Nag madali na kami ng mayordomo patungo sa basement upang mabigyan ako ng sikyuridad...nagkakagulo na ang mga tao...hindi ko alam kung bakit to nangyayare. Hanggang sa biglang sumagi sa isipan ko ang Francis na yon...hindi kaya may nais kumitil ng aking buhay? Pero bakit hinayaan nila na maipatong saakin ang korona? Pero iisa lang naman ang kilala kong may balak kumitil saaking buhay kaya nakakatiyak akong may kinalaman si Francis tungkol dito.
"Paumanhin Mahal na Hari, ngunit maari ka ba naming makausap?" Bigla kaming hinarang ng limang lalake.
"Hindi ngayon ang tamang oras upang makipag usap kayo sa hari" sagot ng mayordomo.
"Ngunit siya ang aming sadya" Tugon ng lalake at hindi maganda ang kutob ko sa mga nilalang na ito.
"Paumanhin ginoo, ngunit..." hindi na naituloy ng mayordomo ang kanyang sasabihin ng mag labas ng baril ang mga lalake.
"Tumahimik ka nalang kung ayaw mong masaktan" sabi ng isa sa mga armadong lalake.
"Sasama ko kung ako ang pakay niyo" sabi ko.
"Ngunit Mahal na Hari.."
"Puntahan mo Si Jharo sa isang paupahan malapit sa palengke at wag mong hahayaan malapitan siya ni Francis" bulong ko.
"Pero paano kayo master Jeremy? "
"Wag mo ko alalahanin..iligtas mo ang Reyna at si Jharo pakiusap"
"Anong binubulong bulong niyo!?" Sabi ng isa sa mga lalake at hinila ako.
"Wag mo ko hilain sasama ko! Wag niyo lang sasaktan ang kasama ko at ang mga tao dito" sabi ko.
"Daming sat sat! Tayo na!" Kagad nila kong sinakay sa isang van. Nakatakip ang kanilang mga muka kaya hindi ko sila makilala nakahinga naman ako ng malalim dahil di nila sinaktan ang mayordomo o ang kahit sino.
"Talian niyo yan hindi siya maaring makatakas" utos ng isa sa mga lalaki.
"Saan ba tayo tutungo? Kung sa mundo na tila puro kumukulong apoy ang laman ay sa tingin ko kayo ang unang unang masusunog" Sarkastikong tanong ko
"Aba may kahanginan pala ang haring ito, wag ka mag alala kamahalan balita ko ay ang mga kagaya mo ang inuuna ni kamatayan" sabi nito at nag tawanan sila.
Tignan ko lang kung makatawa pa kayo sa oras na malaman kong may ugnayan kayo kay Francis, kaya lang naman ako sumuma upang malaman kung sino ang nasa likod ng mga pangyayaring ito sabi ko na nga ba may kinalaman saakin ang mga naganap kanina nasa delikadong sitwasyon ngayon si Jharo. Gagawin ko ang lahat para hindi ka mapahamak kapatid ko.
______
"Jharo...Paano natin hahanapin si Khyle" hindi mapakali si Setong.
"Hayaan mo na kasi akong makabalik ng palasyo para makatulong ako sa paghahanap sa kaibigan mo." tugon ko.
"Ang kulit mo naman eh sa tingin mo hahayaan kita sa kalagayan mong yan? Jharo Ikaw na ngang nagsabi na may nagtatangka sa buhay mo"
"Pero paano si Khyle kung hindi tayo kikilos?" Tila natigilan si Setong.
BINABASA MO ANG
Searching the Casanova's Prince
Teen FictionNot everything will stay, Even some memories will fade away. But you are the one who will choose your way. It's either facing the nightmare of the past or accepting the present and move forward. Indeed, everything is hard... But the search is not ov...