"WALA"
Wala.
Oo, wala.
Doon tayo nagsimula.
Sa wala.
Isinulat ko 'to
Para ibukas ang saloobin ko
Itoy galing sa puso ko
Sa puso kong winasak mo
Winasak mo Gamit ang mga salita
Na sinimulan mo sa
"mahal kita,Iingatan at aalagaan ka"
At tinapos mo sa salitang
"ayoko na."
Mahal bakit kay dali sayo?
Tapusin ang relasyon nating nabuo?
Para ka lamang naglagay ng tuldok sa dulo
Ng isang walang kwentang pangungusap na nabuo mo.
Mahal bakit hindi na lang mga pangungusap?
Ang tinuldukan mo at hindi ang ating mga pangarap?
Sobrang hirap.
Bakit hindi mo pinakinggan ang aking mga pakiusap?
Pakiusap na manatili ka at wag lumisan.
Habang nakaluhod ako't sinasabing
"Wag mokong iwan"
Nasan na ang mga pangakong hindi moko bibitawan?
Bakit mo ako sinanay?
Sinanay na hawak mo lagi ang aking kamay.
Bakit mo ko sinanay?
Na palagi kang nakaalalay
Nakaalalay sa bawat segundo.
Nakagabay sa bawat minuto.
Minuto ng masakit nating kwento.
Kwento. Isa lamang tayong kwento.
Kagaya ng mga nasa libro.
Lahat ng pangyayari ay nakaplano.
Kasi nga isa lamang tong kwento.
Kagaya ng mga nasa libro.May katapusan.
Mayroong hangganan.
Para lamang buhay ng tao.
Kung hindi mo iingatan,Maglalaho at magkakaron ng kamatayan.
Mahal bakit hindi na lang buhay?
Buhay at hindi kwento ang ating binuo.
Para kapag buhay kagaya ng tao,
Baka pahalagahan mo ako.Ingatan at mahalin mo..
Mahal, minahal mo nga ba ako?
Nagkaron din ba ako ng konting puwang sa puso mo?
Sabihin mo namang oo.
Para patunayan sa ibang tao na hindi nasayang ang oras ko.
Para malaman nilang nagmahalan tayo.
Nagmahalan at hindi naglokohan.
Minahal mo din ako hindi lang sinaktan.
Sinaktan. Sobra mokong sinaktan.
Hindi ko matanggap ang katotohanan.
Katotohanang ginawa mo lang akong laruan.
Laruang pinagsawaan.
Kaya tuluyan ng iniwan.Wala.
Dun tayo nagsimula.
At ngayong ika'y nawala,
Nandito na muli ako sa wala.
Walang wala.
Oo, wala.
Sa wala.
~End~
"Minsan Kailangan Mong Balikan Ang Nakaraan Para Malaman Mo Ang Halaga Mg Kasalukuyan"
a/n : Dyaraaannn xD Tapos Na And Back To 0 Na Ulit Siya .
Piece Of Advice : Lahat Ng Andito Sa Mundo Ay Paulit Ulit Lang.
Kaya Di Mo Pedeng Sabihin Na Past Is Past Kase Babalik At Babalik Paden Yan
For Example Nung Baby Ka Inaalagaan Ka Ng Parents Mo Pinapalitan Ng Diaper Ganun Din Mangyayari Sayo Ngayong Matanda O Tatanda Ka And Yun Yung Tinatawag Nilang "Second Childishness'
Kung Saan Aalagaan Ulit Tayo At Gagamit Ng Diaper But Ang PinagKaiba Lang Di Na Parents Natin Ang Gagawa Nun Kundi Yung Magiging Anak Natin.
So That Explain Kung Bakit Wala Kase Nung Meron Siya Ninamnam Niya Na Kaya Ngayong Wala Babalik Nanaman Siya Sa Umpisa.
K. Basta Yun Na Yun
Alabyuu Sa magboVOTE
And COMMENT Tsaka Sa
MAKAKABASA Naden Yun Lang. 😘
-/WalangLablayp/- 💔