Yzus Xania's POV
Nagising ako sa isang haplos sa aking pisngi. Minulat ko ang mga mata ko at nakitang si Shin ang humahaplos.
"Sleep. It's not yet time."
mahinahon nyang saad kaya napatitig naman ako sa mukha nya.
Grabe, inlove talaga ako sa lalaking ito?
"Don't stare. I might think that you want a kiss from me."
Pilyong sabi nya kaya napabangon naman ako agad saka sya tiningnan ng masama.
"Kapal mo."
anas ko sa kanya. Nakatitig lang, kiss na agad? Di ba pwedeng pinagpapantasyahan muna ang mukha nya bago ko mapagdesisyunang halikan sya? tss.
Okay.
Problemado pa ako.
Paano ba ako manligaw?
Di naman pwedeng lantaran ko syang bigyan ng roses o di kaya ay kantahan sya.
Naiisip ko pa lang ang mga bagay na iyon ay nasusuka na ako. Paniguradong pagtatawanan ako ng mga Six Rays.
Tumitig ako sa mata nya kaya nangunot ang noo nya.
"Eh kung ikaw kaya ang pagpraktisan ko?"
Mas lalong nagsalubong ang kilay nya sa sinabi ko.
"What are you talking about?"
"Naisip ko lang na, since di ko pa alam kung pa'nong panliligaw ang gagawin ko eh magpa-praktis muna ako. And since that you're the only person knows about it, I decided to practice with you. Wag ka ng umangal , dahil after all, ako ang boss sa ating dalawa, okay ba?"
sabi ko sabay taas-baba ng kilay ko sa kanya.
Sya ay nakatingin lang sa akin.
Ay? No reaction?
Di man lang umangal?
Uyy! Gusto din ng damuho..hahaha.
wew! Ganitong paraan lang ang naiisip ko para masimulan ang panliligaw sa kanya.
Ang kunwaring practice kuno ay talagang panliligaw na pala sa kanya.
Natapos ang buong araw sa school na palagi akong nakadikit kay Shin. Naguluhan sya sa inaakto ko pero ang idinadahilan ko ay 'Practice'.
Matapos ang shift ko sa coffee shop ay di muna ako dumeretso pauwi.
Pumunta ako sa tambayan ng Six Rays.
I still wonder kung ano ang ibig sabihin ni Leah Rose (1st) sa tatlong daliring pinakita nya kay Shin noong nag-akyat bahay sila sa mansion.
May sinabi pa sya nun na sa tingin ko ay isang pangyayaring hindi naisagawa.May mga failed missions ang Six Rays pero di ko alam kung alin dun ang ang ibig nyang sabihin.
Sinabi pa nya nun na balak nya akong patayin, though alam kong labas sa ilong lang iyon dahil alam nyang ni sugat ay di nya ako mabibigyan.But the thing is...the reactions of the boys.
Huminto naman ako sa tapat ng pinto ng tambayan ng Six Rays at inalala ang eksaktong sinabi ni Josh.
*"Akala mo ba hahayaan naming mangyari ulit yun? Never again."*
Yeah! That part.
Hindi ko alam kung anong never again ang tinutukoy ni Josh o kung Sino.
Iwinaksi ko nalang muna iyon sa isipan at pumasok na sa loob.
Alam kong may mga bagay na alam ng Six Rays na di ko alam. Though, hindi ako nagtatanong dahil hindi nga ako umaasa sa bibig ng ibang tao.
BINABASA MO ANG
YuXa: The X Leader [ON HOLD]
ActionShe is a bitch! Her bitchness will give you hell! She has Her "Bitch Levels" and "Bitchy levels" She has secrets! She is... Yzus Xania Fortalejo Ang babaeng ubod ng sungit at maldita. A transferee student from Fortalejo Academy. Inaban...