Mybestfriend

10.7K 72 0
                                    

MIKA's POV

kahit san ako magpunta may lovers. kahit saan ako tumingin may lovers. haayy.. nakaka o.p. nakakainis. bat ba kasi ako biniyayaan ng ganitong buhay? este. bat ba kasi ako biniyayaan ng ganitong bestfriend?

"oh. bat nakabusangot yang mukha mo?" tanong saakin ni Jiro nang bigla bigla na lang sumulpot sa harap ko. 

Jiro  Reyes, siya ang dakilang bestfriend ko, paano naging dakila? simple lang, kasi yan ang lagi niyang sinasabi. ("ako si Jiro, ang dakilang bestfriend mo") siya ang humaharang sa mga manliligaw ko, kaya hanggang ngayon wala pa akong boyfriend dahil sa kanya. siya ang nagsisilbing judge sa lahat ng manliligaw saakin, pero ni isa walang pumapasa. Ewan ko, pakiramdam ko may saltik tong bestfriend ko.

pero kahit ganyan si jiro, ok lang, sa lahat naman kasi ng hinihitay kong manligaw saakin si jiro ang hinihiling ko, siya ang gusto ko, siya ang mahal ko. Komportable akong kasama siya, siya lang ok na. pero hanggang dun lang e, hanggang BESTFRIEND lang. kasi kung gusto niya ako, dapat noon pa lang sinabi na niya saakin, pero wala e. second year highschool simula nong naging bestfriend ko siya, tapos ngayon third year college na kami, limang taon nang natigil ang pagiging malandi ko sa ibang lalaki dahil sa kanya. samantalang siya, naka tatlo na ata, tapos ako? pinipigilan niya. haaaayyy.. nakakainis tong mokong na to, balak pa atang tumanda akong dalaga.

"ha?" bigla akong natauhan nang makita ko siya. "wala, may iniisip lang ako" sabay kamot sa batok ko. andito kami ngayon sa Brickyard ng campus

"ano?" tanong niya.

"wala, assignment?" pagpapalusot ko.

"ok.""may binili nga pala ako sa cafeteria" tapos binuksan niya yung bag niya at may nilabas na plastic na may laman. bigla naman akong natuwa, shempre pagkain e, diya ata ako magaling.

" *o* talaga? patingin dali dali dali" excited e.

"excited? hulaan mo muna" 

"hay, anu ba, hulaan nanaman? ayokong manghula" ano ba to, gutom na ako magpapahula pa.

"oh edi di ko ibibigay sayo, ako na lang kakain nito"  

"kfine" sagot ko

isip

isip

isip

"paborito ko?" 

"tumpak!" haay walang kwenta magpahula. pagkatapos non ay bigla kong hinablot ang hawak niya. jusko, alam ko na sagot.

"amin na nga, wala kang kwenta. burger sagot e, andami pang proceso bago ibigay?" 

"ang talino mo bespren" sabay hablot niya sa hawak ko. naknang! ambilis talaga ng kamay nito. "kiss muna" at bigla niyang hinarap saakin ang cheek niya.

"jusko! nahulaan ko na, kailangan pa ng kiss? bahala ka diyan, sayo na yan lamunin mo!" tatayo na sana ako ng bigla niya akong hinila, dahilan para mapaupo ulit ako.

" eto naman di mabiro. ang init ata ng ulo mo ngayon, may problema ba?" at binigay rin niya sa wakas ang burger ko.

"wala. thankyou ah"

"ok lang yun, may bayad yan"

muntik ko nang maibuga tong kinakain ko. 

"hehe. joke lang eto naman"

andito pa rin kami sa brickyard, nagbabasa ako ng libro habang siya nagmumuni muni. 

bigla niya akong siniko kaya napatingin agad ako sakanya.

"hm?"- ako

"tignan mo" sabay turo niya sa kabilang table. 

"oh? tapos?" -ako (-____-)

"hay ano ba, yang naka green ang tignan mo, si Reina yan. at yan naman yung mga kaibigan niya, Accountancy sila"

"so? -__-"

"alam mo bang type ko si Reina, gusto ko siya" 

nagulat ako sa sinabi niya, ngayon na lang ulit siya magkakagusto sa babae, at parang iba yung aura ng mukha ni jiro. totoo kaya? gusto niya si reina?

"ha? tss. tumigil ka nga, di ka niya gusto"

"at sino ang nagsabi?" paghahamon siya saakin

"ako, bakit?"

sa totoo lang, ayokong magkagusto siya sa reina na yan, kilala ko si reina, Ms. CBA sa school. maganda siya, at di malayong magkagusto siya kay Jiro, napakagwapo ni jiro, kahit sino hihilingin na maging boyfriend siya, swerte na lang ako dahil kaclose ko siya, bestfriend, pero malas ko dahil di ako yung gusto niya.

"tss.. papatunayan ko sayo na magugustuhan niya din ako"

bigla akong naalarma sa sinabi niya. 

"no way!"

"yes way my dear bestfriend. liligawan ko siya, at papatunayan ko sayo na magugustuhan niya ako. ano? dadamayan mo ba ako bespren?"

pakiramdam ko tinusok ng isangdaang karayom yung puso ko, "bespren" oo, bestfriend lang pala ako, so why assume diba? 

tumango na lang ako sa pagsang ayon ko.

"ah,, sige, alis na ako, makikipagkita pa kasi ako kila Deza. gagawa ng project"

"ok, ah, hintayin na lang kita ha. sabay..."

"hindi, wag na, mauna ka na, baka kasi gabihin pa kami" pagkatapos nun, umalis na ako, di ko na kaya. naghanap ako ng bakanteng classroom, hapon na rin kaya marami nang bakanteng classroom. 

naupo na lang ako sa sulok. maya maya, naiyak na lang ako.

"pagod na ako. masakit, ang hirap. limang taon. limang taon akong naghihintay. haaaayyy.. ayoko na! nakakasawa na! sana hindi na lang ako naging bestfriend ni Jiro, sana hindi ko na lang siya nakilala, sana hindi ko na lang siya minahal, sana noon pa lang sinabi ko na sakanya na gusto ko siya, gustong gusto."  "ngayon pa na may gusto na siya, di hamak naman na mas maganda yung Reina na yun kesa saakin. ...." 

"oh. iyakin ka rin pala"

napataas ang ulo ko nang may nagsalita, nakita ko yung panyo sa harap ko na inaabot niya saakin.

"ethan?"

"a-ah, nakita kita umiiyak, kaya nilapitan kita. oh," sabay abot ng panyo. "malinis yan, punasan mo yang luha mo, para kang bata" kinuha ko naman yon.

"salamat"

"nag away ba kayo ng boyfriend mo?"

"ha? hindi, wala, wala akong boyfriend, wala to, may konting problema lang sa bahay, s-sige mauna na ako, salamat sa panyo, hayaan mo ibabalik ko sayo to bukas." sabay non ay tumayo ako at dumiretso na ng pintuan para lumabas, palabas na sana ako nang marinig ko siyang nagsalita.

"Mika. kung may problema ka, andito lang ako, wag kang matakot magsabi ng problema mo. at isa pa, ngiti ka lang lagi, mas maganda ka kasi pag nakangiti ka" at nakita ko siyang ngumiti, ngumiti rin ako bilang pagsagot, at dirediretso na akong umalis ng school.

https://twitter.com/iiamsolucky

My Bestfriend is in my bedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon