Without You (Oneshot)
© DropdownbymygravityPLAGIARISM is defined in dictionaries as the "wrongful appropriation," "close imitation," or "purloining and publication" of another author's "language, thoughts, ideas, or expressions," and the representation of them as one's own original work. (by WIKI)
--
"Tasha i need to go."
Paalam sakin ng Daddy ko. Pumunta kami dito sa Mall dahil birthday nya. Nag usap lang kami at kumain dito sa Greenwich pero dahil busy sya kelangan nya na ulit bumalik sa office.
"bye Dad." then I kiss dad on his cheek. Kababalik ko lang busy na agad sila.
I cheer up myself para maiwasan ang malungkot "Sabay na ko Dad, pupunta akong Quantum."
"Okay basta, yung driver patawag mo kung magpapasundo kana." bilin nya sakin.
Nakaalis na si Daddy at ako kasalukuyang nandito sa Quantum at naglalaro ng tekken.
Nang magsawa ako sa tekken pumunta naman ako dun sa basketball game at naglaro na parang bata, namiss ko to maglaro dahil 3 years din akong nawala sa bansa at ngayon lang nakabalik. Kaso hindi ko maiwasang hindi maalala yung dati, iba na kasi yung ngayon wala ng kami, hindi na kami at ala-ala nalang yung kaya kong balikan.
Natapos kong laruin yung basketball at naglaro pa ko ng ibang laro na nilalaro namin ni Keon noon. Reminiscing our good times is all I can do for now.
Nakakuha ako ng mga tickets mula dun sa mga nilaruan ko, madami na rin to I wonder what prize can I have using this.
Pumunta na ko dun sa Counter para ipapalit ung tickets para sa prizes.
"Five thousand tickets Ma'am." Sabi nun babae pagkatapos bilangin lahat ng tickets na nakuha ko.
"Ayun po ma'am yung mga prizes na equivalent sa tickets nyo ma'am." Dagdag pa nito. Habang turo-turo ang glass window kung saan nakalagay ang mga prizes na pinaglalagyan ng five thousand tickets na pwedeng ipalit.
Iniscan ko muna ang laman ng estante. "Blender, microphone, flat iron."
Siguro kung kasama ko si Keon, he will probably ask me to pick one of those. Practical kasi yun. Naalala ko pa ng binigyan nya ko ng Food, mas better daw yun kaysa sa flowers na hindi naman pwedeng kainin at sa chocolates na nakakabulok lang ng ngipin.
"The blender." I said with a big smile. Di naman ako kumakanta kaya ayoko nung microphone, ayoko rin nung Flat Iron dahil hindi naman ako marunong gumamit non.
Gusto ko rin maisip yung mga memories ko with KeoN way back three years ago. "Here's your Blender ma'am."
And of course I need to be more practical. Lalo na I'm living myself alone. Mula kasi ng bumalik ako dito sa Pilipinas galing States 1 week ago nagdecide na kong mamuhay mag isa.
Maglalakad na sana ko palabas ng Quantum ng biglang may humawak ng braso ko. "Miss teka lang." Sabi nito na pumupungas pungas.
"Bakit po?" tanong ko.
"Wallet mo, napulot ko. Sige miss." sabi nya pag-abot ng wallet sabay takbo palayo.
"Kuya teka lang hindi sakin to!" sinigaw ko pero mabilis nawala yung lalake.
Tinitigan ko yung wallet na inabot sakin ng lalake. How can he tell that it's mine? Nilagay ko sa plastic bag ng blender yung wallet at naglakad na ko papunta ng super market dahil mag-gogrocery pa ko.