IV. Meet the Villamin's

11 1 0
                                    

The purpose of art is washing the dust of daily life off our souls.- Pablo Picasso

Akala ko sa isang Malamansiyong Pamamahay kami Pupunta ngunit isa lamang itong Malaki at Dalawang palapag na Bahay, Malaki pa rin yung amin. Napangiti ako sa naisip ko.

"Iha" Agaw pansin sakin ng isang boses, ng tinignan ko ito ay nakita ko si Tatang V, Lumapit ako sa kanya at Tinanguan siya.

"Lolo V! " Masayang bati sa kanya ng Anak ko at Yumakap sa Matanda.

"Kin Apo!" Apo? Ang sarap pakinggan na may tumatawag na ganon sa anak ko. Parang may kakaibang pakiramdam dito sa loob ko, Masaya ba ako?

"Lolo V, ato pwo apo niyo? " Tumango naman ang Matanda at Kinarga ito.

"Tatang, baka mamaya magkarayuma kayo niyan"

"Wag ka mag-alala tasya, Nag-skelan ako Hahahaha " Nakakatawa ba?

"Per-" Naputol ang sasabihin ko, lagi na lang may sumisingit sakin a? Psh.

"Gramps! " Tumingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses at nakita ko ang Apat na binatang Bumababa ng Hagdan, hindi maipagkakailang may itsura sila at Malaki ang katawan, tinitigan ko ang kanilang mga Mukha ngunit napako ang mga mata ko sa pares ng matang nakatingin sakin, Kulay asul na mga Mata. Asul

"Nanay! Tsignan mwo pwo, an danda ng mata nila no?" Oo anak, ang ganda. Umiwas ako ng tingin at Lumingon kay tatang.

"Mga Apo! Eto nga pala si-" tinignan niya ako, Oo nga pala hindi niya pa alam ang pangalan ko, nakakatawa kasi nagkaroon na kami ng deal ngunit hindi pa namin alam ang pangalan ng isa't-isa.

"Anastasia" Sagot ko na naman sa kanya,

"Right! Yes, her name is Anastasia and from now on she will be your cook" Asan na kaya yung mga ibebabysit ko? Lumingon ako sa paligid at pinagmasdan ang ng bahay, Mula sala ay makikita na ang iba't ibang Painting,Mga gamit na halatang mamahalin. Moderno din ang kabuuang disenyo ng kanilang bahay.

"Gramps, ma-may anak ka? " hindi ko man lang napansin na nasa harapan ko na sila kung hindi ko lamang narinig na nagsalita ang lalaking kulot ang buhok.

"Nanay, Antot na pwo ato" Humihikab na sabi ng anak ko, Tinitigan ko si tatang,

"Ibigay mo muna siya kay manang at ng Makatulog na siya ng maayos sa magiging kwarto niyo" Tumango naman ako hinayaang kuhaan ng isanv katulong anak ko.

Tumungo kami sa Malapad nilang sofa, Naupo kami doon kasama ang kanyang mga apo,

"Gramps, Hindi mo pa sinasagot ang tanong namin" Blankong sagot ng lalaking mahaba ang buhok" Inirapan ko lang siya, Kalalaking tao ang haba ng buhok.

Tinitigan ko sila, Tama ang anak ko Sadyang magaganda ang kanilang mga mata, Parang may kung anong mahika ang nagtutulak sayong Tignang mabuti ang kanilang mga mata.

"Done fantasizing?" Nakangising tanong ng lalaking may Blonde na buhok, Kung wala lang talaga si Tatang dito naibato ko na sa kanya itong Sapatos ko sa kanya, teka bakit laging sapatos ko yung gusto kong ibato? Psh.

"Bakit hindi mo sinabi saming nakabuntis ka lolo? Handa naman kaming makinig, hindi mo naman kailangang sarilinin e" Naiiyak na sabi naman ng Lalaking kulot ang buhok, Binatukan lamang siya ni tatang.

"Makinig nga kayo sakin! Hindi ko siya nabuntis okay? Kahit maganda siya hindi ko yan type" Wow huh? Nakakahiya naman sayo tatang, ako pa talaga ang hindi mo type? Wag ka mag-alala hindi rin kita type. Inirapan ko silang maglo-lolo

"Yan ang lolo namin! May dating sa pagpili ng Babae! " Natatawang sabat ng lalaking Kulay berde ang mga mata, Ang sarap nilang paguuntugin.

May naglagay ng inumin sa harapan namin, kinuha ko ito at dali-daling ininom. Ganito ako kapag nai-Stress kailangan ng maraming maiinom.

The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon