CHAPTER 8
CHASEY
Nagpaalam ako sa professor namin kanina para mag-CR. Naririnig ko ang boses nila Greg at Drey. Pasimpleng sumilip ako at tinignan kung sila nga. Jackpot. Nakikinig ako hanggang sa mga linyang...
"Ahe...kilala ko naman ang gusto mo eh. Ang bestfriend ko. SI ZERKIN. Halata naman eh. At wala rin naman akong gusto sayo. Nakaka-turn off kasi pagiging maingay mo. xD"
" Edi kahit maTurn off ka pa sa akin. Hindi naman kasi ako gumagawa ng ways para maTurn on ka kasi nga di kita gusto. Si Zerkin nga ang gusto ko. Eh ikaw?? Si CHASEY TAN?? Tsk. Kung ako lang si Chasey, gagawin ko rin ang ginawa niya sa iyo noon."
Napaatras ako sa gulat. So, gusto pa rin pala ako ni Greg. Pero gusto ni Drey si Zerkin. Sa totoo lang malakas ang appeal sa akin ni Zerkin ngayong gumagwapo siya. Hindi ako papayag na mapasayo si Zerkin. Gusto ko ang mga Heartbreakers. Akin lang sila.
Dumiretso ako sa CR para magsalamin. Ang raming lower years na girls na pumupuri sa akin habang nasa CR. Pa-humble ako pero deep inside, totoo naman na maganda ako di hamak na mas maganda sa kanila.
"Hehe. Ganyan talaga kapag may boyfriend na katulad ni Zerkin."
ang sabi ko para kumalat sa campus ang tungkol sa amin para masaktan si Drey. Sabagay magiging totoo naman ang pagiging gf ko kay Zerkin eh. Malapit na.
"Wow!! Bagay nga kayo eh!! Sige ichichika namin sa mga may idol kay Zerkin!! Nakakakilig naman kayo!! BAGAY!"
ang sabi ng isa sa mga chismosang mababaho.
"Sige po. Alis na ako. Hinihintay na ako ni Zerkin eh."
ang sabi ko. Sabay alis sa CR dahil mabantot na ang mga chismosang iyon. Choss. Pero kahit papaano eh makakatulong sila sa plano ko. Bumalik na ako ng classroom. After ilang subjects, break time na namin. Papaalis papuntang canteen si Zerkin. Hinabol ko at sumama ako sa kanya. Syempre humawak ako sa arms niya. Sanay naman kasi siya sa akin kapag nanlambing ewan lang kung bilang kaibigan lang tingin niya. After naming bumili sa canteen, niyaya ko siya sa Park ng campus malapit sa Accountancy Bldg. Umupo kami sa wooden bench kung saan napapagitnaan ng maliit na garden pavilion. Ang ganda dito. Kitang kita kami ng mga tao. HAHA. >:)
"Hoy Zerkin. Sino palang gusto mong babae??Bilis, Irereto kita."
pasimple kong sabi para matupad ang plano ko.
"Wala eh. HEHE. Nakakahiya. Torpe kasi ako."
ang sagot niya sa akin. Feeling ko ako tong tinutukoy niya. Ayeeee.
"Sige na. Di ko sasabihin sa iba. Tayong dalawa lang."
ang sabi ko na nagpupumilit sa kanya para umamin.
"May bf na siya kaya walang pag-asa."
ang clue pa niya. At syempre gets ko na.
"Si uhmm... si Drey??"
ang kunwari na hula ko. :P
"Hehe. Tama ka. Si Drey nga."
ang sabi niya habang kumagat siya sa isang pirasong blueberry cheese cake na binili niya.
Kung ganoon, ibig sabihin, akala niya bf ni Drey si Greg?? Dahil ba sa nangyari kanina??
"Naku. Di ba sinabi sayo ni Drey na hindi sila seryoso sa isa't isa. Laro lang nila yung kanina".
ang imbento kong kwento. Ang genuis ko.

BINABASA MO ANG
She's Inlove With The HBs
RomanceThe story is all about the title itself- Heartbreakers. <|3 Ang isang normal college freshman student ng Clover University ay late sa first class ng unang araw ng pasukan. Nakasagutan niya ang lalaking binansagan niyang 'Mr. Epal'...