Chapter Fifteen

165 13 1
                                    

Yzus Xania's POV

Nagpapasalamat ako sa pagiging pakialamero ni Josh dahil naibalik nya sa normal ang buong sistema ko.

Nandito lang kami ni Shin sa labas ng living room.

Hindi kami pwedeng pumasok since inactivate ni Josh ang Human magnet.

(Kung meron man nun)

Kung papasok kami edi didikit din kami sa kisame.

"Wahh! sige na lady dragon..tulong!"

Nag-cross arms naman ako.

"As i said, nasa inyo ang remote. Hindi kami pwedeng pumasok. Maghintay kayo ng isang oras na ma-deactivate ang human magnet. Kung papasok kami, magsisimula ulit kayo sa una."

sabi ko sa kanila ng mahinahon. Kawawa kasi sila eh. Nakadikit sila sa kisame at bakas sa mukha nila ang takot.

"Ikaw kasi, pakialamero ka. Dinamay mo pa kami."

si Allen na sinisisi si Josh.

"Eh malay ko ba sa remote na iyon."

Sabi ni Josh.

Parehong dikit ang likod nila sa kisame.

Bumuntong-hininga ako.

"Alerto kayo matapos ang isang oras."

sabi ko sa kanila.

"Ba-bakit?"
-Khent

"Malamang na ma-deactivate ang human magnet...kumusta naman ang bagsak nyo diba?"

Sarkastiko kong sabi.

Iniwan ko na sila.

Gabi na rin kaya magluluto ako ng dinner.

Matapos magluto ay tinawag ko si Shin.

"What now!"
Kunot-noong tanong nya.

"Baka kasi pwedeng e-prepare ang table since ako ang nagluto. Kung Hindi naman kayo kakain eh sige, ako ang gagaw---"

"Pwede namang sabihin ng diretso, dami pang dada."

Putol nya sa akin at nagsimula ng ayusin ang mesa.
Inikutan ko sya ng mata.

Sakto namang na-prepare na namin ang dinner ng may malakas na lumagabog.

"Peace with your faces."

Bulong ko.

At maya-maya, pumasok na sa dinning ang tatlo na parehong sapo ang mukha at balakang.

"Aruy ko!"
-Josh

"Huhuhu"
-Allen

"Ansaket"
-Khent

Ngumisi naman ako.

"Tapos nyo na bang alipustahin ang kisame at yung sahig naman ngayon ang napagtripan nyo?"

Pang-asar ko sa kanila.

Sabay naman nila akong sinamaan ng tingin at ika-ikang umupo na.

Natawa nalang ako sa kanila at umupo na rin para kumain na dahil kanina pa nagsimula ang damuhong si Shin.

***

"Full name."

"Shin Kyle Acosta. Full name."

"Yzus Xania Fortalejo. Age."

"19. Age ."

"16. Color."

"Black. Color."

"Blue."

"Oh tanong ka na."

"Di ba ikaw naman itong madada? bakit di ikaw mauna?"

YuXa: The X Leader [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon