▬TRIXIE’S POV
Huh? Naistorbo saan? Sa pagtulog?
“Hindi naman kuya.” Sagot ko. Sumakto lang naman yung dating niya sa gising ko eh.
“Aahh... So nakatapos na kayo nung kumatok ako?” tanong pa ulit niya.
Huh? Anong pinagsasasabi ni kuya? Lutang ba to?
“Nakatapos saan?” pagbabalik ko ng tanong sa kanya.
“Sa—“ di na natuloy ni kuya yung sinasabi niya kasi pinutol na siya ni Sir Darrel.
“Wag mong pansinin yang kuya mo, Trix. Umaandar na naman pagkaloko-loko niyan.” He said sabay lumakad na siya papunta sa may kitchen. Kami naman ni kuya, naiwan sa living room.
Eh? Halaaaaaaa. Di ko na gets pinagsasasabi nitong dalawang lalaking to! >.<
WAIT!!! PARANG ALAM KO NAAA!!! LOKO TALAGA SI KUYA!!! AKALA PA EH ME GINAGAWA KAMI!!! >.<
“Haha! Hey Trix, tinawagan ako ni mommy kanina. Ampunin daw muna kita. Sa Monday pa daw siya uuwi eh. Bakasyon daw muna siya doon.” kwento ni kuya.
“Okay.” sabi ko naman.
Ayos mommy ko no? Pinapaampon pa ko sa kuya ko! Haha! Monday pa siya uuwi? Ede ibig sabihin buong weekend eh dito ako sa puder ni kuya? Okay lang. Marami rin naman akong damit at gamit sa unit ni kuya eh.
“Akala pala niya doon ka natulog sa unit ko.” Sabi ni kuya.
“Ah oo. Yung huling text ko kasi sa kanya kagabi eh sabi ko nakalock na yung apartment ni daddy kaya didiretso na lang ako sa condo mo. Pero di ko na sinabing wala ka rin. Mag-aalala pa kasi yun eh. Sinabi mo bang hindi ako sa unit mo natulog?” tanong ko.
“Hindi na. Alam ko namang safe ka kaya di ko na rin sinabi. Para di na nga mag-alala pa yun.” he said.
Bigla naman akong may naalala.
“Uwi ko?” tanong ko kay kuya sabay lahad ko ng palad ko sa harap niya.
“Nandun sa unit ko.” he said.
“Yehey!” pagre-react ko naman.
“Para ka talagang bata. -_____- “ komento niya.
“Bata pa ko talaga.” I said.
“Batang-isip -____- “ pang-aasar ni kuya.
“Whatever kuya.” sabi ko na lang.
Ilang minutes pa, bumalik na sa sala si Sir na may dalang clubhouse sandwiches at tatlong cups ng hot chocolate.
“Breakfast muna tayo.” Sir Darrel said.
AYUN! Sakto gutom na ko! ^_____^
Ang problema... TOPLESS PA RIN SIYA!
Parang hindi lang tuloy yung clubhouse sandwiches yung gusto kong i-breakfast! >///<
AY! WATDA! Ano na naman ba tong sinasabi ko!!! BEHAVE LANG TRIX!!! BEHAVE!!!
Nag-breakfast na kaming tatlo.
Pagkatapos nun, nagkwentuhan pa kami ng ilan pang minutes. Hanggang sa naisip namin ni kuya na lumipat na sa unit niya.
Pagdating namin ni kuya sa place niya, naligo na ako at nagbihis.
Nandito ako ngayon sa living room. Pinipilit kong pag-aralan yung homework at lesson sa General Statistics. I totally hate this subject pero ayoko naman nung wala akong natutunan sa tuwing nagkaklase kami sa subject na yun. Kaya kahit ayaw ko, pinipilit ko pa rin.
YOU ARE READING
I Don't Wanna Fall In Love
Teen FictionA story of a lady who never wanted to fall in love. But what could she do if loves comes knocking at her door? Will she be ready to let it in? When LOVE is already right in front of her eyes, will she turn away?