FIRST HEARTBREAK

413 10 12
                                    

"What?!" sigaw sa akin ni Seth. 

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan." paalis na sana ako kaso biglang hinila ni seth yung kamay ko.

"Ano ba seth, nasasaktan ako!" sigaw ko sakanya kasabay ng paghila ko ng braso ko. 

"Ganun nalang ba kadali yun para sayo?" inis na tanong niya sa akin.

"Oo seth, ganun kadali yun para sa akin." sabi ko sakanya, tapos naglakad na ako palayo. Pero sa huling sinabi sa akin ni seth, napatigil ako.

"Tama sila, tama nga sila. Na ang isang Hannah Dela Pena, ay isang heartbreaker." tapos nauna na siyang lumabas sa akin dito sa isang restaurant. 

Oo, ako si Hannah Dela Pena. Isang simpleng babae, na walang ginawa kundi manakit ng puso ng mga lalaki. Hindi ako masama, pero pagdating sa mga lalaki? OO. 

--

"Tss. Nakapanakit nanaman siya ng lalaki. At take note, si Seth pa!" -Girl1.

"Bakit kasi hindi nakinig sa atin si seth dati e? Psh." -Girl2.

"Maganda nga, slut naman. Wala rin!" -Girl3.

Yan nanaman sila, nagchichismisan nanaman about sa akin. About sa amin ni Seth. Si seth? Isa sa mga sikat dito sa school dahil sa angkin niyang kagwapuhan. Oo gwapo siya, at sikat siya.. kaya nung niligawan niya ako? sobrang saya ko.. hindi dahil sa gusto ko siya. kundi dahil, may isang sikat  na lalaki nanaman ako na masasaktan. 

Almost 6months nadin kami, ang tagal no? Pero ni isang araw dyan.. hindi ko naramdamang mahal ko siya.

Dito ako magaling.. magpapaligaw, sasagutin, papaasahin at sa huli? iiwan ko.. pag naramdaman ko nang napamahal na siya sa akin.

"Laman ka nanaman ng chismis, Hannah." sabi sa akin ni chienna, ang bestfriend ko.

"Yep. Job well done? I guess." sagot ko sakanya. 

"Halos hindi ko na mabilang ang mga lalaking nasaktan mo ah? Haha." sabi niya sa akin. Napangiti naman ako dun.

"Alot of boys down, and many more to go." sabi ko sakanya, sinamaan naman niya ako ng tingin. Binigyan ko naman siya ng 'what-now-look'

"Wala ka ba talagang balak tigilan 'tong kahibangan mo na 'to hannah?" inis na tanong niya sa akin. Well? Wala.

"Matagal mo na akong suportado chienna, ngayon ka pa ba mageeksena ulit?" sabi ko sakanya.

"Hangang ngayon parin ba, hindi mo parin napapatawad ang papa mo?" Umupo ako sa isang bench. Nagpanting ang tenga ko nung narinig ko yun.

"Well hindi, at never." sagot ko sakanya.

"Wag mo naman igaya ang lahat ng lalaki sa papa mo hannah, hindi lahat ng lalaki manloloko. Sa totoo lang? Mas nagmumukha ka nang manloloko ngayon at take note babae ka pa. Sa tingin mo, matutuwa ang mama mo sa ginagawa mong yan? Hindi hannah. Hindi." sabi niya tapos umalis na, napangisi nalang ako dun. The hell I care? Ang alam ko lang, lahat ng lalaki manloloko. 

Dahil sa ginawa ng papa ko, yung na ang pananaw ko. Sobrang saya ng pamilya namin nun, pero isang araw niloko ni Papa si Mama hanggang sa nafrustrate si Mama kaya nag suicide siya. Ipinangako ko nun na hindi ako magmamahal ng lalaki, dahil lahat sila mangloloko. 

--

Lumipas ang mga araw natigil na ang mga chismis sa amin ni Seth at about sa ginawa ko. Bigla naman may kumalat na issue na magtratransfer dito si Lester Villatorres. Ang anak ng may ari ng school na 'to. 

FIRST HEARTBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon