Chapter XXVIII

1.5K 33 2
                                    

Warning: SPG ahead!

--------


MTMS TWENTY EIGHT //:28




- Nieder Ashfortz -

Point of View



PATAKBO akong lumabas sa loob ng kwarto ni Zenwel at agad na sinarado ang pinto. Pagkatapos nun ay nakarinig nalang ako ng pagtama ng bote sa likod ng pinto. Huuuu~ muntik na akong tamaan ah. TSK! Sayang ang kagwapuhan ko kung tatamaan lang ng bote.


Ano ba kasing nangyayare sa kanila ni Freya? Gumawa na nga ako ng paraan para makapag-usap sila nun sa ospital eh pero mukhang napasama pa ata ang sitwasyon dahil simula nun ay madalas na nagwawala si Zenwel.


Matapos din pala ang araw na nagising siya ay nung araw ring 'yun pagkagising na pagkagising niya ay inutos niyang ilabas na siya sa ospital na siya rin namang nasunod dahil kung hindi? Paktay kang bata ka kapag nagkataon.


Ilang araw na rin ang nakakalipas. Ngayon nga'y nabalitaan ko ang paglala ng sitwasyon niya. Kung dati ay mesirable na siya ngayon mas miserable pa siya. Parang gusto ko ng isipin na hindi siya ang kapatid ko. Ibang Zenwel Ashfortz ang nakikita ko ngayon. MAHINA.


Nagpunta na nga ako ngayon sa mansyon niya at sinabi ng mga maids na wala raw ginawa si Zenwel kundi ang uminom ng alak buong araw at magbasag ng mga gamit sa kwarto. Nagkukulong lang daw siya sa kwarto buong araw at hindi rin kumakain.


Nung pumasok ako sa loob ng room niya ay nakita ko ang gulong nangyare. Mas malupit pa sa bagyong si Yolanda ang dumaan sa kwarto niya. Sobrang gulo, pero nakaagaw sa pansin ko 'yung part na maayos. 'Yung mga gamit ni Freya nakaayos pa rin sa loob. Weird.


Kaso lang mukhang nainis sakin si Dude sa kadaldalan ko at pinalayas ako sa loob ng kwarto niya eh. At nung ayaw kong lumabas aba'y binato ba naman ako ng bote. Napilitan tuloy akong lumabas.


"Wala na siya Nieder! Iniwan niya na ako." 'Yan ang mga salitang paulit-ulit nyang sinasabi. Sino bang nawala? Si Freya? Pero imposibleng iwan siya nun 'no!


Siguro ay dapat kong kunsultahin si Freya.


-------------



a/n: Please do play the instrumental at the side >>>>>>>>>> para mas mafeel ang POV na ito. VIOLIN and PIANO ARE SUGOII!!! (>//__//<)


- Third Person -

Point of View



Nailagok ni Zenwel ang pinaka last na tungga ng alak na iniinom niya. Nasamid siya ng wala ng pumatak sa lalamunan niya kaya naman sa sobrang inis ay naihagis niya ang bote ng alak.

Married To My SLAVE [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon