How to Approach?

29 0 0
                                    


Dumating ang kanilang boss sa opisina upang i-anunsiyo ang gagawin nila ngayon.

"Napansin niyo naman kaunti na lang tayo makatanggap ng manuscripts ngayon, kaya naman napagdesisyunan ko na bumalik sa Children's Kingdom book bale mga pambatang libro ang tatrabahuhin niyo ulit, pasensiya na dahil kaunti lang naii-publish natin at yung ibang writer or author hindi na sila dito nagpapa-publish... so ito na lang muna."

"Boss, paano kaya kung magpa-contest tayo na about sa writing industry."

"Naisip ko na rin iyan, pero kukulangin rin tayo ng budget buti nga pinagtitiyagaan tayo nung pinagpiprint-an natin... bear with me please, hindi ito madali lalo na hindi ito gaanong kalaki na kumpanya."

Halatang dismayado ang lahat dahil sa sinabi ng boss nila pero wala silang magagawa kundi ang kumapit na lang doon.

"Balik ulit doon, edi may pupuntahan tayong children's event haha." komento ni Roger.

"Children's event?" tanong ni Rythe.

"Kapag nagri-release ng libro na galing sa Children's Kingdom nagkakaroon ng event sa kanila, parang book fair for kids ganon, children's booth and story telling." paliwanag ni Silvia.

"Akala ko ba maayos na, bakit dating gawi??" reklamo ni Kyle.

"Baka siguro yung mga writers natin naghanap ng publishing company na mas maganda pa dito, hindi naman ako magtataka kung hindi na dito kasi hindi naman ito sikat eh." sagot ni Roger.

"Pambihira naman oh." pagkainis ni Kyle.

"Bayaan mo na at least may trabaho pa rin tayo, kung ang Children's Kingdom nawala pa sa atin, ewan ko na lang haha." sabi naman ni Sean kay Kyle.

"Teka... Children's Kingdom book eh diba may mga libro na sila? Bakit magpapa-publish pa sa atin?" pagtataka ni Rythe.

"Dahil kahit may mga libro na sa kanila short stories, fairy tale, or filipino children stories... pina-publish pa rin sa amin kumbaga pinapa-revise pa rin lalo na malapit na magkaibigan ang boss natin at owner ng CKB." paliwanag ni Sean sa kanya.

"Hahaha lima lang tayo dito sa department makakaya kaya natin?" tanong ni Silvia.

"Hindi ba pwedeng humingi ng tulong sa magazine department?" tanong naman ni Roger.

"Kaya yan! Nakaya natin noon diba? Ngarag nga lang pero at least natapos natin sa loob ng 2 buwan." positibong pagkasabi ni Kyle.

Napatingin si Rythe at napaisip sa sinabi ni Kyle. Kakayanin ko kaya? Baguhan pa lang ako dito.

Napansin ni Sean na malalim iniisip ni Rythe kaya naman sinabi niya sa kanya na... "Huwag kang mag-alala tutulungan kita dito lalo na hahaha marami-raming trabaho rin ito."

"Ah... sa-salamat po." sabi ni Rythe.

Kung ano ang nagawa nila noon ay ganun pa rin kanya-kanya sila ng tatrabahuhin lalo na't laking tulong na rin nadagdagan sila ng isa pa... si Rythe. 

Si Roger pupunta sa CKB upang kunin ang mga libro at manuscripts,

Si Kyle ang magiging editor pero katulong niya rin dito si Rythe or maari ring si Sean.

Si Silvia, kakausapin ang printing shop para malaman kung hanggang kailan ang deadline para matapos ang print, katulong niya rin dito si Roger.

Si Sean ang magpapabook-bind.

Si Rythe ang maghahatid kapag natapos na nila ang mga iyon sa CKB.

"Sa tingin ko 3-4 months." sabi ni Sean. Siya kasi ang editor-in-chief.

More than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon