"Page 3: Jelous Girl"

7 0 0
                                    

Maaga 'kong pumasok kinabukasan at di gaya dati, walang Mackenzie na sumalubong o sumulpot sa harapan ko. Maghapon ko syang hindi nakita, siguro busy sa practice. Ilang araw ring natahimik ang mundo ko sa school dahil hindi sya nagpapakita. Madalas silang magkasama ni Cindy dahil sa practice at mukhang hindi na lang dahil dun ngayon kasi nagkakamabutihan na yata sila. Nabalitaan ko na lang na may something na sa kanila ngayon, madalas daw silang makitang sweet. Well, hindi na 'ko nagulat pa palalampasin ba naman ng lokong yun ang ubod ng gandang si Cindy?💬

"Demi, dito ka na umupo sa table namin!"😀

Pagtawag saken ng beki kong friend na si Juni habang naghahanap ako ng vacant seat sa canteen. Kasama rin nya sa table ang dalawa ko pang mga kaibigan na sina Kim at Alex. Sila ang magugulo kong mga kaibigan, nababawasan ang pagkaseryoso ko kapag kasama ko sila puro kalokohan ba naman ang alam nila eh.

"Uy, sina Mackenzie at Cindy yun ah? Mukhang totoo nga ang tsismis na nagkakamabutihan na sila. Paano ba yan Demi, pinagpalit ka na ng babes mo?"😁

Tatawa-tawa pa 'tong si Alex habang inaasar ako.💬

"Eh di mabuti parawala nang mangulit saken!"😌



"Ohz! Okay lang talaga sayo, hindi ka makakaramdam ng kahit konting selos?"😊

"Hindi noh! Bakit naman ako magseselos? Kung yung lampas isang dosena ngang naging girlfriend nya hindi ko pinagselosan si Cindy pa kaya? Okay naman si Cindy eh bagay sila!"😃

"Bagay daw...etsoserang frog! Oh, mukhang wala silang maupuan. Papa Kenzie, Cindy...dito!"😇

Tawagin pa talaga nitong si Juni, mukhang balak pa talaga 'kong asarin! Bahala sya dahil wala lang naman talaga sakin 'to!💬

"Pashare ng table ha, wala kasi kaming maupuan eh. Upo ka Cindy..."😇

"Sige lang lafang lang kayo!"😊

Walang tigil ang pagchika nilang tatlo sa dalawa habang ako tahimik lang na kumakain at tinitingnan sila. Mukha ngang sila na dahil kung hindi sila, susubuan ba naman ni Cindy ang lokong 'to? Okay lang naman saken pero...bakit habang tumatagal eh nabubwisit na 'ko sa eksenang nakikita ko? Kailangan ba talagang magsubuan at magpahiran pa sila ng amos sa mukha, OA na sila sa kasweetan ha masyado nang PDA! Ito namang tatlong 'to dumagdag pa sa pagkakilig sa dalawa, pati 'tong fried chicken na ulam ko sumasali pa! Bakit ba ganito kakunat 'to? Pinilit ko itong tinidurin hanggang sa bigla itong tumalsik sa mukha ni Mackenzie. Grabe, nakakahiya 'to hindi ko 'to sinadya ha!"

"Ay, naku sorry! Sorry talaga hindi ko sinasadya ang kunat kasi eh."😨

Pupunasan ko na sana ng tissue ang mukha ni Mackenzie pero nauna na si Cindy. Habang pinupunasan nya ay nakatingin lang ako sa kanila at may kung anong inis akong nararamdaman sa loob ko, hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman. Hindi ba dapat nahihiya 'ko sa nangyari, pero bakit parang natuwa ako at gusto ko pang ulitin sa kanya yun? Habang kulang na lang bumuga 'ko ng usok sa ilong, napansin ko na lang na masama na pala ang pagtitig saken ng tatlo kong kaibigan na biglang bumulong.💬

"Selos much? Ang puso mo ingatan mo baka sumabog yan!"😄

"Ano? Sira!"😣

"Yan, okay na! Grabe, nakakatawa yang nangyari sayo ha! Sa sobrang gwapo mo pati manok gusto kang halikan!"😄


Himalang walang naging violent reaction ang lokong 'to sa nagawa ko sa kanya at nakuha pa nyang tumawa sa sinabing yun ni Cindy. Parang walang nangyari at parang hindi kami nageexist na apat, parang may sarili silang mundo. Total parang wala lang namang nangyari, tinanong ko na lang silang dalawa kung anong balita sa practice nila na naging dahilan para mabasag ang mundong kinalalagyan nila.💬



"Okay na, may tugtog na kami at okay na rin ang steps, medyo nililinis na lang namin ng konte para perfect! Wag kang magalala sinisiguro ko sayo na magiging maganda ang performance namin ni Cindy."😊


Sus, yabang! If I know, hindi na sila makapagpractice ng matino dahil paglalampungan ang inaatupag nilang dalawa. Mabuti na lang may nagtext saken, si Ms Patty, kailangan daw ako sa faculty room dahil sa assignment namin sa paggawa ng mga props na gagamitin sa Prom next week. Sa wakas nakaalis din ako sa lugar na yun kung saan nakakabwisit ang kalandian ni Mackenzie.💬




************************************

"Pwedeng Tayo, Pwedeng Hindi"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon