Chapter 1 - Phone Call

1.2K 19 3
                                    

Sorry po talaga kung natagalan po bago ko i-update sa inyo. Kakatapos lang po kasi ng camp namin..wala rin pong wi-fi sa school tsaka busy din..sorry po talaga..pero ito na po yung chapter 1..sana po magustuhan nyo. ^__^

----------------------------------------

Saturday, tulog na tulog ako dahil sa sobrang pagod ngunit nagising dahil sa sunod-sunod na tunog ng cellphone ko. "Sino naman kaya itong tumatawag sakin at inisturbo pa ang mahimbing kong tulog?" naisip ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table ko at sinagot ang tumatawag na may halong inis.

"Hello?!Sino to?!" inis na sabi ko.

"Umm..Hello!Ito ba yung number ni Ivan?"

Aba! Napagkamalan pang number ni Kuya ang number ko?! Kainis ha! Aga-aga nang-iisturbo.

"Bakit?!Anong kailangan mo sa kuya ko?!!" this time suplada na talaga ako makipag-usap sa taong ito. Sino ba to?! at hinahanap si kuya?!...hmmm..malamang kapatid ng isa sa mga babaeng pinaiyak niya. Pano ba naman kasi eh..kilalang PLAYBOY sa school! Kainis! Buti na lang iniba ko pangalan ko nang mag-enroll ako sa school.

"May sasabihin kasi ako sa kanya eh Importante lang."

"Magkaiba bahay namin. By the way, hindi niya cellphone to! Kaya pwede wag ka nang tumawag dito. Isturbo ka sa mahimbing kong tulog kaya Goodbye!" ibinaba ko bigla yung phone at ini-end yung call. Babalik na sana ako sa pagtulog ng biglang tumunog ulit yung phone ko. Bwisit! Isturbo talaga! Sinagot ko ulit yung call. Dahil sa inis ko nasigawan ko ang tumawag sakin.

"Ano ba?!Di ka ba nakakaintindi na hindi nga ito number ng kuya ko?!"

Natawa yung tumawag sakin. "Ang aga-aga sumisigaw ka na. Sige ka, magkakawrinkles ka nyan!" at tumawa ulit siya.

Familiar yung voice. Parang nagising ako ng malaman kong si Kuya AJ pala yung kausap ko ngayon sa cellphone. Napadilat ako ng husto. Gulat na gulat ako..hindi kasi si Kuya AJ tumatawag kung umaga usually gabi na siya pagtumawag sakin.

"Kuya?!!!!!"

"Sino pa nga ba?" tumawa siya ng konti.

"Kuya!! Ikaw nga!!! hehe..I miss you Kuya!! Kelan ka uuwi? Miss na miss na kita!! Si mommy kamusta?" masayang-masaya ako dahil si kuya na yung tumawag. Siguro kung ang mokong na naman na yun ang tumawag naku..sorry nalang siya dahil pauulanan ko siya ng mga masasakit na salita..hindi ako good girl at madali akong mainis lalong-lalo na kung iniisturbo yung tulog ko.

"I miss you too Mars! Ok lang si Mommy. Maganda pa rin, hindi yata tumatanda eh. (laughs) Bukas na kami uuwi ni mommy jan. Gusto ko ikaw magsundo samin sa airport ha!"

"Sure! Walang problema! Ano oras bukas? Para magkapag-arrange kami ni Kuya Van ng welcome party!" ang saya ko talaga. Namimiss ko na sila ni Mommy, gustong-gusto ko na silang mayakap. :(

"Mga 1 pm siguro. Sama mo si Ivan pagsinundo mo kami ha!"

"Ba't kasama pa siya?!hmpf.." >.< ayokong kasama si kuya Van. Mayabang yun eh.

"Syempre kapatid natin siya. Kailangan kasama mo siya para naman kahit papano may bodyguard ka. Okay??" tumawa na naman si kuya.

"hmpf..Sige na nga. Titiisin ko nalang yung pagiging mahangin niya." di ko kayang tanggihan si Kuya AJ. Kakampi ko kasi siya pag-inaasar ako ni Kuya Van.

My Life In High School (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon