Her Green Note (Oneshot)

631 14 7
                                    

Her Green Note (Oneshot)

© originally wrote by : DropDownByMyGravity

PLAGIARISM is defined in dictionaries as the "wrongful appropriation," "close imitation," or "purloining and publication" of another author's "language, thoughts, ideas, or expressions," and the representation of them as one's own original work. (by WIKI)

---

Eight months na.

Eight months na ang nakalipas simula ng ipakasal ako ng mga magulang ko sa babaeng hindi ko naman mahal at ni lubusang kilala.

Eight months na kong nakikisama sa isang taong kahit kaylan hindi ko nakausap.

Ang alam ko lang sakanya ay ang pangalan nya. Bukod doon ay wala na na kong alam sakanya. Nagpakasal ako sa isang estranghera.

Sabi ng mga magulang ko at ng mga magulang nya hindi naman daw sya pipe o bingi para hindi marinig at hindi ako kausapin. Sabagay paano nga naman nya ko kakausapin kung ako nga hindi sya magawang kausapin pabalik.

Ako nga pala si Ponce, 20 yrs old, namamahala ako ng kompanya ng daddy ko kung saan kasyosyo ang pamilya ni Paula, ang asawa ko. Masyado pa kong bata hindi ba? Pero siguro ganun talaga pag ikaw ang inaasahan ng pamilya para asikasuhin ang business na nasimulan ng mga magulang ng magulang mo.

***

Katulad ng nakagawian, pagkatapos ng mga nakakapagod na trabaho sa opisina umuuwi ako sa bahay na nakahanda na ang dining table, uupo nalang ako at kakain. Katulad rin ng nakagawian may nakikita akong green na sticky note na nakadikit sa baso ko na may nakasulat na.

--

Sana nagustuhan mo ung niluto ko.

Matutulog na ko ahh. Goodnight Ponce.

                                ,Paula =)

--

Kung tutuusin masarap lahat ng niluluto ni Paula, kaya na rin siguro umuuwi ako diretso at hindi nagpupu-punta kung saan saan dahil na rin sa mga hinahanda nya sa akin.

Dalawa lang kami dito ni Paula sa bahay, walang kasambahay na magluluto, maghuhugas at maglilinis. Ayaw kasi nya ng maraming tao, sa akin nga lang ay naiilang na sya paano pa kaya pag may iba pa?

Pero kahit dalawa lang kami ni Paula dito sa bahay hindi ko man lang magawang makausap sya tungkol sa mga bagay bagay, o makipag kwentuhan man lang kung gusto ko ng kausap. Napakamisteryosa talaga nya.

Siguro kakausapin ko sya tungkol sa mga importanteng bagay pero kagaya ng inaasahan kong sagot nya TANGO o ILING lang talaga ang kaya nyang itugon sa mga katanungan ko.. sa loob ng eight months, same routine na lang parati ang ginagawa namin dalawa.

****

Kinabukasan..

Nagising ako ng alas sais ng umaga, pababa na ko ng hagdanan ng paakyat naman sya. She stop then smile, aakyat na sana sya ng hawakan ko ang kamay nya kaya napatigil sya sa paglalakad.

"Join me for breakfast." Sabi ko ng nakangiti.

Nginitian nya lang ako ng tipid sabay iling.

"Please?" Pakiusap ko pa.

Bumuntong hininga lang sya at sumunod sa akin. Sumuko rin sya sa pakiusap ko.

Maganda si Paula mahaba ang buhok, maputi, matangos ang ilong, mapula ang labi, bilugan ang mga mata kahit sinong lalake pipila para pakasalan sya pero kahit na ganun malalaman mo sa itsura nya na malungkot sya.

Her Green Note (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon