The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try your call later.
"Ugh! Bruha ka! Ano na naman bang trip mo ngayon at bakit patay na naman phone mo?! Nako. Konting-konti nalang at ipapaburol ko na yan sa St. Peter!" sigaw ni Axy pagkatapos niyang ibaba ang cellphone.
Kanina pa siya tawag nang tawag sa kaibigan niyang si Vessy sapagkat may usapan silang pumunta sa mall para mag'grocery. Kasalukuyan namang nakapatay ang cellphone nito kaya hindi niya matawagan at gigil na gigil na siyang itapon ang kanyang cellphone sa inis.
'Kung hindi ka lang bagong bili, baka naglips to lips na kayo nitong pader' sa loob-loob ni Axi.
Dahil sa halos tatlong oras niyang paghihintay sa kanyang missing in action bestfriend, napagdesisyonan nalang niyang pumuntang mag-isa sa Mall.
Pagkadating niya doon, agad siyang pumunta sa Supermarket. Kumuha muna siya ng cart sapagkat marami-rami din ang kanyang bibilhin. Halos isang buwan na kasi nang huli siyang mag'grocery kaya naman hindi niya pwedeng ipagpaliban ito ngayon dahil lang sa bruha niyang kaibigan.
Kinukuha niya ang listahan ng mga bibilhin sa dala niyang bag nang bigla siyang mapahinto dahil may nakaharang sa kanyang paanan. Nag-angat siya ng paningin at bahagyang nagulat dahil sa isang madungis na bata ang komportableng nakaupo sa babang estante ng mga chocolate.
Nag-angat din ng paningin ang batang lalaki at agad napangiti nang makita siyang nakatingin dito. Bahagya pa siyang natawa nang makitang punong-puno ng tsokolate ang mga ngipin nito.
"Hello baby. Alam mo ba bawal niyang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
"What? Is it not right to eat? But Lola Mama said that i should keep eating so that I will become healthy." sagot nito sa kanya na nakakunot ang noo.
"No. That's not what i mean. Hmm, binayaran mo na ba yang mga binuksan mong chocolates?" mahinahon kong tanong muli sa kanya sabay turo sa mga nakakalat na mga lalagyan.
Nakakunot noo ako nitong sinagot, "No. Not yet but Lola Ma will buy this. Gusto mo bilhan ka din ni Lola Ma? Ito po, oh" Sabay abot sa mga chocolates sa harap niya.
"Ahh no, no---"
"Excuse me po ma'am pero bawal po munang buksan ang mga ganyan sa loob kapag hindi pa nababayaran." singit ng isang sales lady na lumapit sa amin.
Napalingon ako sa babaeng nagsalita na nakasuot ng dilaw na uniporme. "Uhmm, pasensya na Miss at di na napigilan ng bata. Babayaran ko na po--"
"Baby Blue! Nakong bata ka at kanina pa kita hinahanap. Nandiyan ka lang pala." Naputol ang kung ano mang sasabihin ko nang biglang may sumigaw. Nakita ko ang isang may kaedaran nang ginang na sa tantiya ko'y nasa 50's ang edad ngunit kababakasan pa rin ang kagandahan nito sa kabila ng katandaan. Unti-unti itong lumalapit sa amin at nakatingin lamang sa batang nakaupo sa aming paanan.
" At ano ba yang ginawa mo? Ikaw na bata ka talaga. Nako Miss pasensya na dito sa apo ko at talagang ang kulit-kulit nito." Nag-angat ito nang paningin sa amin at parang biglang tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang masilayan ang mukha niya.
Napakurap'kurap ako at napaawang ang aking bibig nang makita nang lubusan ang ginang na nakangiti sa aking harapan.
'Hindi.. Hindi pwede 'to....' usal ko sa aking isipan.
Ang ginang sa aking harapan ang nagpabalik sa mga alaala na matagal ko nang kinalimutan sa aking isipan. Walang sabi-sabi akong tumalikod at tumakbo papalabas ng Mall. Nang tuluyan akong makalayo sa kanila ay nanghihinang napasandal ako sa pader at mariing napapikit.
'Hindi maari 'to... Hindi. Ayoko nang balikan pa...' anang isip ko. Di ko namalayang unti-unti na palang tumutulo ang mga luhang akala ko'y naubosa ko nang maibuhos isang taon na ang nakalilipas .......
BINABASA MO ANG
Untold Feelings
Художественная проза"All that is done should be written and what is not written has not been done." Ito ang hugot line na madalas kong marinig sa aking tiyahin kapag mayroong mga pangyayaring nagaganap sa aming pamilya. According to her, tanging iyong mga records at do...