Witch Hunter

33 1 0
                                    

May mag asawang si Freniah at Thomson na nakatira sa kagubatan, may anak silang babae na si Ravannah at may anak din silang lalake na si Hansel. Wala silang masyadong makain sa gubat dahil hindi sila pwedeng makakapasok sa lungsod. May malaking sekretong nakatago sa kanilang pamilya, at ito’y hindi pa alam ng kanyang mga anak. Matagal ng nakalipas na panahon, araw-araw may mga batang nawawala sa kanilang lungsod. Noong una hindi pa nila alam kung sinong gumagawa nito hanggang sapag lipas ng ilang araw may isang batang muntik ng tangayin ng isang matandang babae na nakasakay sa walis, takot na takot ang bata kaya gumawa siya ng paraan upang makatakas, sa kabutihang-palad naka-alis ang bata at naka-uwi ng maayos sa kanilang bahay. Nakita niya ang itsura ng isang matandang babae na nakakatakot ang mukha. At ito pala ay isang buruka(Witch) na talagang makapangyarihan.

Ang mga magulang ni Ravannah at hansel ay nagtatrabaho upang sila ay may makakain, namumutol lang ng kahoy ang kanilang ama at naghahanap ng pagkain ang kanilang ina sa lahat ng dako habang si Ravannah naman ay tumutulong sa kanyang ina at si Hansel naman ay sa kaniyang ama. Isang gabi may mga taong pumunta sa kanilang bahay na nag-garalgal, at nagdadaling lumabas si Ravannah at si Hansel kasama ang kanilang ama tumatakbo sila patungong gubat at iniwan ang dalawang magkapatid. Bumalik ang kanilang ama sa kanilang bahay at nakita niyang naka-paon sa krus ang kanyang asawa at sinunog ng mga tao sapagkat ang kanilang ina ay isa rin palang White Witch (may dalawang uri ng buruka ito ay ang mabait na buruka na ang white whitch at ang masamang witch ay ang mangkukulam na puro masasama ang ginagawa) dahil dito akala ng mga tao na siya ay masamang buruka kaya’t siya ay binintangan na siya ay masamang mangkukulam na pumapatay ng mga bata tuwing gabi. Galit na galit ang kanilang ama kaya’t sinubukan niyang iniligtas ang kanyang asawa pero sa kasamaang palad ito’y binaril ng isang lalake at siya’y namatay. Si Ravannah at Hansel ay alalang-alala na sa kanilang mga magulang, pagkalipas ng ilang oras si Ravannah at Hansel ay naglalakad sa isang lugar, habang sila’y naglalakad may narinig silang mga nakakatakot na boses hanggang may nakita silang isang bahay na gawa sa kendi lumapit sila at inamoy nila ito pinitas nila ang bahagi ng bahay na nakabalot ng kendi at biglang bumukas ang pintuan. Pag pasok nila may mga kandilang isa-isang lumiwanag hanggang may naka-atang na masamang bukura bigla silang hinawakan at ikinulong, pinapakain sila ng kendi upang sila’y maging mataba at lulutuin sila isa-isa ng bukura. Marahas ang mga galaw ng bukura nakakatakot at siya’y mabaho. Si Ravannah at Hansel ay hindi takot sa mangkukulam sapagkat sila’y sinumpa-an ng kanyang Ina na si Ferniah na walang sino mang bukura ang makakasakit sa kanilang magkapatid bago pumanaw ang kanilang ina. Napatumba at sinunog nila ang mangkukulam sa sarili nilang kapangyarihan at silay nakatakas.

Pagkalipas ng 20 taon sila’y naging sanay sa pakikipag away at naging Witch hunter. Kaya ay sila’y patuloy sa pagpapatay ng mga buruka hanggang silay naging sikat at naging bayani. Isang araw nang may nagpapatulong sa kanila sa pag hahanap ng nawawalang bata tinulungan nila ito at silay nag hanap sa bata, nang may nakita silang bahay pinasok nila ito at may mangkukulam tumakbo ng mabilis ang mangkukulam at hinabol nila ito kaya ay mabilis din ang kanilang mga kilos hanggang ang buruka ay kanila ng nakuha at ito’y ibinitay at sinunog. Pagkalipas ng ilang araw may mga taong pumunta sa kagubatan at sila’y naghanap sa ibang mga batang nawawala, habang sila’y nagluluto may babaeng naka-itim ang suot at sinabi niyang “Bat kayo nandito? Anong hinahanap niyo dito sa teritoryo ko? Mga bata? Walang mga bata dito!” natatakot ang mga tao sa kanyang mga sinabi.

Nag simulang kumuntra ang mga tao ngunit naunahan sila ng masamang buruka kaya ay isa-isa silang pinatay hanggang isang tao nalang ang natira at siya’y inutusan ng mag bigay ng mensahe sa mga tao, Pinakain ang tao ng mga uod at pumunta sa kanilang lungsod. Pagka lipas ng ilang oras nakarating na siya at sinabi niya sa mga tao “Pinatay niya lahat ang mga tao, makapangyarihan ang mga buruka at ito ang mensahe niya…” (Biglang pumutok ang katawan niya at lumabas ang kanyang mga kinaing uod) at ang Kahulugan ng mensahe ay “The Stronger, the Hunger”. Ang mga buruka ay may bagong na imbento na kung sila ay patuloy ng pagkain ng mga parte ng katawan sa mga bata at pag inom ng kanilang mga dugo ay makakatulong na mapapalakas ang kanilang mga katawan at hindi sila masusunog, pero bigo naman sila dahil hindi magtatagal ang kanilang kapangyarihan. Dumating na ang araw para ang mga masasamang buruka ay mapapatay ang mga witch hunter, kaya’t si Ravannah at Hansel ay preparado nang makipag away para lang sa mga bata at mga taong kaawa-awa upang mahinto na ang pagkawala ng mga bata at wala ng mamamatay sa iba’t-ibang lungsod. At ito na ang oras na kailangan nilang mapatay ang mga masasamang buruka kaya ay nagsimula na ang kanilang paglalaban at unti-unting nauubos ang mga buruka pero may mga malalakas na withcrafter na hindi madaling mapatumba kaya’t kinakailangan ng mga witch hunter ang tulong ng mga mababait na buruka ang mga white witch, pag dating ng mga white witch tinulungan nilang mga tao at ang witch hunter na mapatay ang mga buruka. Nag tulong-tulongan silang lahat at sa hanggang napatay ni Hansel ang isang buruka na makakapangyarihan at sa tulong ng kanyang kapatid ngunit muntik namang namatay si Hansel sa kabutihang palad mga mabait at matalino ang mga white witch kaya’y si Hansel ay tinulongan at nakapag ayos naman sa kanyang kalagayan. Nagtulong-tulongan parin sila hanggang naubos na ang mga kontra at sila’y magiging masaya na habang buhay at magiging maluwag na sapagkat wala ng masasamang nilalang sa mundo.

 

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Witch HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon