Huling Kabanata

6.4K 139 23
                                    

Thank for being here with me 'til the end. Natulungan niyo akong palawakin pa ang imahinasyon ko sa mga komento at reaksiyon niyo sa bawat kabanata.  Maraming salamat.


....

Pumagaspas ang malakas na hangin. Malakas ang bagyo na nagawang tangayin ang ibang mga yero maging ang bahay ng gawa lamang sa kahoy.

Hawak ko ngayon ang agimat.

Sa harapan ng malawak na parang, natanawan ko ang isang anino na papalapit sa pinakagitna ng lugar na iyon.

Inalis ang damit. Sinuot sa scarecrow. Halos mangunot ang noo ko sa sobrang pagtataka. Ano bang kalokohan ang pinaggawa niya? Mas binibihisan pa nito ang kahoy na ginawang tayo kaysa sa kanya.

Nanatili naman akong natanaw.

Sinusubukan kong alamin kung sino ang naroon. Kung sino ang may lakas na loob na sumuong sa bagyo. Tila nahihibang pang itinaas ang dalawang kamay sa ere at nagpa-ikot ikot.

Kumagat na ang dilim kanina pa. Tumapat na rin ang kamay ng orasan sa itaas.

Ibig sabihin, hatinggabi na.

Doon mas tumindi ang lakas ng ulan. Nagsilabasan ang kulog at kidlat. Sinubukan kong magtago ngunit alam kong hindi ako maaapektuhan 'non.

Hindi ako tinatablan ng ulan.

Waterproof ata ang balat ko.

Sa pagliwanag ng langit dahil sa dalawng pinagsabay na kidlat, namataan ko na ng tuluyan ang lalaking naroon.

"P-Papa?" gulat kong sambit.

Hindi ko magawang makakilos sa gulat. Sinundan na lamang ng aking mata ang pagsulpot ng mga itim na ispiritu na sumugod sa kanya.

Likas ng malakas ang aking papa. Batid kong bata palang ay sinasana na siya ng lolo ko sa pakikipaglaban. Humarap siya doon at kumilos ng malinis at patas.

Humigpit ang pagkakahawak ko anting anting. Napuno ng pag-aalala ang aking dibdib. Nasaksihan ko kung paano siya pinagtulungan ng mga iyon.

Wala akong magawa...

"Itigil mo na iyan, Pa!"

Batid sa kanya na determinado siyang manalo sa mga iyon. Kahit na nahihirapan na siya at wala ng lakas, ginawa niya pa rin. Hindi siya sumuko...

Ipinakita niya sa akin ang bunga ng may malakas ang loob at tiwala sa sarili.

Mas pag-asa pa...

Nakita ko ang pagkinang sa anting anting na aking hawak. Matagumpay ang aking papa laban sa mga espiritu. Nagwagi siya...
Ngumiti ako at ipinikit ang mga mata.

"Jusko po! Oh Diyos! Maraming salamat po!" sa aking pagdilat rinig ko ang boses ng aking mama. Kaagad niya akong dinaluhan at hinalikan sa kamay.

Ramdam ko ang sakit sa aking buong katawan maging ang pagkatuyo ng lalamunan ko. Inilibot ko ang buong mata sa paligid, nasa loob ako ng silid.

Natigil ako at napahinto sa gilid ng lamesa. Hindi ko na makita ang litrato ng aking pamilya doon. Nilingon ko ang aking mama.

Namuti ang buhok niya at nawalan ng buhay ang kanyang mata.

"N-Nasaan ang Papa?"

Nag-iwas siya ng tingin. 

Doon palang alam ko na ang sagot. At mas lalo kong napatunayan nang makita kong wala ang singsing niya sa daliri.

"Bakit?"

Ikinuyom ko ang aking kamao. Pansin ko na may laman iyon. Itinaas ko ang aking kamay at nakita ko ang agimat doon, at isang puting papel.

Agad kong binitiwan ang kamay ni mama at binuklat. Sabik na akong mabasa ang nilalaman nito. Sabik na may halong takot.

Takot na hindi ko maipaliwanag...

Mahal ko ang pamilya ko.

Ikaw, ako, si Rod at ang mama mo. Mahal na mahal ko kayong lahat. Hindi matumbasan ng salita ang aking pagmamahal sa inyo, kaya ito ako ngayon at pinatunayan ko ang lahat...

Pinanagutan ko ang kasalanan ko. Wala ka sa posisyon na iyan dahil sa akin. Patawad anak ko... Sana patawarin din ako ng mama mo sa aking ginawa. Hindi ko gusto ang nangyari. Tanggap ko ang hinampo niya sa akin, kaya sana matanggap mo rin ang lahat paggising mo.

Maging masaya sana kayo.

Ipinagkaloob ko na sa'yo ang aking agimat. Pag-aari mo na siya, sana pangalagaan mo at gamitin mo sa mabuting paraan.

Leandro, tularan mo ako.

Mahalin mo ng buong puso ang magiging pamilya mo...

Paalam.

Walang kibong iniabot ko iyon sa mama ko na tahimik lang at nakamasid sa akin. Nag-aalangan niyang tinaggap iyon.

"Aaah!"

Galit kong pinagtatanggal ang mga nakaturok sa aking katawan. Dumugo ang kamay ko sa pwersahang pag-alis. Hindi magkamayaw ang mga luha sa pagtulo.

Malakas akong nagmura.

Nasaan na ang pinakita niya sa akin na hindi ako susuko kahit anumang mangyari?

Bakit... Bakit siya sumuko?

Bakit?

"Leandro! Wala na ang papa mo! Kasalanan ko ang lahat! K-Kung hindi ko sana isinisi sa kanya ang kalagayan mo,  hindi mangyayari ito," pumalahaw siya ng iyak.

Dahan dahan ay kumalma rin ako.

Tahimik na hinapit ko siya palapit upang yakapin. Punaloob siya sa aking bisig. Doon siya umiyak. Doon siya nagluksa na parang bata.

Doon rin ako tuluyang bumigay...

Hindi ko ang lahat ng nangyari lalo na't wala akong alam. Ang huli ko lang natandaan ay ang pagkakagulo ng lahat sa laban. Sinasagip ko ang buhay ng mga mamamayan na nadamay doon.

Mga inosente ang nabiktima, mga walang alam sa nagaganap na karahasan.

"Ilang taon akong ganito?"

"Lima't kalahating taon..."

Suminghap ako at kaagad na pumasok sa aking isipan si Isabella.

"N-Nasaan si-" natigil ako sa pagsasalita nang tumunghay ang mama ko at tarantang hinanap ang telepono,  "Sandali lang, tatawagan mo muna ang doktor natin."

Hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na magsalita. Lumisan na siya sa loob ng aking silid. Naiwan naman akong lulugo lugo at hati ang atensiyon sa nawala kong papa... at sa minamahal kong si Isabella.

Hindi ko na hinintay pa na makabalik ang mama ko. Ipinikit ko ang aking mata at taimtim na hinawakan ang agimat na ipinagkaloob sa akin ni papa.

"Isabella..."

Kahit na wala akong lakas upang kumilos pa, nagtungo ako kung nasaan siya.

Sumandal ako sa puno at pinagmasdan si Isabella na nasa batis. Kung dati lang ay nakikita ko siyang mag-isa na nagtatampisaw roon, para dati lang... kaming dalawa ang naroon.

Ngayon, iba na.

Kinagat ko ng mariin ang aking labi.

Ano nga namang aasahan ko sa halos siyam na taon kong pagkakawala?

Ang tagal na...

Lumipad ang tingin ko sa aking pulso at umiling. Kung may iba na siya, bakit hindi bumabaon ang tinik sa akin?

Sa pagtunghay ko, nagtama ang aming paningin na muling ikinahuramentado ng aking dibdib.

Hindi ako susuko, Papa.

Batid kong may pag-asa pa...

This is my karma.

A good and bad karma, which leads me beyond to love and to cherish my Isabella...

...
VIOLENT REACTIONS? HUHUBELLS. MATATAPOS NA WALA PA RIN KAYONG IMIK? BABAY ISAY AT LEANDRO NA! VOTE AMD COMMENT MWAH.

fb group: Layerdine's

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon