MAY ARAW na magising ako. Si Kings ay naka-upo na sa labas ng tent at nagsisiga. Ramdam ko yong malamig na hangin na nanggagaling sa karagatang nasa harapan. Medyo mataas ang tubig, high tide ika nga.
"Good morning." ani Kings ng makita ako.
Ngumite lang ako sa kanya.
"Kailan pala tayo uuwi?" tanong ko
"Bukas pagdating ni Manong."
"So, sulitin na natin yong araw natin dito?"
"Yeah, I guess so."
"Pasukin kaya natin yong gubat?"
"Sira, wag na wag mong susubukang pumasok don."
"Bakit? Paano natin malalaman ang sekreto dito kung hindi naman tayo papasok doon?"
"Chen, mas mabuti ng wala tayong mahanap na sagot kesa sa ipahamak natin ang mga sarili natin." anito
Bumuntong hininga na lang ako. Sabagay tama nga naman sya. Mas makakabuti ngang umuwi na lang kami kesa mapahamak pa.
"Oh, kumain na tayo." ini-abot nya sa akin ang pinggan ng may laman ng pagkain.
"Nagluto ka? "
"Yeah, tikman mo na."
"Marunong ka na palang magluto." sabay tawa kong sabi.
"Pinag-aralan ko." aniya lang na hindi pinansin ang pag-tawa ko.
"Siguro pinaghahandaan mo yong girlfriend mo." panunukso ko.
"Nope. Wala namang akong girlfriend no."
"Weeh?"
"Yeah."
"Ok." hindi na rin ako nangulit kasi naman, parang wala naman sya sa mood para makipagkulitan.
Kumakain na kami ng may maaninag kaming bangka na papalapit sa may pangpang at tila naka-full speed ito kasi ang bilis ng takbo nito na tila ba wala ito sa tubig.
Napatayo kaming dalawa ng mapagtantong papalapit iyon sa kinaroroonan namin. Bahagya kaming lumayo sa pangpang ng tila wala ng kontrol ang may-ari bangka.
"Chen, sa likod ko." sigaw ni Kings na tila isang kilometro ang layo naming dalawa sa isa't-isa.
Agad naman akong sumunod at nagtago sa likod ni Kings. Pero yong bangka ay wala namang sakay. Walang sakay na tao??
"AHHHHHHHHHHHHHHH"
Naalarma kami dahil don dahilan para hilahin ako ni Kings palayo dahil tila kami talaga ang puntarya ng bangka. Tumakbo kami palayo pero parang hindi naman kami umuusad. Nasa parehong lugar lang kami kahit pakiramdam namin ay malayo na ang tinakbo naming dalawa at humihingal na.
"Kiiiiiiiiiiiiiiings,"
Lumingon lang si Kings sa akin na para namang wala sya talagang narinig. Tiningnan lang nya ako na parang wala namang nangyari. Tumigil ako sa pagtakbo pero patuloy parin si Kings sa pagtakbo pero hindi parin umuusad.
At------
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong may sumaksak kay Kings sa likuran, dugo, maraming dugo ang dumaloy mula sa dulo ng kung ano man yong ginamit na pansaksak.Hindi na makakilos si Kings, may dugo narin sa kanyang bibig. Tapos natumba sya sa harapan ko. I was shock and trembled. Nanginig ang buo kong katawan sa takot.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!"
Sumigaw ko saka muling tumakbo palayo sa lugar na yon habang umiiyak dahil sa patay na ang bestfriend ko. Patay na sya, kitang-kita ng dalawa kong mata. He's dead.
Nagpunta ako sa laot sa pag-asang makakita ng bangkang magagamit para maka-alis na sa lugar na iyon. Ayaw ko pang mamatay, marami pa akong pangarap sa buhay.
But, suddenly bumigat ang pakiramdam ko na parang may kung anong nakapatong sa akin na mabigat at saka nawalan ako ng lakas at unti-unting nagdilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay.
DAHAN-DAHAN kong ibinuka ang mga mata ko, parang sa pilikula na kapag nawalan ng malay ang pasyente tapos bumalik na ang ulirat ay may makikitang blurred sa simula tapos pipiliting maaninag ang mga nakikita. Huminga ako ng normal para pawiin ang takot na naramdaman ko kanina.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?"
May kumausap sa akin pero hindi ko kilala ang boses. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko na tila tinalian ako ng mahigpit, intensyong wag akong makagalaw.
"Hindi mo ba ako naririnig?" ulit nito, ngayon ay mas malapit sa tenga ko.
"Magsalita ka." may isang boses ulit na nagsalita, hindi ko sila kilala.
Naiiyak na ako, ano ang nangyayari? Sino ang mga ito? Nasaan si Kings? Nasaan na ang hinayupak na yon? Nasaan sya at bakit nya ako iniwan dito? Saka ko naalalang, patay na nga pala sya. Si Kings, ang bestfriend ko, patay na sya.
Napahagolgul ako sa isisping iyon. Iyak na nagluluksa sa pagkawala ng taong mahalaga sa akin. Hindi ko man lang nasabi sa kanya ang lahat ng mga gusto kong sabihin, katulad ng gusto ko na rin sya, at sa palagay ko nga mahal ko na sya noon pa kaya naman sobrang nasaktan ako nung mawala sya.
"Kiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiings!!" sa kabila ng pag-iyak ay sigaw ko.Yong kalabog ng dibdib ko ay ang tanging naririnig ko at ang marahan kong pag-iyak.
"Chen!!!"
Biglang tumigil ang pag-ikot ang buong mundo. Nawala yata sa balanse at nahulog ako mula sa kung saan ako nakapatong kani-kanina lang.
"Kings," patuloy lang ako sa pag-iyak.
"Chen!!"
Nagising ako ng maramdaman kong may dumapo sa akin. Sampal? Sinampal ako? Lumingon ako, nakita ko si Kings kaya agad akong napa-upo at niyakap sya ng mahigpit.
"Ayos ka na ba?" may pag-aalala sa boses nya.
Ayos na ba ako? Anong tinatanong ni Kings? Bakit parang wala syang alam? Tiningnan ko sya ng maigi. Si Kings talaga ang nakikita ko, walang duda. Pero bakit ganoon sya magsalita? Bakit parang may iba? Bakit parang wala akong naiintindihan sa mga nangyayari. Buhay si Kings? Bakit buhay sya? Nasa langit na ba kami pareho?
"Chen, magsalita ka naman oh."
"O-ok na ako." sabi ko.
"Thanks God." saka muli nya akong niyakap.
What the hell is going on? Ano to? Can someone explain it to me?
"Nasa langit na ba tayo?" tanong ko.
"Hindi ka pwede sa langit uy, kaya ka ihinulog ulit." ani Kings"
"Eh bakit buhay ka?" naiiyak nanaman ako.
"Buhay naman talaga ako eh. Ano ka ba? Ano ba kasi nangyayari sayo?" inabot nya sa akin ang sang basong tubig. "Inum ka muna ng mahimasmasan ka."
Ininum ko ang tubig na ibinigay ni Kings sa akin. Bottoms up!
"May nangyari kanina." hindi parin ako maka-recover.
"I know." aniya lang
"Alam mo? Eh bakit wala kang sinasabi?" naiinis na ako sa kanya.
"Ssshhh."
Anong--? Bakit? Ano nanaman ba ito? Ano nanaman ba ang mangyayari? God! Hindi ko na talaga to kakayanin pa.
Diyos ko.
BINABASA MO ANG
My Unforgetabble Summer
ParanormalI am given 4 days to enjoy summer with my bestfriend and I supposed to enjoy it but one thing happened that makes my summer unforgetabble. Ano yon? Find out. Highest ranks : #152 in Adventure #85 in Paranormal Starts: September 15, 2016 End: October...