chapter 18:

9.3K 137 0
                                    


-Venus' POV-

       Nakaupo ako sa café shop na nasa labas ng hotel namin ni Ice. Napatigil ako sa pag-inom ng kape ng biglang lumabas si Ice sa hotel at mabilis na sumakay sa isang itim na mamahaling sasakyan.

  Ewan ko ba pero bigla nalang akong lumayo at pumara ng taxi at..

"Manong paki-sundan nga po yun itim na sasakyan nayun."-simpleng sambit ko kay manong habang tinuturo ang sasakyang sinakyan ni Ice.

"Asawa gd ahh"-sambit ni kuya habang umiilang.

"Manong paki-bilisan nalang po"-diin kong sambit. "Bana niyu sa maam?(asawa niyu po yun maam)"-sambit ni kuya with ilonggo accent.. Hay!

  "Oo kuya! At pag hindi niyu po binilisan! Ikaw talaga ang magiging dahil kung bakit mawawalan ng ama ang anak ko!"-galit kong ani si kuya kasi!! Nakakapikon na!.

Nakita kong napalunok si kuya habang tumatango at binilisan ang pagtakbo ng sasakyan.

-----

"Diri lang ko asta maam(hanggang dito lang po ako maam)"-sambit ni kuya.. Tumango-tango lang ako kahit di ko maintindihan ang sinasabi niya. Naghintay ako pero di na niya pinatakbo ang taxi niya.

"Maam sabi ko hanggang dito lang po ako!"- sigaw ni kuya sakin. Tcaka naman toh si kuya marunong lang pala mag-tagalog pinahirapan pa ako.

"Eh marunong ka naman palang mag-tagalog! Pinahirapan mo pa akong intindihin ka!"-sambit ko sabay labas ng taxi. Pero syempre nagbayad muna ako.

Madilim na at Nakaalis na ang taxi na sinakyan ko pero ako nakatayo parin sa isang nakakatakot na pasilyo. Nagsisi talaga ako na sinundan ko pa si Ice.

Nagsimula na akong maglakad. Kaya mo yan venus... Kaya mo ya---

Napatigil ako ng makita sina Ice at Thunder na pumasok sa isang abandonadong gusali at ang daming tao.. Anong meron...

Napatigil lang ako ng may marinig ang nag-uusap.

"Bumalik na pala si Lord?"

"Oo nga.. Mukhang dahil sa magandang chick na nasa loob"

"Hahaha baka nga.. Mukhang magandang laban toh!"

Lumabas na ako sa damuhan ng nakaalis na ang mga lalaki.. Sino kaya ang tinutukoy nilang si Lord??? At ang babae??

Bala na nga.. Kailangan kung malaman kung bakit nandito si Ice at Thunder at anong ginagawa nila dito..

Dahan-dahan akong lumapit sa abandonadong gusali. Goshh!! Ang daming bantay..

Naghanap ako ng daan at napatigil ako ng makita ang isang pinto sa bandang likod kaya pumasok ako dun..

Naglaki ang mga mata ko ng makapasok ako. Ang daming tao at mukhang arena ang lugar.

Naghiyawan ang mga tao ng may lumabas na mga babae sa isang pinto sa baba. Pero hindi ko binigyan ito ng pansin at hinanap nalang si Ice at nakita ko siya sa bandang gitna nakaupo kasama si Thunder at tatlo pang mga lalaki. Napakunot ang noo ko ng may tinitingnan si Ice sa ibaba ng arena at sinundan ko ito at nakita kong nakatingin siya sa babaeng naka pulang sexy-ing damit na nasa gitna. Siya ba ang pinunta dito ni Ice?? Siya ba si krishna na tinutukoy ni Thunder???

Naagaw ng atensyon ko ng magsalita ang emcee.. "Haha! Good Eve Everyone!!! Specially sa nagbabalik na si Lord!!!"-nagulat ako ng malaman kung sinong Lord ang tinutukoy nila at ito'y si... Ice... Bumalik na nga siya..

Napatingin ako kay Ice at nakita ko ang walang emosyong mukha niya at nabaling ang tingin ko sa babae na tinitingnan kanina ni Ice at nakita kong lumiwanag ang mukha niya.. Ouch.. Bakit ang sakit nakitang nagkakatinginan sila..

"SIMULA NA NATIN!!"-sigaw ng emcee at napatingin ako sa pwesto ni Ice tumayo ang isang kasama niya at bumaba may nakita rin akong lalaking bumaba. Kinaladkad ang limang babae sa gilid ng arena.

Naghihintay lang ako kung ano ang maaaring magyari. Nagulat ako ng nagsuntukan na ang dalawang lalaki sa gitna na arena... At makalipas ang isang minuto natumba ang lalaking kasuntukan ng lalaking kasama ni Ice at nakita kong ibinigay sa kanya ang isang babae na dahil upang mag-hiyawan ang mga tao.. So babae pala ang premyo dito.

Matapos ang tatlong laban kasama na dun si Thunder at isa nalang ang natitira sa babae at yun ang babaeng tinitingnan kanina ni Ice.

"AND ON OUR FINAL AUCTION!! LET'S WELCOME!! OUR LORD!!!"-nakita kong bumaba na si Ice at may nakita rin akong lalaki na bumaba sa kabilang bahagi..

Napatigil ako ng may nagtakip ng bibig ko. Pinatayo niya ako habang nasa bibig ko ang kamay niya.

"Shhh... Wag kang maingay.. Pano ka nakapasok dito.. Ahh wag mo ng sagutin"-nagulat ako ng may bigla siyang tinutok sa ulo ko.

"Sundin mo ang iuutos ko kung hindi papatayin kita... Nakikita mo ba yun ang lalaking may baril sa mga gilid??"-tanong niya kaya napatingin ako sa tinutukoy niya at tama nga ang sinabi niya..

Napapikit nalang ako kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Kinaladkad niya ako papunta sa isang room. Tinulak niya ako sa sahig.

"Leo sino toh?!!"-napatingin ako sa lalaking nagsalita.

"Siya ang solusyon sa problema natin."-simpleng sambit na nangangalang Leo.

"Nalintikan na!!"-sigaw bigla ng lalaking kausap ni Leo.

"Tumigil ka nga jigger! Dahil sayo kaya tayo namumublema tayo ngayon!"-tumayo ako at balak sanang tumakas pero hinawakan ni Leo ang braso ko.

"SAN KA PUPUNTA?!!"-sigaw ni Leo at agad akong itinulak sa sofa.

"Asan na ang susunod?!"-napatingin kami sa biglang pumasok. At ito'y ang emcee.

"Nandito na Boss"-sambit ni Leo napatingin sakin ang emcee ngumisi ito at unti-unting lumapit sakin. Nagulat ako ng bigla niyang pinunit ang damit ko.

"W-wag po.."-pag-mamakaawa ko pero patuloy lang niyang pinunit ang damit ko..

Makalipas ang ilang minuto lumabas na ng room ang leon at ang emcee at naiwan ang jigger.

"Sorry.. "-sambit niya sabay kaladkad sakin palabas ng room at sinag ng ilaw ang sumalubong sakin.

~~~~
-Ice's PoV-

       Bumalik na ako sa pwesto ko sa itaas habang kasunod si Krishna.

"Thank you."-napatigil ako tsaka ko siya tiningnan na walang emosyon sa aking mukha.

"Kay Thunder ka mag-pasalamat"-tumalikod ako sa kanya pero bigla niya akong yakap patalikod.

"Ice.. Mahal pa rin kita.."- kinalas ko ang kamay niya sa bewang ko.

"I know."- malamig kong sambit sa kanya tsaka umakyat at umupo na sa pwesto ko. Mahal?? Fuck her face.

"WOHHH!! gusto ninyi pa ba?!!!"-napatingin kami sa emcee na bakla. Akala ko ba tapos na toh?

Naghiyawan na ang mga tao.

"HAHAAHAH! pero bago namin ipasok ang last na i-auction paalala lang po sa mga taong panalo na kanina ay di na pwedeng nakasali.. Ika nga nila give chance to other!! hahaha"- i rolled my eyes. Wala naman akong balak sumali.

"Ipasok na yan!!!"-sigaw ng emcee at kasabay ng pagtayo ko kailangan ko ng bumalik sa hotel at baka hinahanap na ako ni Venus.

"T-teka.. Si Venus.."- napatingin ako kay Thunder na ngayon ay may tinuturo sa ibaba napatingin ako sa ibaba at naglaki ang mga mata ko ng makita ko si..

"Ve.."- fuck!! Di toh pwede!

~~~~~

Kabit Ako Ng Taong Mahal Ko(EDITING)#HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon