Chain 1: A Bad Dream

16 1 0
                                    

"Ahhh!!! " Sigaw ng mga babae sa baryo namin na siyang gumising sa aking mahimbing na pagtulog. Nang lumabas ako ng bahay, doon ko naisip na ako pa rin yata ay nananaginip.

Nababalot ng apoy at dugo ang baryo namin. Sigawan, karahasan, pagkasira...

Naglakad ako at pumunta sa lalaking nagtatago sa ilalim ng natanggal na bubong ng kubo.
"Ano bang nangyayari? " tanong ko, mukhang wala pa ako sa ulirat.

" Dumating na sila! Ang sinasabing bumili ng isla natin! " sabi ng lalaki pagkahila niya sa akin.
"Ilang taon ka na ba?? " tanong niya sa akin,
"labinglima po" sagot ko.
"Naku, kukunin ka nila! Magmadali ka ang pamilya mo ay nasa panganib! "
Di ko alam pero bigla na lang akong napatakbo papuntang tirahan namin. Doon ko nakita ang mga taong nakatakip ang mukha at kinukuha ang aking nakababatang kapatid na si Arcah.

Tinulak ko sila at kinarga ang umiiyak kong kapatid. Nabigla sila ngunit nang makita nila ako ay agad nilang kinuha ang malaking asul na sako at ibinalot sa akin. Sinubukan kong kumawala ngunit bigla nilang hinila ang buhok at ipinakita sa akin ang harapang pagpatay nila sa aking ina, na siyang nakapanglumo sa akin. Ako'y nanghina nang makita ko ang pagdanak ng dugo ng aking ina, siya ay sinaksak ng ilang beses at pinugutan ng ulo, ipinasok siya sa aming bahay na kanilang sinunog.
Napakabilis ng mga pangyayari, nakatulog ako sa sobrang pagluha at patuloy na pagsigaw ng pangalan ng aking kapatid. Sa aking paggising, ang aking mga kamay ay nakagapos na at ako'y nasa isang kuwarto na gawa sa metal ang lahat.

"Totoo, ba to?!" tanong ko sa aking sarili habang nagmamasid sa aking paligid.

"Gumising ka na! Isa lamang itong bangungot," nalilito kong sinabi sa aking sarili, dahil parang totoo ang mga sugat at pasa sa aking katawan.

"Tama! Panaginip lang to! Gigising na ako ilang sandali lang," pangungumbinsi ko sa aking sarili habang madiin kong pinapikit-pikit ang mga mata ko. Ngunit---

Sa lahat ng mga tanong na nabuo sa aking pagmulat ng aking mata ay siya ring sinagot nito sa pamamagitan ng mga LUHA.

"Hi--hinde, imposible, pero bakit? " lumuluha kong sinabi.

Nang bigla may narinig akong mga yapak. Sa pagbukas ng pintuan, nakakapanindig balahibo ang aking naramdaman. Isang matabang scientist?
Lumakad siya papunta sa akin ng dahan-dahan, nung nasa harapan ko na siya ay binuklat niya ang kanyang lab coat, kung saan may mga likidong may iba't ibang kulay. Maya-maya ay ngumiti siya at inilabas ang injection sa kanyang bulsa sa pantalon. Tila nangintab ang patusok nito na siyang aking kinatakutan.

Sa kanyang paglagay ng isang pulang likido sa injection, laking gulat ko nang kanyang ilapit ito sa akin kaya ako'y napalayo ng tingin. Ngunit siya ay napakunot ng noo at hinila ang buhok ko para makita ang mukha ko, nang makita niya ang nagmamakaawa kong mukha ay siya'y napangiti at dali-dali niyang itinusok ang injection sa akin.

Nakakatakot...
Nakapangingilabot...

Nakapanghihina

Ang aking naramdaman sa pag pasok ng pulang likido sa aking katawan.

Nakatulog ako kaagad dahil sa likidong iyon.
Pagkagising ko---

Parang ako'y nahihilo. Ramdam na ramdam ko ang bawat pagtibok ng puso ko. Bawat tibok ay nag-iiba ng kulay ang aking paligid, mula sa pula ay naging asul, sabay naging dilaw tas' naging berde.

Hilong-hilo ako, ngunit ng marinig kong muli ang mga yapak sa likod ng pintuang nasa harapan ko ay bigla akong nagising.

Nakatitig sa pintuang nasa harapan ngunit di ko maabot sa layo. Maya-maya ay may lumabas na malaking screen na hologram sa harapan ko. Nagulat ako nang lumabas iyon lalo na't nakita ko doon ang mga tao sa likod ng pinto.

"Pa--pakawalan niyo ako!" pagpupumiglas ko sa aking kinauupuan.

Ngumiti sa akin ang mga taong naka- black suit,
"Start," sabi ng katabi ng lalaki na nakalab coat.

The man in the lab coat fixed his eyeglasses and then pulled a lever down beside him. Kaso hindi ko makita sa screen. Pagka-pull niya ng lever na yun---

Biglang lumamig ng paunti-unti ang paligid ko. Ewan ko pero napaparanoid ako, maya-maya ay bigla akong nakaramdam ng init.

"AAAHHH!!!"sigaw ko ng makaramdam ako ng matinding init sa aking katawan. Sobrang init kahit na alam kong malamig ang paligid ko.

"AAAHHH!!!"

"How's her tolerance?" The man in the black suit asked as I scream in pain.

"uhmm... I guess she's strong enough to exceed his record," the man in the lab coat answered as he pull the lever lower than before.

"It's getting colder!" my mind said and the temperature inside me gets hotter, so I scream more and more in pain.

"okay! She already passed his record sir," sabi ng nakalab coat sa mga naka black suit.

"Good let her rest for a while. Tomorrow, I will tell you what to inject next,"

Pagkasabi niya nun, naramdaman kong unti-unting bumabalik sa dati ang temperature ng katawan ko at ng kwarto ko.

Kinabukasan nagulat ako dahil nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa harapan ko na ang isang lalaking naka-lab coat. Maya-maya ay bigla na lng lumuha ang kanang mata ko, pagtingin ko sa braso ko ay nakita ko ng may nakaturok na injection.

Asul.

Yan ang kulay ng itinurok sa akin. Pagkalabas niya ay may lumabas nanaman na screen sa harapan ko.

At iba't ibang klase ng saki ang naramdaman ko..
Bawat kulay ay may iba't ibang pakiramdam ng sakit,

Malas...
In english,

Unlucky

Mga katagang pumasok sa isip ko, sa pagalala ng mga nangyari sa akin...

Full of worries and sadness...

And most likely...

PAIN.

I hate it, the whole thing itself. Kung meron lang talaga akong mahihingan ng tulong baka nakaalis na ako dito,eh kaso wala.

Pero kahit gano'n maghihintay pa rin ako sa wala na yan...

Umaasa.

I never thought that someday, someone got curious with my room because of my screams and pain.

I never thought that in times like this I will have a new friend.

Oo, kaibigan. Hahaha! Nakakatawa lang dahil isa siya sa naging dahilan kung bakit ako naging ganito.

Wanna met my new friend in this prison of torture?

She's---

Eve,
Eve Xyndria.

/Author's note/

Hello readers! This is my first ever tagalog or should I say taglish work of mine. Kaso nga lang mas nauna yung isa...Well, that's okay.. KAYO NA ANG HUMUSGA!

I hope you like it!

~ArcanumScriptor

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chains of FateWhere stories live. Discover now