Baraha (one-shot)

84 1 0
                                    

Rejoice's POV (girl)

"ateeeee!!!!!!" sigaw ng napakagaling kong kapatid! Kitang natutulog pa yung tao eh, kung makasigaw,wagas!hayy,makapag hilamos na nga lang at bababa na ako baka kasi kung ano nanaman ang isusumbong ng kapatid ko.

Pagkatapos kong maghilamos at mag toothbrush,biglang bumungad sa akin ang isang mukha ng napakagwapong crush ko..

Dinampi ko pa yung sarili ko para malaman kung nanaginip ako,

Aray! Naman oh! Sino bang gumawa nun--ay ako pala napaka malilimutin ko talaga!

Teka,ang sakit nun ah,so it means totoo nga ito!

"goodmorning," pagbasag niya sa katahimikan..

"ahh eh-"

"i,o,u.. Tatanungin ko lang sana kung--"

"oo,oo sinasagot na kita.. I love you!"bigla niyang tinakpan yung bibig ko tapos,

"ano ka ba! Hindi yun ang pinunta ko dito noh! Ang itatanong ko sana, anong gusto mong gift para sa party?" ahh okay,so hindi ko pa pala time to shine,sayang naman oh!

"e ang gusto ko lang naman e ang puso mo," syempre hininaan ko ang boses ko para di niya marinig,baka naman hindi na ako nito bigyan ng gift eh!

"ano yun?"sabi niya..

"ahh wala,sabi ko ang gusto ko anything with a diamond..yun ang sabi ko ! Diba,sis?" sabay kindat ko pa sa kapatid ko.. Haha para akong baliw may kindat pa akong nalalaman e umalis na yung kapatid ko.

"ahh okay,sige mauna na ako,i love you" haha baka naweirdohan yun sa ginawa ko kanina..

Teka,

I love you

I love you

I love you

I love you?

Totoo ba talaga yun? Sinabi niyang i love you saakin? Mahal niya ako? Yippie!!

Sandali lang ah,baka naman imagination ko lang yun,sayang oh! Umaandar nanaman siguro yung pagiging assumera at ambisyosa ko../teka,anong pinagkaiba nun?/

Hahay.. O siya siya makapag breakfast na nga e baka naman ako nalang hinihintay sa baba..

Zonrox's POV (boy)

Umalis na ako sa napakalaking kaharian ng prinsesa ko,/weh,ang korny mo men!/

Haha oo totoo yun na sinabi kong i love you sa kanya,pero mukhang binalewala lang naman niya eh,ouch.. Pero narinig ko naman talaga yung sinabi niya na ang gusto niya yung puso ko.. Alam ko naman na matagal na siyang nagkakacrush sa akin eh hinihintay ko lang yung tamang oras para umamin sa kanya na mahal ko din siya.. Matagal na

Nagtanong na ako sa kanya kung anong gusto niya para makabili na ako ng gift sa kanya,sinwerte nga naman at siya pa ang nabunot ko.bukas makalawa na ang christmas party. At sabi niya,ang gusto niya anything with a diamond.. Ano kaya ibibigay ko sakanya?

**Christmas Party**

Rejoice's POV

"okay,maaari niyo nang ibigay sa mga nabunutan niyo ang gift niyo.."wika ni maam.

Agad naman nagbigayan ng regalo yung class mates ko..

At mayamaya,parang nandidiri pang ibinigay sa akin ni crush ang gift ko.. Ouch naman bakit pa ba kasi nandidiri pa..

"sige,meron na ba ang lahat?"sabi ni maam at um-oo naman ang buong klase.."at the count of three open your gifts,1...2.." hindi pa nagthree eh sabay sabay nang binuksan nag classmates ko pati narin ako ang gifts.. Excited much lang ang peg!

Pagkabukas ko ng gift ko ay..

BARAHA?!?!?

Yun agad ang nakita ko sa loob ng box na binigay sa akin ni crush.. Wawq much naman ako,sabi ko anything with a diamond,at ang inaasahan kong ibigay niya ay accesories..

Eto ako ngayon,pinaglalaruan ang daliri ko habang naglalaway sa nagbobonggahang gift ng classmates ko

"o bakit naka simangot ang magaling kong bestfriend?" sabi ni Palmolive,bestfriend ko.

"e sino bang sisimangot sa gift nato?" bulong ko sa kanya

"what's the problem you two?" sabay turo saamin ni maam..

"ahh wala po mam,naguusap lang po,sorry po maam"wika ni bestfriend.. Galing mo talaga!

"okay..everyone please keep quiet,now we will hear the comments of Ms. Rejoice with her gift,next to Ms. Palmolive and so on and so forth."blah,blah,blah..

Hah? Ako yung una? Seryoso? Ayan na tumalab na ang karma,daldal kasi eh!

"ahhmm sorry po sa nagbigay pero hindi ko nagustuhan yung bigay momg baraha,isa pa di naman ako sugarol kaya paano ko to gagamitin?"sabi ko habang tinuturo yung baraha

"eh diba naman sabi mo anything with a diamond di ba? May diamond naman na nakatatak jan eh"sabi naman ni crush.. Ohh. Puppy eyes.. Cute cute!

"oo alam ko pero" hindi na niya ako pinatapos sa sinabi ko

"e bakit ka pa kasi nanghihingi ng diamond eh nasayo na naman ang puso ko,diba yun ang pinakaprecious na hugis? Rejoice Villanueva, sinasabi ko sayo,mahal kita,at hinihintay na namin lahat ang sagot mo,pareho ba tayo ng nararamdaman?"

Oh my God! Totoo ba talaga ito? O baka bunga nanaman ito ng malikot kong imahinasyon? Nananaginip ba ako?

Nasakin lahat ng atensyon ng mga classmates ko pati narin si maam.. At nakikita ko sa mukha ni Zonrox ang pagiging seryoso niya..

"ahhm hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito pero,mahal din kita Zonrox.."kinakabahan talaga ako

"yes!!"sigaw naman niya

At naghiyawan ng "ayiee" yung buong klase.. May iba nagpalakpakan pa nga.

"So ano,tayo na ba?" sabi ni Zonrox

"oo.. Ano pa bang dahilan para tanggihan kita?"sabi ko naman,hayy ang gaan ng pakiramdam na magkaaminan kayo ng mahal mo

Kiss! Kiss! Kiss! Haha grabe ang excited naman ng classmates ko!

"let's wait for the right time class,sige maupo na kayo at i celebrate nalang natin ang tagumpay ni Mr. Zonrox."

"I Love You.."sabay sabi namin ni Zonrox..

At dyan nagtatapos ang ating istorya. THE END.

Author's Note:

No part of this story will be copied, published or any means of plagiarism without the authority of the writer.. Plagiarism is a Crime.. Okay,so much for that.. Thank you sa pagbabasa,I love you readers! Hit vote and please leave a comment! All rights reserved. 2013

*gellyzine*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Baraha (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon