Reika’s POV
Kasama ko ngayon si Chiara at naglalakad kami dito sa university papunta sa may field. Gusto daw nya manuod ng mga nagpa-practice na players.
Wala kaming klase ngayon.
Let me rephrase that.
Wala kaming klase buong araw.
Yah, tama yun.
May meeting daw ang mga faculty para daw sa mga activities ng university.
“Rei. May tanong ako.”
“Ano yun?”
May tinuro sya. Sabay nguso dun sa direksyon na yun.
“Kilala mo ba yung lalaking yun?”
“Ha?” Nilingon ko naman yung tinuturo nya. Kumunot yung noo ko. Di ko sya kilala.
“Ano? Kilala mo?”
“Hindi.”
“Weh? Di nga?”
“Ang kulit. Hindi nga.”
“Eh bakit kanina pa yan titig na titig sayo? Di nga maalis yung tingin eh. Naku bes, mag-ingat ka dyan. Mukhang PLAYBOY.” Nanood na lang ulit ako ng mga naglalaro sa field.
“Tsk. Wala akong paki sa kanya.” Kinalabit ako ni Chia.
“Bes.” Sumagot ako pero di ko sya nilingon.
“Ano?” Kinalabit ulit nya ko.
“Bes!”
Nilingon ko na sya.
Dapat sisigawan ko na sya kasi ang kulit nya kaya lang nakita ko yung tinuturo nya. Yung guy kanina.
Palapit na samin!
Nakangiti pa!
Sino ba talaga ‘to?
Para kasing kilala nya ko eh.
Hay. Di na tuloy ako mapakali habang palapit sya dito sa pwesto namin ni Chiara.
...............
Kane’s POV
Hay. Boring naman dito sa field.
Walang girls. Tsk.
Puro taken na yung nakikita ko eh.
Nilibot ko yung paningin ko sa field.
Napangiti ako bigla. Nakita ko sya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Heartbreaker
Novela JuvenilIsang heartthrob at isang simpleng babae na may pagka-boyish kung kumilos at walang kainte-interes sa mga lalaki.. Ano kaya ang mangyayari sa pagku-krus ng landas nila? Disaster ba o may iba pa?