Jazrille's POV
After graduation, as usual tambay na naman sa bahay. Kasama ko sila Rae dito. Hahahaha araw araw ata kaming umaalis sa sobrang boring. Araw araw shopping, pumupunta kami ng MOA minsan para makapaglibang sa seaside. Naghahanap sila ng mga boys. Oo sila lang ang naghahanap. Diba nga ayoko pa sa mga lalaki sa ngayon. Ayokong ng maloko ulit. Unti unti naman akong nakakamove on kasi hindi ko na nakita si Calvin mula nung nagbakasyon kami. Mabuti na rin to, makakapag focus ako sa studies ko.
"Rain! Shopping tayo!" Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako sa ayos nila. They are ready to leave, already.
"San kayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Maggagala. Malapit na pasukan oh!" Sabi ni Cha.
"Eh ano ngayon?" Sagot ko naman.
"Ang sungit mo, bibili na tayo ng mga school supplies sa SM." Wala naman akong magagawa kung hindi ang sumama, bakit nga ba tanong pa ako ng tanong.
"Oo na, magbibihis lang ako." Wala naman akong magagawa. Kahit hindi naman ako sumama, kakaladkarin nila ko papuntang mall. Lagi na lang ganto, pipilitin nila kong sumama pero sa huli nageenjoy din ako. Ang arte ko kasi.
"Ano? Tara na." Sumunod naman sila. Sumakay na kami sa car at nagpunta sa SM North Edsa. Maraming tao dito. Sabagay malapit na kasi ang pasukan kaya madaming namimili. Pumunta kami ng National Bookstore. Dun na kami namili ng mga school supplies. Bumuli kami ng:
Filler/Binder
Pencils
Ballpen
Bond papers
Folders
Extra notebook
Yellow paper
Long padMadami din kaming nabili kasi may mga magagandang gamit sa NBS. After ng NBS, kumain kami sa Mcdo. Trip namin dito eh.
"Sinong mag oorder?" Nagtinginan sila. Halatang ayaw nila tumayo at pumila.
"Sige ako na." Sabi ni Sab. Alam naman kasi ni Sab na ayaw nilang bumili kasi pagod daw sila. Napagod, wala namang mga ginawa.
"Samahan na kita Sab." Sinamahan ko si Sab. Medyo madami kasi yun inorder nila. Habang kumakain kami, nagsalita si Rae.
"Excited na kong pumasok! For sure madaming pogi dun!" Yun talaga ang hanap nila. Gwapo.
"Grabe, talagang mga gwapo? Hahaha sabagay makakapag sight seeing tayo dun!" Akala ko naman kokontra tong si Chiny hindi pala. Puro gwapo na naman ang usapan.
"Sus mag aral na lang kayo. Sayang pinapaaral ng nanay niyo. Hahaha!" Sabi ni Sab. Nanlaki ang mga singkit naming mata dahil sa ginawa ni Sabrina.
"Oh, anong meron? Makatingin naman." Balik na naman sya sa dati niyang kasungitan. Pero hindi talaga kami nagkamali ng dinig diba? Bukod sa medyo mahaba ang sinabi niya, tumawa pa sya.
"Ikaw ba talaga yan Sab?" Chiny is still in the state of shock. Nanlalaki parin ang mga mata nya kahit mukhang wala namang pinagbago dahil singkit sya.
"Hindi siya si Sab! Ang tunay na Sab inabduct ng mga aliens!" -Cha
"Umalis ka sa katawan ni Sab!" Sabi ni Rae habang inaalog alog pa si Sab. Si Sab naman parang naiinis na. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito ngayon.
"Ano ba? Tigilan niyo nga ako! Tss!" Sab. Ayan nainis na si Sab.
"Tama na yan, kumain na lang tayo." Sabi ko na lang para makaalis na kami dito kasi nakakahiya talaga. Natapos na kami sa pagkain. Pagkalabas namin bigla nilang kinausap si Sab para humingi ng sorry.
"Sab, sorry na! Nabigla kasi kami eh" Paawa effect na sabi ni Chiny and as usual, dedma lang siya kay Sab.
"Tss." Hahaha bahala kayo jan. Nag ikot-ikot kami sa loob ng mall. Maya maya nag crave ako sa ice cream. Buti na lang medyo malapit ako sa DQ.
BINABASA MO ANG
My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)
Teen FictionIvan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl landed on his way who was trying to forget her past love. Start: Dec. 4, 2013 End: September 6, 2014