Chapter XXIX

1.6K 31 0
                                    

Mga pare ko'y, libre ang magcomment ah. Baka akala niyo may bayad. Wala po xD Hehehe. H'wag po kayo mahiya, tumatanggap po ako ng negative feedback basta maayos ang pagkakasabi. H'wag naman masyadong hard.

--------



MTMS TWENTY NINE //:29




- Zenwel Ashfortz -

Point of View



Nagising ako gaya ng mga nakaraang araw. Hang-over attacked!! DAFUQ!!


Agad akong napaalikwas sa kama. "FREYA!!" Naisigaw ko. Napalingon-lingon ako sa paligid pero walang Freya akong nakita sa tabi ko. Ni walang bakas ng Freya akong nakita. Pati nga damit niya sa kwarto namin ay wala na. Dafuq!! Ang sakit ng ulo ko sa pag-alala sa mga nangyare kagabi.


Panaginip lang ba na nagpunta dito si Freya? Naghalucinate na naman ba ako? TSK!! Mukha ngang ganun ang nangyare. Panaginip lang ang lahat. Pero bakit wala na 'yung mga damit ni Freya sa walk-in-closet?


Agad akong nagpunta sa cr para maligo. Matapos nun ay bumaba ako at tinanong 'yung isa sa mga maids.


"Nagpunta ba si Freya dito?" Tanong ko habang umiinom ng tubig. Tubig na muna, ayoko pang mamatay 'no!! Babawiin ko pa si Freya. Narealized kong hindi ako mabubuhay ng wala sya.


"Kanina pong umaga ay nakita ko po siyang nagmamadaling umalis dala ang mga damit niya. Bakit sir? Maghihiwalay na po ba kayo ni ma'm Freya? Bakit po dala nya na yung mga gam--"


*BOOGGSS!!*


Ibinato ko sa kanya ang basong hawak ko. Pasalamat sya hindi ko sya pinatamaan. "Umalis ka na sa harapan ko at ayoko na kitang makita pa rito." Pagtatanggal ko sa kaniya.


"Pero sir, ako lang po ang inaasahan ng pamily--"


"So ano?! Kasalanan ko na chismosa ka?!! AYOKO SA MGA CHISMOSA KAYA UMALIS KA NA BAGO PA KITA IPAKALADKAD PALABAS NG MANSYON KO!!!" Tiim bagang na bulyaw ko sa kaniya.


Nagtungo ako sa kwarto at tinignan ang mga kabinet. 'Yung ibang damit ni Freya nandito pa pero 'yung iba wala na. So nagpunta nga siya ngayon dito? Para lang kunin ang damit niya?


Bakit? Talaga bang iiwan niya na ako kaya ganun? Naihilot ko ang sintido ko. Ayoko ng magbasag at magwala pa. Ayoko ng maging mesirable. Hindi ako ito. Babalik na ako sa dating Zenwel. Hindi ako papayag na makuha ng Clinton na 'yun si Freya.


Magkakapatayan kami kung kinakailangan.


Kung kinakailangan na kaladkarin ko pabalik si Freya pabalik sa 'kin gagawin ko. Kahit pa ayaw niya na sa 'kin pipilitin ko siyang mabuhay kasama ko. Hindi ako papayag na mapunta siya sa iba. Ayoko!

Married To My SLAVE [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon