[6] Arcadia University

5.4K 109 1
                                    

Jazrille's POV

Pasukan na. Naghahanda ako ngayon sa pagpasok dahil 7:30 ng umaga ang klase ko. Inaantok pa ko, pero kailangan dahil first day ko ngayon. Kasabay kong pumasok yung apat. Siyempre hindi naman pwedeng iwanan ko sila no. Edi napagalitan ako nila Mommy pati ng parents ng mga to.

"Tara na! Ang bagal niyo, iiwan ko kayo!" Ang tagal nila pag ako nalate ngayong first day, bahala sila bukas.

"Oo na, eto na!" At sa wakas! After ten years, natapos din sila. Mga nagpaganda pa. Bagay naman pala sa kanila yun uniform namin. Sumakay na kami sa kotse. Nagpahatid kami sa driver hanggang sa school. Hindi ko hahayaang ipark yun kotse ko dito. Baka pagbalik ko wala na yun side mirror kaya magpapasundo na lang ako mamaya. Yung apat magpapasundo na lang din.

Hindi kami pare parehas ng schedule eh. Nakarating na kami sa school 20 minutes before time. Dahil bago pa lang kami dito, hinanap na kaagad namin yun building at yun room.

"Hoy mga babae, mauuna na ako. Hanapin niyo yan mga rooms niyo. Text text na lang ha!" Nagmamadaling sabi ni Rae kaya naman nag kanya-kanya na kami ng alis.

"Sige." At ayun nag hiwa-hiwalay na kami. Ang nakalagay sa schedule ko ay Communication Arts 1 — 7:30 to 9:00 NB 504 Hinanap ko yun Nursing building and luckily, nahanap ko naman. Pero ang masakit don, 5th floor pa yun room ko! Mahaba ang pila sa elevator kaya no choice ako. HAGDAN ang gagamitin ko. Malas nga naman. Kaysa magreklamo pa ko, nagsimula na akong umakyat. At pagkadating na pagkadating ko sa 5th floor, all eyes were on me. What the hell is happening here? Nagtuloy tuloy na lang ako sa paglalakad. Ang haggard ko badtrip!

Pagkapasok ko sa room, naupo agad ako. Wala pa naman prof. Haay buti medyo malamig dito. Ilang minutes dumating na yun prof namin. Babae siya at mukhang mataray pero okay naman siya.

"Okay. Since lahat kayo hindi magkakakilala, magpapakilala kayo isa isa dito sa unahan." As always. Lagi namang ganito. Ano pa nga ba ang aasahan ko?

"Start at the back." Buti pala sa unahan ako umupo hahaha huli pa kong matatawag. Nangangalahati na yun nagpapakilala. Pero isa lang yun pinaka napansin ko and worst lalaki pa sya. Ang yabang niya! Pero tinitilian sya ng mga babae dito. May pagka masungit din siya. Basta ang narinig kong pangalan niya ay Ivan Gabriel Ramirez. Nothing is really special about him. Gwapo nga siya pati yun pangalan niya pero ang yabang naman. Natapos na yung turn nung katabi ko so turn ko na.

"Hi. I am Jazrille Rain Ramos. Graduated from Enchantress University and I am taking this course because we have an airline so may instant work na ko in the near future." Uupo na sana ko nang magtanong yun prof ko.

"Excuse me, Miss Ramos. Correct me if I am wrong but are you the daughter of Joshua and Azray Ramos?"

"Uhm.. Yes Ma'am. Why?" I don't really like talking about my parents when I am in school. Baka kung ano pa ang masabi ng mga classmates ko sa akin. Ayoko ng gulo.

"Nothing. So you're the daughter! Your parents are famous here in the Philippines and in some part of the world because of the clothing line and the airlines." Manghang sabi ng professor ko. I don't know what to say anymore. Hindi ako sanay na napupuri ang parents ko kapag kaharap ako.

"I see." Yun nalang yun nasagot ko, wala naman din akong pake dun. Ang mean ko. Hindi naman naglecture ngayong first day. Sa lahat ng subject, puro pakilala lang and kung pano yun grading system buong term. 7:30 to 1:30 lang ang klase ko tuwing Monday, Wednesday, Thursday and Saturday. The rest, wala ng pasok. Sarap ng buhay!

Magisa ako dito sa freedom park. Iniintay ko kasi yung mga pinsan ko. Medyo maluwag pa kasi ang schedule nila so pwede kaming makapag lunch ng sabay. After few minutes, dumating na sila.

My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon