LONG DISTANCE RELATIONSHIP ("LDR")
Sabi nila isa raw ito sa mga uri ng relationship na walang KASIGURADOHAN at HINDI PANGMATAGALAN. OO, maaaring TAMA sila para sa mga taong hindi nagtagumpay ang pagmamahalan nila sa ganitong sitwasyon, pwedi ding MALI para sa mga taong nagtagumpay o nagkatuluyan sa huli. Pero sabi nila once na pumasok tayo sa ganitong sitwasyon o relasyon dapat handa tayo!, handa tayong tanggapin at intindihin ang lahat ng bagay na pweding maganap o mangyari sa pagitan ng ating sarili at ng taong mahal natin. Sa ("LDR") o LONG DISTANCE RELATIONSHIP hindi natin maiiwasan ang mga bagay-bagay, para itong subject na SCIENCE sa sobrang dami ng sangay nito, minsan mas pinipili nalang nating intindihin yung mga bagay na madali lang at isinasantabi nalang yung mga bagay na mahirap. Natural sino ba namang tao ang gustong mahirapan diba??, pero madalas mas pinipili nating mahirapan. Aminin man natin o hindi yun ay sa kadahilanang masyado tayong nagmamahal, pero ang tanong ganun din ba ang taong minamahal natin????...Sabi nila pagnagmahal ka lahat daw ng mga bagay na imposible magiging posible, lahat daw ng bagay na akala mo hindi mo kayang gawin o hindi mo magagawa, magagawa muna. Minsan pa nga magugulat nalang tayo sabay tanong pa sa sarili natin, "NAGAWA KO BA TALAGA YUN?" ^_^. Nakakatawang isipin noh! na ganun katindi ang "LOVE", lahat pwedi mong gawin, pweding mangyari at pweding maganap sa isang iglap kung gugustohin lang natin. Sa LONG DISTANCE RELATIONSHIP hindi maiiwasan ang PANGUNGULILA o sobrang pagkamiss sa taong mahal natin. Ang TEXT,TAWAG at SKYPE ay hindi na nagiging sapat para maibsan ang dinadala nating kalungkutan. Minsan pa nga sa sobrang paglilibang natin sa ating sarili eh hindi na natin namamalayan na naibabaling na natin yung atensyon at pagmamahal natin sa taong laging nandiyan sa mga panahong tayo'y nag-iisa at nangungulila. Kaakibat nito ang tinatawag o sinasabing sakit ng nangungulilang tao yun ay ang MATUKSO o mas kilalang TUKSO. Tukso na pweding sumira ng lahat, tukso na pweding tumapos ng lahat, tukso na pweding makasakit sa lahat at tukso na pweding sumayang sa lahat ng sakripisyo, paghihirap, panahon, pinagsamahan at pangako ng walang hanggang pag-iibigan. LONG DISTANCE RELATIONSHIP dito hindi natin maiiwasan ang MALUNGKOT. Malungkot dahil alam natin sa sarili natin na malayo yung taong nagpapasaya at nagpapangiti sa atin. Yun bang feeling nang pinipilit mong maging masaya pero hindi mo kaya :( , minsan pa nga pati ang BARKADA damay na kasi sila yung nag-iisip o gumagawa ng paraan para pasayahin tayo. Pero diba? aminin man natin o hindi, na habang pinapasaya tayo ng ibang tao mas nararamdaman natin yung pakiramdam na sana andito yung taong mahal natin at siya yung gumagawa ng mga bagay na ginagawa ng mga kaibigan natin. Pero diba sabi nga nila wala tayong ibang maggagawa kundi ang MAGTIIS. Magtiis para sa ikabubuti, ikagaganda at ikatatagal ng relasyon at higit sa lahat magtiis para sa taong minamahal natin. Minsan sa sobrang pag-iisip natin, kung ano-anong maling bagay na ang nasasabi o nagagawa natin sa taong mahal natin, katulad nalamang ng PAGDUDUDA. Pagdududa na baka meron na siyang iba, pagdududa na baka niloloko kalang niya at pagdududa na pweding pagsimulan ng away sa pagitan niyong dalawa. Pero diba? di naman natin masisisi ang ating mga sarili kung minsan nakakapag-isip tayo ng mga negative na bagay sa taong mahal natin lalo na pagLONG DISTANCE RELATIONSHIP ang uri ng relasyon na meron tayo. Sa LONG DISTANCE RELATIONSHIP hindi natin maiiwasan ang makaramdam ng TAKOT. Takot na baka masaktan tayo, takot na baka paasahin tayo at takot na baka bigla nalang tayong iwan ng taong mahal natin. Masakit mang isipin o aminin pero isa ito sa mga katotohanan. OO milya-milya ang layo natin sa taong mahal natin pero di naman ibig sabihin na magiging hadlang ito sa inaasam nating TAGUMPAY, tagumpay na pagmamahalan. Ngunit hindi natin makakamit basta-basta ang tagumpay na inaasam kung wala ang mga sangkap na BUONG TIWALA at TOTOONG PAGMAMAHAL kadalasan sinasabi nila TIWALA at PAGMAMAHAL ang sakreto sa isang matibay at matamis na pagmamahalan. OO tama sila dahil lahat ng bagay ay may kakambal at di nag-iisa. Tulad ng puso natin hindi ito makokompleto hangga't hindi niya pa nahanap ang taong magpapatibok nito. Sa Long Distance Relationship madami tayong mapagdadaanan, una na diyan ang HIRAP, LUNGKOT at SAKIT pero sa huli tadhana parin ang magdidisisyon, kung kayo ba talaga ang para sa isa't isa o magsisilbi nalamang itong aral at alaala para sainyong dalawa. Ngunit ang mahalaga kahit ano man ang magiging resulta nito sa huli, ang importante natoto tayong magmahal, lumaban at sumugal para sa isang relasyon na di natin alam kung may kasiguradohan, kahahantungan at patutunguhan.
*Kaya para po sa mga taong papasok sa ganitong relasyon o asa ganitong sitwasyon mag-isip po muna tayong mabuti at tanongin ang ating sarili kung handa po ba tayo sa mga bagay na pweding mangyari at pwedi nating maranasan. Kung kaya ba nating masaktan, lumaban, magtiwala, magsakripisyo, magmahal ng totoo at tanggapin kung ano man ang pweding kahantungan nito sa huli.
* Para naman po sa mga magkasintahan na nagdaan sa ganitong relasyon at masayang nagmamahalan o nagsasama ngayon. Isa lang po yan sa mga patunay natotoong may DESTINY, HAPPY ENDING at TRUE LOVE.
*At para naman po sa mga magkasintahan o naging magkasintahan na nagdaan sa ganitong uri ng relasyon ngunit hindi pinalad sa huli at lubusang nasaktan huwag po sana tayong mawalan ng pag-asa, huwag po nating hayaang ibaon ang sarili natin sa isang masaklap na karanasan, bagkos ay magsilbi po sana itong aral at motivation sainyo para harapin ang bukas at magsimula ng panibagong kabanata sainyong buhay. OO masakit lalo na pagmahal mo talaga at ibinigay mo na ang lahat sakanya. Yung tipong nakalimutan mo nang magtira para sa sarili mo. Pero ganyan talaga ang buhay minsan kailangan nating MADAPA, MASAKTAN at MASUGATAN para matuto tayong TUMAYO, LUMABAN at Magkaroo ng LAKAS ng LOOB para ipagpatuloy ang ating buhay. ^_^
*comments are allowed ^_^..
..thanks sa inspiration ko.. (V. Q. Zacarias) #pogz
advance thank you po sa mga makakabasa,magbabasa,makakarelate at magvovote:):)