BONIFACIO (Musical Play)

1K 10 0
                                    

BONIFACIO

Ni

Rowell Erecido

At

Jasmin Cuaresma

Mga Tauhan

Andres Bonifacio

Emilio Aguinaldo

Gregoria de Jesus

Esperidiona Bonifacio

Procopio Bonifacio

Pio Valenzuela

Daniel Tirona

UNANG TAGPO

Magbubukas ang eksena sa isang bayan. Payapa ang lugar. Papasok ang isang lalaking may tulak tulak na kariton. Unti unting papasok ang taong bayan. Kasabay nito ang pagpasok ni Esperidiona. Si Esperidiona ay nakababatang kapatid ni Andres Bonifacio.

“Bayang Sinilangan, Sinakop ng Dayuhan,

Kailan makakamit ang kalayaan?

Sa sariling bayan natin, Tayo'y naging alipin,

Ano'ng naghihintay na kapalaran?

Sa kamay ng mga Kastilang ganid,

Mga taong sakim at walang malasakit

Di na dapat magwalang imik,

Bunutin natin ang tinik,

Na sa ating dibdib ay pasakit.

Bayang Sinilangan, Sinakop ng Dayuhan,

Kailan makakamit ang kalayaan?

Sa sariling bayan natin, Tayo'y naging alipin,

Anong naghihintay na kapalaran?

Ito na ang panahon para tumindig.

Walang takot na harapin anumang panganib.

Upang ang Bayang Sinilangan,

Mbawi sa dayuhan,

at maging malaya sa sariling Bayan.

Kalayaan

Kalayaan

Kalayaan”

TAO1: Pambihira! Umpisa na naman ng nakakapagod na araw!

TAO2: Tama ka! Araw araw na lamang ay ganito ang ating ginagawa. Kaylan kaya darating ang araw na tayo’y giginhawa at kakain ng masarap?

ESPE: Kayo talaga! Imbes na magreklamo, bakit kaya hindi na lamang tayo magpasalamat sa Diyos at tayo’y buhay pa. Maswerte parin tayo’t hindi tayo pinababayaan ng Maykapal.

TAO3: Sangayon ako! Talaga namang napaka palad natin na hanggang ngayon ay malaya parin tayong nakagagalaw ng maayos saating bayan.

TAO4: Magkano kaya ang kikitain ko sa araw na ito? Sana nama’y huwag akong malasin at maibenta ko ang lahat ng paninda kong Abaca.

TAO3: Sa totoo lamang ay napaka dalang ng mga mamimili ngayon. Kahapon nga’y inabutan na ng pagkalanta ang mga paninda kong gulay. Marami ang mga tao ngayon na pinipili na lamang ang manatili sa kanilang bahay sa takot na mahuli ng mga kastila

ESPE: Balita ko nga’y sa kabilang bayan ay nanggulo na naman ang mga dayuhan. Sana nama’y huwag nating danasin ang dinanas nila. Balita ko rin ay marami ang sinaktan nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BONIFACIO (Musical Play)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon