Ordinaryong Lab Story ♥
By: MissPogi
--------------------
"Sir, alis na po ako." Sabi ko sabay kaway sa Manager ng coffee shop na pinapasukan ko.
Kumaway rin naman siya at yun na yung hudyat na umalis na ako sa lugar. Naglakad na ako pauwi ng apartment na tinitirhan ko. Pagdating ko sa kwarto ko, nasurprise ako dahil lagpas 10 na pala. Ba't ang bilis ng oras?
Dahil tapos na rin akong kumain, plinantsa ko nalang yung mga susuotin ko bukas. First day ko bukas as a Senior Highschool student. Syempre, naeexcite ako. Dahil, una, gagraduate na ako at pangalawa, wala lang. Gusto ko lang maglagay ng pangalawang rason. Ok, ako na waley.
Nang matapos kong magplantsa at mag-ayos, dumiretso na ako sa pinakamamahal kong kama. Agad akong napatingin sa orasan at nakita ko na 11:11 na pala.
"OHMAYGOD! 11:11 naaa!" Sigaw ko habang naeexcite.
"11:11, alam mo naman siguro na isang taon na akong loveless. Sana naman, this school year, makakita na ako ng mapapangasawa ko. De joke lang. Sige na. Bigyan mo naman ako ng boypren. Para mapadali ka sa paghahanap, pwede na yung mga members ng One Direction. O kaya, yung mga boybands sa Korea." Pumikit ako at itinatak sa isipan ko ang mga mukha ng One Direction at yung mga gwaping sa Korea.
"Sana, magkatotoo yung wish ko." Bulong ko sa sarili ko habang naglalakbay na ako sa lupain ng mga panaginip.
♪ Shot me out of the sky
You're my kryptonite
You keep making me weak
Yeah, frozen and can't breath ♪
"Uhh. Ang aga pa naman eh." Sabi ko sa cellphone ko habang ino-off yung alarm. Mali pa la ako pagtingin ko ng oras. Malapit nang mag 7:00.
"Naku! Malalate ako!" Dali-dali akong naligo at nagtoothbrush. Di ko na inabala pa na magbreakfast. Tutal, wala rin naman akong gana.
Pagdating ko ng school, hinanap ko agad yung bestfriend ko, si Kate Rodriguez. Bestfriends na kami niyan simula nung bata pa kami. Marami kaming in common. Kaya lang, patay na patay yan kay Ken Narvato.
"Kate? Kate!" Sigaw ko habang kinakaway-kaway ang mga kamay ko.
"Kathryn? Ikaw ba yan?" Sabi niya habang tumatakbo papunta saken. Niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya. Haaay. Namiss ko rin 'tong babaeng 'toh.
"Kailangan mo ba talagang tanungin kung ako 'toh?" Pabiro kong sabi sabay tawa. Tumawa rin siya. "Naniniguro lang. Blooming ka kasi eh."
"Blooming? Nagbibiro ka ba?"
"Hindi ah. Promise. Ang ganda mo ngayon."
"Tumigil ka nga." Sabi ko sabay hampas sa kanya. Nagpaganda talaga ako ngayon. Baka kasi ngayon dumating yung boyfriend na hinihintay ko. :D
"Kate, bakit ang daming tao dun?" Sabi ko sabay turo sa crowd. "Di ko alam. Tara! Punta tayo dun."
"OMG! Dito daw ba sila mag-aaral?"
"Oo raw! Dito na daw sila magtatapos ng highschool."
"Kyaaa~! Anong year sila?"
"4th year na daw. Naku! Ang swerte ng mga seniors."
"Aria, sino ba yang tinutukoy nila? Ba't excited sila masyado?" Tanong ko kay Kate with my confused face. And again sinagot niya ako ng isang 'di-ko-alam.'
BINABASA MO ANG
Ordinaryong Lab Story ♥
Teen FictionNagwish si Katrina na magkaroon ng boyfriend. Pero, paano kung ang ibigay sakanyang lalake ay di niya gusto?