The next morning, pagka-check ko ng phone ko ay nakita kong may message pala sakin si Chris kagabi.
*via sms
Chris: Who's that guy? Ginugulo ka ba niya Aj?
Chris: hey Aj?
Chris: just tell me Aj kung ginugulo ka nung lalaking yun.
Ako: good morning Chris! wala lang yun Chris. May inasikaso lang kami sa project namin kaya kami magkasama. Sorry pala late reply. :)
Chris: mabuti naman kung ganun. Eat your breakfast na! Hatid kita mamaya? :)
Bilis magreply ah?
Ako: sure Chris! Kain kana din! See you! :)
Chris: Yes!:) Namiss kita.. See you!
-
Nang makarating ako sa entrance ng school ay hinarap ko ulit si dad para makapag wave ako sa kanya. Nginitian naman niya ako tapos pinanood ko siyang magdrive palabas ng school.
I love you dad! Bulong ko sa sarili ko.
Pagkaharap ko ay nabangga ako sa dibdib ng isang matipunong lalake,
"Good morning!" Masayang bati sakin ni Rick.
"S-sorry hindi ko alam, asa likod pala kita." Sagot ko naman sa kanya.
"Hatid na kita sa room niyo?" Ngiti niya sakin.
"Wag na. K-kaya ko naman mag-isa." Nahihiya kong sagot. Masyado nanaman kasi siyang nagiging malapit sakin, ayokong pag-usapan nanaman kami ng mga tao sa school!
"Mas gusto kong hindi ka nag-iisa Aj.." Sagot naman niya sakin,
Tiningnan ko yung orasan sa waiting area. Malalate ako sa pila kung magtatagal pa ako dito.
Nagfake smile ako.
"Sige na nga." Sabi ko naman sa kanya.
Tapos nun ay sabay na kaming naglakad papunta sa room ko.. Kitang kita ko bawat paglingon samin lalo na ng mga kabatch namin. Nangyayari na yung ayaw kong mangyari.
"Okay lang ba kung ako na yung maghatid sayo after class?" Binasag ni Rick yung katahimikan.
"H-ha? Sorry Rick, yung dad ko kasi sinusundo niya ako after class." Paliwanag ko naman sa kanya.
Agad kong nakita yung kalungkutan sa mukha niya nung sinabi ko yun.
JI'm
"Aj, pwede ba kitang ayain sa labas?" Ngumiti nanaman siya, punong puno ng pag-asa yung mga mata niya."Rick, hindi pwede. Sorry." Ayoko man makasakit ng damdamin lalo na at umaga pa, kailangan ko siyang tanggihan.
Binilisan ko yung lakad ko, hindi ko na siya hinayaan pang makapagsalita. Hindi pa talaga ako ready Rick.. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ganto ako kay Rick ngayon kahit mas lalong dumalas yung pageeffort niya.. Siguro may mga bagay o pangyayari talaga sa buhay natin na magmamarka at magbabago ng lahat..
Nang makapasok ako sa room ay nilapag ko agad yung bag ko sa upuan ko para makapila na ako sa school grounds kaso nung palabas na ako ng pinto ay muntik nako mabangga uli dahil nagkasalubong kami ni mokong.
"Mukang bad mood ka nanaman ngayon baby girl ah?" Nakasmirk niyang bati sakin.
"Oo kaya tumabi ka jan." Sabi ko tapos binangga ko siya habang palabas ako ng pinto.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...