MTMS TWENTY SEVEN //:27
- Freya Alexis Gonzales-Ashfortz -
Point of View
PAGDATING ko dun sa lugar ay wala pa si Clinton. Nailibot ko tuloy ang paningin ko sa buong lugar. Walang pinagbago, ganun pa rin siya kagaya nung una akong nakapunta rito kasama si Zenwel.
Hindi man maganda ang nangyare nun pero isang mahalagang memory 'yun para sa 'kin na hindi dapat kalimutan dahil kasama ko nung mga sandaling 'yun si Zenwel. Sana lang kasi kasama ko pa rin siya dito. Siguro dapat gumawa na rin ako ng paraan para magkabati kami?
Pero kasi, ang gara niya. Nakakatampo siya. Ilang araw na ang nakakalipas simula nung party ni hindi niya man lang ako kinausap tungkol dun sa announcement ng papa niya. So anong gusto niyong isipin ko ngayon? Na okay lang na ganito kami.
Makikipag-annul na siguro siya sa 'kin at iiwanan niya na talaga ako. Wala na siguro akong halaga sa kaniya.
*Deep Sighed* Nakakalungkot naman.
"Ang lalim ng pinanghugutan nun ah." Napaangat aga ako ng tingin. "Kanina ka pa? Sorry kung na late ako ng ilang minuto, trappic eh. May banggaan kasi sa kalsada." Balita nya at agad naman akong kinabahan.
"So kamusta na? Mabuti at hindi ka nadamay sa banggaan." Pag-aalala ko.
"Hindi naman, swerte eh." Nakangiting sabi niya. Pero hindi pa rin ako napanatag. SHET! Ano bang inaalala ko? Parang banggaan lang eh. Okay naman si Clinton ah? Bakit kinakabahan pa rin ako?
Naupo na siya sa kaharap kong silya at tinawag ang waiter. Hindi na ako tagabundok ngayon sa menu kaya naging okay naman ang mga nangyare. Perfect ang lahat kung tutuosin at mas perfect sana kung si Zenwel ang kasama ko dito. Teka nga, bakit ba isip ako ng isip sa kaniya? Nandito nga ako para hindi siya maisip eh. Si Clinton ang kasama mo Freya!!
Magandang ambience, may magandang musika rin kaming pinakikinggan habang kumakain. Ang galing kasi nung mga orchestra nila eh lalo na 'yung babaeng nagba-violin at 'yung lalaking nagse-celo. Ang galing.
Anyway, gaya nga ng sabi ko kanina perfect na ang lahat, palitan niyo lang ang kadate ko--de joke lang. I mean, mas maganda sana kung si Zenwel ang kasama ko sa ganitong scene 'di ba? Paulit-ulit Freya? Nasabi mo na 'yan kanina!! (>___<) Ayan, hindi ko na naman maiwasang malungkot.
Nagulat naman ako ng mamalayan kong nakayuko na sa gilid ko si Clinton at inaabot ang kamay niya. "Shall we dance?" Pagtatanong nya na hindi ko alam kung nakailang ulit na siya ng tanong dahil 'yung mga tao nakatingin na sa kaniya. SHET
FREYA!! Sige, mag-isip ka pa napapahiya na 'yung kasama mo oh.
BINABASA MO ANG
Married To My SLAVE [✔]
General FictionI, Freya Alexis Gonzales, a janitress at Willford Academy MARRIED TO MY SLAVE, Zenwel Ashfortz who actually the brother of the owner of the WA. Isang Janitress na may Slave? At isang mayamang lalaki na naging SLAVE? Parang baliktad ata. Pero hindi...