The Promise.
Jinx.
"Hi Jinx, anong ginagawa mo dito?"
Hindi ako makapag salita. Kung makapag-usap naman sakin ang babaeng to, akala mo wala kaming pinag daanan!
"Wala, napadaan lang ako" sabi ko saka nilagay ang kamay ko sa bulsa.
"Wow, huminto ka sa harap ng classroom tapos sasabihin mong napadaan?" pigil tawa pang sabi niya. Iniinis niya talaga ako e no?
"Tss..tigilan mo nga ako Ylaisa." Makaalis na nga, baka mabaliw pa ako sa babaeng to e.
Nag lakad ako papalayo sa classroom niya.
"Alam mo,Jinx.." kahit malayo na ako ay dinig na dinig ko pa din ang sinabi niya. "'Pag may gusto kang sabihin, ngayon palang sabihin mo na. Baka magsisi ka pag meron na akong minahal na iba." Natigilan ako sa sinabi ni Ylaisa. So sinasabi niyang may gusto ako sakanya? Pano niya nalaman?
Ano bang pinagsasabi ko? No! I'll never like her. I should not!
!Humarap ako sa kanya, naka ngisi siya sakin na para bang inaasar niya talaga ako, "H-Hindi kita gusto!"
"Weh? Kung hindi mo ako gusto, ako gu-----" hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi. Nag lakad na ako palayo sakanya. Ayoko nang masaktan, ayoko ng umasa.
"Oh? Parang malungkot ka yata. Ano? Binasted ka nanaman ba?" Bungad sakin ni Sid ng makapasok na ako sa cafeteria kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.
Wala akong oras para makipag asaran sakanila ngayon.
Umupo lang ako sa tabi ni Skipper. Kinuha ko ang pizza sa harap ko saka ko kinain yon.
Mahal ko pa nga ba siya?
Ano ba tong iniisip ko? Baka nagugutom lang ako. Oo, gutom lang talaga to.
Kumain lang ako ng kumain. Hindi ko na pinansin ang mga tao sa paligid ko. Kahit sina Boss Seik, Skipper, at Sid.
"Oh. Jinx, dahan-dahan lang baka mabulunan ka! Hahaha!" tumingin ako sa nag salita. Nandito na pala siya? Hindi ko yun namalayan ah?
"Wala kang pake Ezikel"
"Nag susungit ang dalaga natin haha! Meron ka ngayon no?"
"Merong ano Sid?"
"MENSTRATION"
"Amp, hahahaa!"
"Si Jinxer dalaga na!"
"This must a have a big celebration hahaha!"
"Huahaha kelangan mo napkin tol? Haha!"Ano bang pinag sasabi nila!??
"Im just tired! I dont have Menstration!"
Natigilan sila sa sinabi ko. Kahit ako din ay nagulat dahil sa pag taas ng boses ko.
Kasalanan mo to Ylaisa!
Napatingin ako sa mga estudyanteng nasa paligid ko.
Yung iba nag bubulungan, Yung iba tumatawa, at yung iba parang walang narinig.
"Fuck it" nasabi ko nalang saka tumalikod at umalis sa mesang yun.
Hindi naman talaga ako galit sa mga kaibigan ko, ayaw ko lang talaga silang pag buntungan ng galit ko.
Narinig kong tumakbo papalapit sakin ang mga ugok na yun kaya tumakbo na din ako.

YOU ARE READING
THE CASANOVA'S LOVE | SLOW UPDATE | CHRISTARIES
De TodoSiya si Maxwell Seik, ang uniko-hijong anak ng mga Stanford na may ari ng pinaka malaking paaralan sa Luzon, Ang Stanford High. Mayaman at gwapo si Seik kaya habulin sya nang mga babae. Si Seik ang tinaguriang Casanova King sa Stanford High ngunit...