa upuan ko dahil ayokong katabi si Calvin. Naaalala ko pa yun nangyari kahapon. Nightmare, its a fúcking nightmare. Wala akong kausap dito kasi wala naman akong kaibigan dito. Ayaw sakin nun ibang babae dito. Buti na lang dumating na si Ma'am bored na bored na kasi ako.

My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon