Waiting Shed - [One-Shot Story]

1.6K 59 12
                                    

Hahaha! Another try na naman. :D Sa mga nakabasa sa previous kong isinulat... Hindi talaga ako marunong magsulat kaya pasensya na. XD

Eto, may cover na din. :D

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sabi ng teacher ko, nakasulat na daw sa libro ni Lord ang lahat ng mangyayari sa buhay natin.

at naniniwala naman ako. Kung bakit?

Ako nga pala si Pauline.

Simple lang ang pangarap ko sa buhay, ang malaman kung sino ang nakatadhana para sa akin.

Kasing simple lang din ng pangarap ko ang buhay ko.

Sa umaga, gigising lang ako at maghahanda para sa school.

At pag-uwian na, agad naman akong uuwi.

Pero may isang bagay na nagpapasaya sa aking simpleng buhay.

Ay hindi pala siya bagay, tao pala.

Sa tuwing uuwi na ako sa bahay galing skwela.

Kasabay ko ang mga estudyante ng aming paaralan.

Mga Teacher na aming kinaiinisan.

Mga tindero't tindera sa palengkeng malapit sa amin na nagsisiuwian.

Mga taga-ibang planeta- ah, este- taga-ibang paaralan.

At syempre, si Villacorta.

Sino siya? 

Siya lang naman ang lalaking matangkad, gwapo, at Marine Engineering student na palaging nakatayo sa dulo ng waiting shed.

Pareho yata ang schedule namin kaya siguro palagi ko siyang nakakasabay sa pag-uwi.

Palagi ko siyang tinitignan at palagi kong hinihintay na makasakay siya ng jeepney bago ako sumakay ng bus papauwi rin.

Kasi nga, crush ko siya. :)

Naging habit ko na yata yan. Hindi ko na mapigilan eh. 

Para bang lalagnatin ako sa tuwing titingin siya sa aking gawi.

Hay...

Malapit nang mag 7:30. Dadating na yung bus. Pero wala pa rin siyang masasakyang jeepney.

Kami na lang dalawa ang nakatayo sa waiting shed.

Friday kasi. Uwian. Punong-puno ang lahat ng mga jeep.

Ayan na ang bus.

Mukhang, hindi ko na magagawa yung bisyo ko.

Hay... Next time nalang ulit.

Tinignan ko na lang siya mula sa kinauupuan ko.

Goodbye, crush ko. Sa susunod nating pagkikita.

Lunes

Ayan na naman siya. Nakatayo sa ilalim ng waiting shed.

As usual, napapatanga na naman ako at hindi ko namamalayang unti-unti na palang nauubos ang mga tao.

Then, it was down to the both of us, again.

Hay...

Andiyan na naman ang bus. Hindi ko na ulit masisigurong makakasakay siya ng maayos.

Sasakay na sana ako nang may marinig ako...

"Miss, ikaw ba si Pauline Estrella?"

Napatigil ako.

First time kong narinig ang boses niya.

I turned around and faced him.

"Oo. Ako nga."

He smiled. Syete, bakit mo pa ako nginitian! Ayan tuloy, nahulog yung puso ko.

"Naiwan mo nga pala to." And he gave me my folder.

"Salamat ha."

Bigla kaming nagkatinginan.

Hindi niya agad binitawan yung folder. Hindi ko rin agad yung binawi.

Hay...

Ganito ba ang pakiramdam pag nasa langit ka? :D

If I had a power to stop the time, I would really stop it for this moment. 

"Walang anuman."

Hay... Ang gwapo talaga niya, pati boses niya, gwapo rin.

Binitawan na niya yung folder at pasakay na ako ulit sa bus.

Ayoko pa sanang sumakay, kaso nakakahiya naman sa ibang pasahero.

"Pauline."

Nagulat ako sa muli niyang pag-tawag.

"Villacorta."

"Paano mo nalaman apelyido ko?"

Tinuro ko ang aking kanang dibdib.

Naintindihan naman niya agad. Hinawakan niya yung nameplate niya.

Napangiti siya ulit. Nagthank you naman ako ulit sabay bye bye.

Papasakay na sana ako ulit ng nagsalita ulit siya.

"Pauline, may kinuha ka yata sa akin."

Napilitan akong bumaba.

"Wala kaya." Binuklat ko ang folder at nagulat ako sa aking nakita.

May heart-shaped na kulay red na papel doon.

"Kinuha mo ang puso ko." :D

Hay...

Naintindihan niyo na? :)

Hindi naman ako maganda, pero ako pa rin ang pinili niya.

Kasi nga kami ang nakatadhana.

 ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Likey likey?

Marami pa po akong stories! :> Just go to my page and I hope na mabasa niyo rin yon.  

Waiting Shed - [One-Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon